"Ouch tangina..." daing ni Ford nang magising siya kinabukasan. Nanuot sa kaniyang ilong ang sinasangag na kanin ni Regina. Dahan- dahan siyang bumangon mula sa sofa kung saan doon na siya nakatulog. Mariin siyang pumikit at saka hinawakan ang kaniyang sintido. Iniisip niya kung ano ba ang mga nagawa niya kagabi. Hanggang sa naalala niyang nagpakalasing siya. Inihatid lang siya ng kaibigan niya hanggang sa elevator patungo sa kaniyang unit floor. At naalala niyang nagawa siyang buhatin ni Regina patungo sa sofa. "Oh! Gising ka na pala! Wait lang, ha? Hindi pa luto itong sinangag," wika ni Regina na abala sa pagsasangag. Uminat- inat si Ford bago nagtungo sa banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya parang binibiyak ang kaniyang ulo sa sobrang sakit nito. Naiinis siya sa kaniyang sarili ku

