"Ano? Buhay ka pa? Ang bobo mo naman magmaneho!" pang aasar pang sabi ni Elton kay Heaven. "Tangina mo kung wala lang akong nararamdaman na sakit sa katawan, kanina pa kita sinuntok sa mukha," sagot ni Heaven. Malakas na tumawa si Elton habang naiiling na naupo sa kaniyang tabi. "Ang bobo mo naman kasi! Paano ka nadisgrasya, ha? Sobrang bilis mo bang magmaneho? Hindi mo na napansin na may sasakyan na sumalubong sa iyo?" Pilit ng ngumiti si Heaven. "Hindi... sobrang excited ko lang kasi nang malaman kong anak ko pala yung bata at ang pangalan niya ay Ford Thompson. Sa sobrang excite ko, napaiyak ako habang nagmamaneho. Nanlabo yung mga mata ko at hindi ko nakita yung sasakyan na paparating." Malakas na tumawa sa Elton habang si Heaven naman ay gusto ng sapakin ang kaniyang kaibigan ngun

