"H- Heaven?" Halos madurog ang puso ni Kiara nang makita si Heaven. Rumagasa kaaagad ang luha niya sa kaniyang mata nang mahawakan niya ang kamay ni Heaven. Lalo siyang napaiyak nang makita ang sugat nito sa ulo. Marahang iminulat ni Heaven ang kaniyang mga mata. Nakaidlip kasi siya. At nang makita niya sa kaniyang tabi si Kiara, hindi maipaliwanag na saya ang kaniyang nararamdaman. "S- Sino ka?" pagkukunwari niya. Lalong napaiyak si Kiara. Tumikhim si Elton sa isang tabi. "Ahm... Heaven, siya si Kiara. Siya ang babaeng mahal na mahal mo. Girlfriend mo siya. Hindi mo ba naaalala?" Nangunot ang noo ni Heaven. "Girlfriend?" "Oo... marahil hindi mo nga talaga siya maaalala dahil sa nangyari sa iyo. Siya na muna ang bahalang mag- alaga sa iyo. May gagawin pa kasi ako. Maiwan ko na muna ka

