"Puwede ba akong sumama sa iyo mamaya? Nabo - boring talaga ako dito. Eh hindi na ako puwedeng magpunta sa resort dahil baka abangan ako ni Damon doon. Kaya sama na lang ako sa iyo," nakangusong sabi ni Regina sa kaniyang nobyo. "Huwag na. Dito ka na lang. Mahirap na. Baka mapahamak ka pa. Basta, i- lock mo ito at huwag kang magpapapasok ng kahit na sino, ha?" paalala sa kaniya ni Ford. "Sabagay. Pero sa susunod, puwede na akong sumama?" "Oo puwede na. Huwag muna ngayon. Mahirap na baka nakaabang lang ang lalaking iyon sa paglabas mo. Mabuti ng hindi niya alam kung nasaan ka. Basta iyong sinabi ko, ha? Kapag may nagyaya sa iyong lumabas, huwag kang lalabas. Kahit kaibigan mo pa iyan. Safety first muna tayo," paalala ni Ford sa kaniyang nobya. Mabilis namang tumango si Regina. Pagkaalis

