May ngiti sa labi si Kiara nang makalabas na sila ng ospital. Habang nasa byahe, mahigpit niyang hawak ang kamay ni Heaven. Para bang ayaw na niyang bitawan pa ito. Pinagmasdan niya ang binata na nakapikit dahil nagpaalam ito sa kaniya na gusto niya munang maidlip. Ang guwapo talaga ng lalaking ito. Kahit natutulog, ang guwapo pa rin. "Nandito na tayo..." sambit ni Elton nang huminto ang kanilang sasakyan. Marahang tinapik ni Kiara ang mukha ni Heaven kaya naman dahan- dahang iminulat ni Heaven ang kaniyang mga mata. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya si Kiara sa kaniyang tabi. "Halika na, mahal ko. Nandito na tayo sa bahay mo," malamyos ang tinig na saad ni Kiara. Dahan- dahan na gumalaw si Heaven palabas ng sasakyan. Ginagalingan niya talaga sa pag- arte para hindi

