Pauwi na si Damon dahil mabilis lang naman siyang nagtungo sa pinuntahan niya. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang dalawang pamilyar na taong naglalakad - takbong tumutungo sa masukal na bahagi ng lugar na iyon. Agad na nanlisik ang mata ni Damon kasabay ng pagtangis ng kaniyang ngipin. Binalot siya ng matinding galit. "Tangina talaga ng matandang 'to! Pinatakas pa talaga niya si Regina!" galit niyang sabi. Kinuha niya ang baril niya sa likuran at maingat na nagtago sa matataas na damo doon. Ngunit napansin ni Regina na parang may sumusunod sa kanila hanggang sa nakita niya si Damon. "Mang Berting! Si Damon! Nandito na siya!" nahihintakutan niyang sabi. Nanlaki ang mata ni Berting. "Tumakas ka na, Regina! Bilisan mo ang pagtakbo mo! Bilis!" "Pero paano po kayo? Baka kung ano ang

