"Babe... paaalisin ko na sa resort kong iyon si Damon. Totally ban na ang lalaking iyon," mariing wika ni Ford nang makauwi siya sa kaniyang unit. Nanlaki ang mata ni Regina bago lumapit kay Ford. "Bakit? May nalaman ka ba tungkol sa kaniya?" Hindi na nagtagal sa resort na iyon si Regina matapos ang naging sagutan nilang dalawa ni Damon. Bigla kasi siyang nakaramdam na para bang may gagawing masama sa kaniya si Damon. Na para bang balak nitong gumanti sa ginawa niyang pagsapok. Hindi naman kasi gagawin iyon ni Regina kung hindi siya nasaktan sa ginawang pagpisil ni Damon sa kaniyang pulsuhan. Hindi naman kasi basta pinisil lang ni Damon iyon. Ramdam niya ang inis nito kung saan ginawa nito sa kaniya ay nagdulot ng sakit sa kaniyang kalamnan. At doon niya napagtantong may posibilidad na

