Gabi na ngunit wala pa si Ford dahil may inasikaso pa ito sa kanilang negosyo. Naiinip namang naghihintay sa kaniya si Regina dahil nakapagluto ng kanilang hapunan at malapit na ngang lumamig. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, nanuod na lamang siya ng palabas. Hangang sa tumunog ang cellphone niya at nakita ang maraming message sa kaniya ng kapitan niyang si Damian. Ngayon lang kasi naisipan buksan ni Regina ang kaniyang account. Maraming message rin sa kaniya ang kaniyang tiyahin ngunit hindi niya ito pinagpapansin. Binasa niya ang message ni Damian at saka binigay ang kaniyang bagong cellphone number. Mayamaya pa, nakatanggap siya ng tawag mula sa binata. "Nasaan ka na ba, Regina? Nag- aalala ako sa iyo ng sobra!" wika ni Damian mula sa kabilang linya. "Huwag mo na akong alalahanin pa.

