“MOM! Get out!” singhal ni Tori sa kaniyang ina nang tuluyan na itong makapasok ng banyo at makita ang dugo na nagkalat sa flooring banyo habang inaampatan ng lunas ni Bernard ang sugat niya. “Oh, my God! A-Are you all right, sweety?” nag-aalala namang tumalima papunta sa kaniya ang mommy niya at saka kinuha ang kamay niya na noon ay katatapos lang bendahan ni Bernard. “Of course, I am! Don't be so dramatic!” angil niya sa ina na sinundan niya ng irap at saka kinuha muli ang kamay niya mula rito bago siya tumayo. Mabuti na lamang at nakaalalay sa kaniya si Bernard dahil sa pagtayo niya ay tila ba biglang umikot ang paligid niya kaya siya natumba at nasambot ng binata. “Tori!” hiyaw naman ng mommy niya na humawak sa kaniya kahit pa nga hawak na siya ni Bernard. “I’m fine! I’m fine!” gi

