Elisse Pitong araw na ang nakakalipas simula nung nalanan ko na buntis ako, at halos dito na nga tumira sa unit ko si Kierra dahil sabi niya ay gusto niya raw akong bantayan. Even Luis and Jacob, simula nung nalaman nilang buntis ako halos araw araw na silang pumupunta dito sa bahay para magdala ng mga pagkain o di kaya gawin ‘yung mga gawain bahay na dapat ako ang gumagawa. Kakatapos ko lang kumain at tatayo na sana ako para hugasan ‘yung platong pinagkainan ko nung bigla akong pinigilan ni Kierra. “Upo, diyan ka lang.” Mariin niyang utos sa’kin na parang bata. “Teh, buntis lang anman ako di baldado.” Katwiran ko naman sa sa kaniya tapos tatayo na sana ako nung biglang may kumuha ng plato na hawak hawak ko at paglingon ko it was Luis. “Kahit na, ang sabi ng doktor bawal kang magki

