"Ihahatid na kita." "Ha? Hindi na. Magko- commute na ako," mabilis na sagot ni Regina habang nagsusuklay ng kaniyang buhok. "Bakit ayaw mong magpahatid? Para walang distorbo sa inyo ng lalaking iyon? Sino ba iyon? Manliligaw mo? Akala ko ba gusto mo ng trabaho para makaipon pero bakit parang lalaki ang hanap mo?" Naningkit ang mata ni Regina at saka sinipa sa binti si Ford. Napaluhod tuloy ang binata sa sakit. "Tangina! Ang sakit! Argh!" daing ni Ford habang hawak ang kaniyang binti. Nakapamaywang na tiningnan siya ni Regina. "Hoy, ikaw ha! Hindi porke pinatira mo ako dito at pinakain, may karapatan ka ng husgahan ako at sabihan ng kung anu- ano! Hindi lalaki ang hanap ko huwag kang g ago! Kasalanan ko ba kung maganda ako at lapitin ng lalaki? Manahimik ka diyan, ha! Kung gusto mo, aa

