"Good morning! Kumain na tayo! Nakapag- luto na ako ng breakfast!" nakangiting sabi ni Regina matapos niyang ihanda ang pagkain sa mesa. Nakasuot siya ng sando at maikling short. Na sa subrang ikli, nagmumukha na itong panty. Hindi tuloy maiwasang mapatitig ni Ford sa matambok na hiyas ng dalaga ngunit agad niya ring inalis ang tingin doon at itinuon na lamang ito sa pagkain. "Kanina ka pa gising?" tanong niya sa dalaga. "Hindi naman... siguro mga isang oras pa lang. Pagkabangon ko nagluto na kaagad ako ng almusal kasi naisip ko baka magutom ka at saka mas maganda kapag umaalis ka ng nag-aalmusal. Mas mainam na may laman ang sikmura bago ka umalis," malambing ang boses na sabi ni Regina. Nakagat ni Ford ang pang ibaba niyang labi. Pakiramdam niya tuloy, nagkaroon siya malambing na girl

