HALOS mapugto na ang hininga nina Tori at Bernard nang maghiwalay sila dahil sa pag-ring ng phone ng dalaga na nasa sala. Noon niya lang napagtanto na doon natulog ang binata dahil sa kumot na naroon sa sofa. “E-Excuse me,” aniya nang sagutin ang tawag ng kabarkadang si Chloe. “Hey! Ang aga mong napatawag, ah!” natatawang sambit niya at saka tumango nang magpaalam si Bernard na magbibigay na. Kinuha niya ang coffeepot at saka nagsalin ng kape sa mug na nasa table bago iyon ibinalik sa coffeemaker. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Chloe bago pabulong na nagsalita. “The girls are talking about you, Tori! They even created a group chat without you and sent these photos!” wika naman nito. Chloe is a brat and all pero hindi ito ‘yong tipo ng kaibigan na sasakmalin ka patalikod. Chloe

