CHAPTER FIVE

1464 Words
HINDI malaman ni Bernard kung ano ang sasabihin at gagawin habang nasa harapan sila ng dining table. Ang ama ni Tori ay nasa puno ng mahabang lamesa na wari niya ay yari sa mamahaling kahoy habang katabi naman niya si Tori samantalang nasa tapat nila ang ina nito na nakatitig lang sa kaniya habang ngumunguya. “Mom, could you stop staring at him? You're making him uncomfortable!” angil naman ni Tori sa ina nang mahalata ng babae ang pagkailang niya. “I am expecting to see your parents to come here today or tomorrow, naiintindihan mo ba?” pormal na wika ng daddy ni Tori habang naghihiwa ng steak. Nag-igting ang mga bagang niya at napahigpit ang pagkakahawak niya sa tangan na steak knife at fork. Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya at biglang uminit sa may dining area na kinaroroonan nila. “Dad!” protesta naman kaagad ni Tori sa ama. “No buts. Both of you put this upon yourselves, so deal with it. Hindi ko mapapalampas ang nangyari sa inyo kagabi at lalong hindi ko hahayaang hindi mo mapanagutan ang anak ko,” matigas na wika ng matandang lalaki bago isinubo ang steak. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito bago siya nagpakawala nang marahas na hangin sa dibdib. “Ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ko ginalaw ang anak n’yo. Walang nangyari sa amin at wala akong balak panagutan ang isang bagay na wala naman akong kinalaman,” matigas ding paliwanag niya. Nauubos na ang pasensya niya sa ginagawa ng mga ito sa kaniya. Kung gugustuhin niya naman ay puwedeng-puwede siyang umalis doon ano mang oras, pero out of respect sa kapatid niya at sa magulang nito, he stayed. Pero ang ipaako ang isang bagay na hindi naman niya ginawa, well, that's a different story. Padabig na ibinagsak ng matandang lalaki ang tangan nitong kubyertos saka masamang tumingin sa kaniya habang pinupunasan ang bibig. “And you really have the audacity to say that to me when you were caught right-handed lying in a bed with my daughter?” namumula sa galit na wika nito. Ibinaba na rin niya ang hawak na kubyertos. Kung kanina ay naiilang siyang sumubo man lang ng pagkain, ngayon ay tuluyan na siyang nawalan ng gana. “Sir, why don't you send her to hospital and let them test her. I swear, nothing happened between us—” katwiran pa rin niya na pinutol ng mommy ni Tori. “The fact that we found you with our daughter in one bed—naked—it doesn't matter whether you did it or not. You were together. Naked. In one bed. Period. Don’t you get it?” iritadong paliwanag naman ng matandang babae. “Mom! Dad! Please! All I need is for you to find Harold. He will fix this,” singit ni Tori bago pa man siya makapagsalita ulit. Magkakapanabay silang napabaling sa sinabi ng dalaga. Noon na tumayo ang ama nito at malakas na inihampas ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. “And what Harold has to do with what you did last night, huh?” kunot-noong sambut ng daddy niya bago bumaling sa mommy niya habang umiiling-iling. “This is all your fault. You should have disciplined her more often. Look at her now—” “You should have been more present as a father to her! And why are you blaming me, anyway? Nalimutan mo na ba how you always take her side whenever I talk to her and she'll throw tantrums whenever things aren't going her way? Ikaw ang ama! Ikaw ang nangungunsinti riyan sa tuwing may kalokohang ginagawa. Ni hindi mo nga mapagalitan kapag nagsimula nang mangatwiran, eh. And now, you're blaming me? Wow!” putol naman at pahayag ng matandang babae na noon ay tumayo na rin at nakipagtitigan sa asawa. “Will you two shut up! This is why I don't wanna spend time here, eh! All you do is fight! All you do is shout!” inis na sigaw ni Tori na ikinagulat niya. Tumayo na rin ito saka siya hinawakan sa braso. “T-Teka—” Tatanggalin sana niya ang pagkakahawak nito sa kaniya nang magbago ang isip niya pagkakita sa malungkot na hitsura ng babae. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa kaniya na tila ba doon inilalabas ang galit habang halata naman niyang nagpipigil lang ito ng luha habang nakatingin sa magulang. “Watch your mouth, Victoria!” sigaw naman ng daddy ng dalaga subalit hindi naman iyon pinansin ng dalaga. Bagkos ay inirapan lang nito ang ama saka nakabusangot na hinila ulit ang braso niya. “Let's go. I wanted to catch some fresh air,” yaya nito sa kaniya saka siya iginiya patayo. “Teka lang,” pigil niya rito saka inalis ang kamay nito na nakahawak sa kaniya. “I know that you're upset and all, but that's not the proper way to talk to your parents.  Magulang mo sila. Kung ayaw mo ng ginagawa nila, maraming paraan oara sabihin iyon sa kanila sa maayos na paraan, hindi ‘yong sisigaw ka rin,” pangaral niya rito. “And who do you think you are to tell me that, huh?” mataray na angil ni Tori sa kaniya. Ni hindi man lang tinablan ng mga sinabi niya. “Talk to your daughter, Florence. I’m really about to lose my patience,” nasasaid nang sambit ng matandang lalaki at saka padabog muling hinampas ang lamesa para kuhanin ang atensyon niya at ni Tori. “Both of you are not allowed to go out of the hacienda!” mariing wika nito saka tuluyang umalis sa harap ng hapag-kainan matapos magpakawala ng magpakawala nang marahas na paghinga. Nang ganap nang mawala sapaningin nila ang matandang lalaki ay narinig niya ang pagtawa nang pagak ni Tori saka ang padabog na pag-upo nito. “As if we could get out of here!” sarkastikong sambit ni Tori saka nagbuga nang naiinis na hangin mula sa dibdib. Pinukulan naman ito ng nag-aalalang tingin ng ina na iiling-iling na tumayo bago nagpakawala ng hininga. “Hija, this is too much for us. Really too much,” anito na medyo nag-crack pa ang boses pagkabanggit ng huling pangungusap bago sila tinalikuran. Ngunit kaagad siyang napabaling kay Tori at takang-taka itong pinagmasdan nang malamig pa sa yelo itong nagsalita. “Oh, come on, mom! I just had s*x, so, what’s the biggie?” Sukat sa sinabi ng dalaga ay muling humarap ang mommy nito. Ang kaninang malumanay na hitsura nito ay biglang tumigas. Inilang hakbang lang nito ang pagitan nila ng anak at saka walang babalang inundayan ng sampal si Tori na labis na ikinagulat ng dalaga. Lumipat ang tingin ng ginang sa kaniya bago nanginginig ang boses na nagsalita habang nangingilid ang luha sa mga mata. “I’ll make sure that you’ll marry my daughter as soon as possible!” galit na galit na wika nito. “Mom!” “Ho?” Magkanapabay na gulat na sambit nil ani Tori. “No biggie, right?” tiim-bagang na baling ng matandang babae kay Tori saka muling tumalikod at iniwan sila na kapwa tulala. “There’s no way that I’m marrying you!” banas na banas na sambit ni Tori sa kaniya. “Sa tingin mo, ako, gusto ko? Aba, lalo naman ako! Wala akong balak makapag-asawa ng spoiled brat at kumuha ng batong ipupukpok ko sa ulo ko!” angil din niya na ikinabusangot lalo nito. “Kingkong!” panunuya nito sa kaniya sabay irap. Napatawa siya nang pilit at saka umiling-umiling. “Hindi lang pala height mo ang maliit sa iyo, eh. Pati utak mo! Grow up! Hindi mo ba na-gets ang sinabi ng nanay mo, ha? Umalis ka na raw sa poder nila!” ganti at paliwanag niya rito na ikinasinghap nito at siyempre, ikina-offend nito. “How dare you—” “Sabihin mo na sa kanila ang totoo dahil hindi ako mananahimik at susunod lang sa gusto ng magulang mo dahil lang sa mas naniwala sila sa sinasabi mo. May batas tayo at kahit ako pa ang gumastos para mapa-test ka, gagawin ko para lang tumigil na kayo sa pamumurwisyo n’yo!” payo at banta niya saka siya tumayo at kinuha ang telepono niya. Tutal, ginigipit na siya ng mga ito, panahon na para depensahan naman niya ang sarili niya. He will not just sit back here and wait until they ruin his life. He came back with a purpose. He came back to take back what his. And this spoiled brat will not ruin his plan just because she felt that she could manipulate anyone. There is no freaking way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD