67

1629 Words

Hindi nakatulog ng ayos si Kiara dahil naaalala niya ang ginawang paghalik ni Heaven sa kaniyang pisngi. Pati na ang pagdiin ng katawan nito sa kaniya. Hanggang ngayon pakiramdam niya, nadarama pa rin niya sa kaniyang puson ang matigas na p agkalalaki ni Heaven. Ramdam na ramdam niya kasi iyon at alam niyang sinadya ni Heaven na ipadama iyon sa kaniya. Kainis naman! Punyetang lalaking iyon! Ginulo na naman ang tahimik kong mundo! Malapit ng sumikat ang araw nang makatulog si Kiara. Kaya naman tinanghali siya ng gising. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya kahapon ni Heaven na magtutungo ulit ito sa falls. Dali- dali siyang bumangon at nagtungo sa kusina. Nakahanda na ang kanilang tanghalian nang magtungo siya doon. "Tinanghali ka yata ng gising ngayon?" tanong sa kaniya ni Rebecca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD