HUMIHINGAL na kumalas mula sa marubdob na paghalik kay Tori si Bernard bago itinukod ng binata ang noo nito sa kaniya habang nag-iinit ang mga palad na nakasapo sa magkabilang pisngi niya. Siya naman ay habol din ang hininga habang tila ba blanko ang utak sa pag-iisip. Marahang hinimas ni Bernard ang pisngi niya pagdaka'y muli siyang tinitigan habang iregular pa rin ang paghinga. “I was so damn worried about you, Tori,” bakas ang pagkabahala sa mukha na sambit nito. Noon na siya tila ba natauhan. Nagugulumihanan siya. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong gusot na t-shirt, may stumbles na rin ang balbas at bigote nito at nang muling bumalik ang mata niya sa mga mata nito, napansin niya ang panlalaking ng mga iyon na tila ba qkma ang sinasabi nitong nag-alala nga ito sa kaniya. And she

