"Magandang umaga, sir! Kumusta naman po kayo sa bahay ninyo? Hindi po ba kayo nalulungkot o nabuburyo? Sa laki po ng bahay niyo eh mag- isa lang kayo," wika ni Myrna nang puntahan niya si Heaven sa bahay nito. "Sanay akong mag- isa. At isa pa, hindi naman habambuhay akong mag- isa sa bahay kong ito. Alam kong darating din ang araw na bubuo ako ng pamilya dito kasama ang babaeng mahal ko." Napakurap si Myrna. "Ahm... sabagay pero nasaan po ba ang babaeng mahal ninyo? Umalis pa ba siya? Iniwan po ba kayo?" Bumuntong hininga si Heaven. "Mahabang kuwento pero gagawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin." Lumunok ng laway si Myrna. "Eh paano po kung hindi na siya bumalik? Kung may iba na po siya?" Tinitigan ni Heaven ang dalaga. "Hindi ako papayag na mangyari iyon. Aagawin ko siya sa ta

