“O, AYAN, ha. Baka naman magreklamo ka pa niyan,” bungad ni Bernard pagdating ni Tori mula sa pagmimiriyenda. Tuluyang pumasok ang dalaga sa loob ng silid at saka pinakiramdaman ang kama na nilatagan niya ng ilang patong ng kumot, maging ang makapal na blanket na iniuwi niya mula sa Dubai ay inilatag din niya para lang lumambot-lambot ang higaan. Umayos ng tayo si Tori at saka siya hinarap. Tiningala siya nito saka tinaasan ng kilay bago ito humalukipkip. “Are you kidding me? Really? Dito mo talaga ako patutulugin o ayaw mo lang talaga akong patulugin?” sarkastikong wika nito bago umiling-iling at bumaling sa may kama. “I’ve gotta buy my own bed—” Bigla itong natigilan nang tumalungko siya at saka hinawakan ang baba nito para igiya na tumingin sa kaniya. “You’ve got to play by my rul

