Nakangiting pinagmasdan ni Regina ang mga damit na ibinili sa kaniya ni Ford. Mayroon pa siyang mga personal hygiene na binili ng binata kagaya na lang ng napkin at kung anu- ano pang ginagamit ng babae. Halos mawindang nga si Regina nang makita ang bawat presyo ng damit na binili sa kaniya ni Ford. Mga branded kasi ito at talaga namang may pangalan ang pinagbilhan. Ang yaman naman ni Ford! Siguro isa siyang bilyonaryo! Iyong mga nababasa ko na mga lalaki sa isang libro! Ang gaganda ng binili niya sa aking damit! Ang bait niya talaga! At mukhang maginoo pa! Dali- daling nagtungo si Regina sa laundry area upang labhan ang mga damit. Hindi kasi siya nagsusuot kaagad ng bagong biling damit. Talagang nilalabhan niya muna ito. Anong oras kaya siya babalik? Saan kaya siya nagpupunta? Naupo

