"Kumusta? Okay ka na ba? Na- miss kita," nakangiting sabi ni Damon nang magtungo na sa resort si Regina. "Oh talaga ba? Hindi ko lang alam. Magaling na rin talaga mambola ano?" mataray na sabi ni Regina. Tumawa si Damon. "Ang sungit mo naman. Bakit? Pero ayos lang. The more you hate, the more you love." Malakas na tumawa si Regina. "Ang lakas ng tama mo! Walang gano'n! Naniniwala ka sa kasabihang iyan? Ewan ko na lang talaga kung mai- in love ba ako sa iyo. Para kasing pasaway ka." "Paano naman ako naging pasaway? Matino ako. Huwag mo nga lang akong gagalitin." Tumaas ang kilay ni Regina. "Bakit? Mananakit ka? Ayoko sa lalaking nananakit. Kung ganoon man ang magiging partner ko, magkakasuntukan talaga kami. Alam kong wala akong laban dahil iba ang lakas ng lalaki pero bahala na. Baka

