"Tita..." Maluha- luha si Lore nang makita si Regina kasama si Ford. Mabagal itong naglakad palapit sa kanila habang naluluha na. Kitang- kita ang pagbagsak ng katawan nito dala ng sakit. "R- Regina... s- salamat dahil nandito ka... salamat...." Parang maiiyak na rin si Regina sa mga sandaling iyon. Awang- awa siya sa kaniyang tiyahin. Dama niyang nagsasabi ito ng totoo at talaga namang totoo ang sinasabi nito. Ipinasok ni Ford ang dala nilang pagkain para kina Lore bago humugot ng pera sa kaniyang bulsa upang upang ibigay kay Lore. Lalo pang naiyak ang ginang. "Maraming salamat sa iyo, hijo. Pasensya ka na kung pati ikaw naabala pa. Hindi ko na rin alam kung saan ako lalapit. Laking pasasalamat ko dahil mayroon akong pamangkin na mayroong ginintuang puso. Na kahit naging masama ako s

