CHAPTER THIRTY-TWO

2065 Words

“LET’S go,” yakag ni Bernard kay Tori nang ganap nang makapasok sina Harold at Jane sa beach house. Iwinaksi ni Tori ang kamay niya at dali-daling sinundan ang dalawa na naabutan ng dalaga na noo’y patungo na sa punong hagdan. Kaagad niya itong sinundan sa takot na baka saktan nito si Jane at kung mapaano ang nobya ni Harold at ang dinadala nito. “Tori…” pigil niya sa dalaga ngunit muli nitong pinalis ang kamay niya at saka humarang sa daraanan ng magnobyo. Kahit pa nga maliit ang dalaga, taas-noo nitong tiningnan ang dalawa saka naghalukipkip bago tiningnan si Jane mula ulo hanggang paa pagdaka’y bumaling kay Harold na muli ay hinila si Jane sa likuran nito at hinarap si Tori. “You’ve gotta be kidding me, Harold,” anito na iiling-iling pa at nagtatakang nakatitig sa kapatid niya. “Iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD