"Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi? Ano ang mayroon?" nakangising tanong ni Elton kay Heaven. Tumingin ito sa kaniya. "Nagkausap na kami ni Kiara. Gumagawa na ako ng hakbang para bumalik siya sa akin." Tumawa si Elton. "So desidido ka na makuha talaga kaya aagawin mo na siya sa boyfriend niya?" "Oo. Wala namang binatbat sa akin ang boyfriend niya. Kahit sabihin pa sa akin ni Kiara na hindi niya ako mahal, hindi ako naniniwala doon. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakikita kong mahal niya pa rin ako." Natatawang napailing si Elton. "Ibang klase ka talaga, Heaven! Ang taas ng kumpiyansa mong ikaw pa rin ang mahal niya! Nakasisiguro ka ba diyan? Baka akala mo lang iyan. Maraming namamatay sa maling akala!" "Hindi ako nagkakamali. Alam kong ako pa rin ang mahal niya. Nararamdaman k

