CHAPTER FIFTY-SEVEN

1990 Words

KATAHIMIKAN. Iyon ang namayani sa pagitan nina Bernard at Tori. Kinalma ng binata ang sarili niya at nag-focus na lang sa ginagawa habang si Tori naman ay nakakunot ang noong nakamaang sa kaniya bago muling nagsalita makalipas ang ilang sandali. Nananatili pa rin itong nakatayo sa may sala habang matamang nakatingin sa kaniya. “I don’t know why you said those words, but I’m too damn sure that you didn’t mean it… especially not after meeting Allie,” mahinang sambit nito na nang tiningnan niya ay halo-halong emosyon ang nabasa niya sa mga mata nito. Nagpakawala ito ng hininga at saka naghalukipkip. “I might be young compare to you but I know for a fact that you wouldn’t dare choose an irresponsible and bratty girl like me over your first true love,” sarkastiko nitong wika na sinundan nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD