"Wow! Marunong ka na pa lang magtanim ngayon?" pang aasar ni Elton sa kaniya. Sinamaan niya ng tingin ang kaniyang kaibigan. "Tigilan mo nga ako. Naghahanap nga ako ng pagkakalibangan ko para makalimutan na si Kiara tapos ikaw pa itong paepal diyan." Malakas na tumawa si Elton. "Ano? Anong sinabi mo? Naghahanap ka ng libangan para kalimutan ang babaeng mahal na mahal mo? Parang malabo yatang mangyari iyan. Hindi ako sigurado kung makakalimutan mo nga siya ng ganoon na lang." Tumayo si Heaven at saka pinagpagan ang sarili. Kasalukuyan siyang nagtatanim ng kamatis sa malaking lupain ng kaniyang ama na pagmamay ari na niya ngayon. "Alam kong hindi madali pero sa tingin ko naman magagawa ko ito. Hindi ko kasi alam kung tama bang mang agaw ako eh. Paano kung sa akin mangyari iyon?" "Ay sus

