CHAPTER THREE

2735 Words
HALOS mahulog si Bernard mula sa kinahihigaang kama nang ma-realize niya na hindi siya nananag-inip. Na totoong may nakayakap sa kaniyang babae dahil ramdam na ramdam niya sa likuran niya ang init ng katawan na sumisingaw sa katawan nito. His manhood started to react on its own immediately! ‘Sh*t!’ sigaw ng isip niya nang maaninag ang mukha ng babae pagharap niya rito. This was the arrogant girl he met on the hallway downstairs! Halos mag-isang linya ang kilay niya nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwartong inookopa niya kasunod ng pagkasilaw niya nang biglang lumiwanag ang loob ng kuwarto. “What the hell!” reklamo niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang matandang lalaking nagbabaga ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nakatiim ang bagang nito at nakakuyom ang mga kamay. “Oh, my God!” Lumipat naman ang atensyon niya sa matandang babaeng gulat na nakatkip ang isang kamay sa bibig habang nakahawak sa braso ng lalaki. May katabi rin itong isang babaeng mas nakababata rito na katulad nito ay nanlalaki rin ang mata sa gulat habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ng katabing babaeng. Mabilis niyang tinakpan ang katawan ng katabing babae saka muling tumingin sa mga bagong dating. Isang sapak ang sumalubong sa kanya na hindi niya kaagad nailagan. Kaagad niyang hinimas ang kaliwang panga na natamaan. “Vic!” pigil kaagad ng matandang babae sa matandang lalaki nang muli sana siya nitong uundayan ng sapak. “Let go of my hand, Florence.” Iwinaksi ng matandang lalaki ang pagkakahawak dito ng matandang babae ngunit muli itong siniwata ng babae. “Stop it! Let’s talk like civilized people,” mahinahong wika ng babae. “What did you do to my daughter!” galit na galit pa rin na tanong nito habang nakatiim-bagang. Kung hindi siguro dahil sa kasama nito ay hindi lang siguro sapak ang inabot niya. “Look, sir. There seems to be misunderstanding. I don’t know her. We didn’t—” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang isang sampal naman ang lumipad sa pisngi niya. This time, it’s from the older woman. “Aunt Florence!” sansala ng nakakabatang babae saka inawat ang matandang babae habang ang matandang lalaki ay iginagala ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto niya. “You better watch your mouth, young man. That’s my daughter lying beside you in your bed!” bagaman nakaguhit rin ang galit sa mukha ng babae ay pinilit pa rin nitong maging kalmado. Sabay-sabay naman silang napabaling sa matandang lalaki nang muli itong sumigaw. “Nothing happened? And what’s the meaning of this!” sigaw nito nang habang kunot-noong nakatingin sa pantalon at bra na nakakalat sa gilid ng kama. “Sir, she came inside my room without—” “Oh, my God! Could you please keep quiet! I’m sleeping here!” Lahat sila ay hindi makapaniwalang napabaling sa babaeng katabi niya na noon ay umayos lang ng pagkakahiga sa kama at mas ibinaluktot pa ang sarili sa loob ng blanket. “Victoria! Get your a** up!” namumulang tawag dito ng ama nito habang niyuyog ito. “Leave me alone!” Pumadyak pa ang babae na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito. “What the—” Handa na sanang sugurin at piliting patayuin ng ama ang anak ngunit pumagitna ang kasama nitong nakababatang babae. “I’ll wake her up, Uncle Vic,” malumanay na wika nito saka tumingin sa kaniya. Noon tila nag-sink in sa kaniya ang sitwasyong kinasusuotan niya. This wouldn’t happen if he didn’t drink and take sleeping pills! He is not a deep sleeper, ‘Yon nga ang problema niya kaya niresetahan siya ng sleeping pills para maging maayos ang pagtulog niya. And who would have thought that someone would dare sneak inside any of the guest rooms here at the resort? Much more, sleep beside him in one bed! ‘Damn you and your drinking habit!’ sisi niya sa sarili saka siya humugot nang malalim na hininga. “You’re not going anywhere, mister, or else, I’ll sue you!” galit na baling sa kaniya ng matandang lalaki. “Ho?” gulat na sambit niya saka siya napalunok ng laway. ‘Ano itong napasukan mong gulo, Bernard?’ tanong ng isip niya bago lumipat ng tingin sa babaeng prenteng-prenteng nakahiga sa kama. Kung puwede lang niya itong haltakin mula sa kama at itapos sa labas ng bintana, gagawin niya talaga dahil sa pagkabuwisit dito! “And please lang, puwedeng magbihis ka!” turan naman ng nakababatang babae. Noon lang niya na-realize na boxers lang nga pala ang soot niya! Mabuti na nga lang at naka-kumot ang ibabang bahagi ng katawan niya, kung hindi, baka hindi na talaga siya matantiya ng tatay ng katabi niya! BAGAMAT mabigat ang ulo ay napilitan si Bernard na pakiharapan nang maayos ang mag-asawa. Halos limang minuto na silang magkakaharap sa pabilog na lamesang gawa sa metal na nasa loob ng malawak na kuwarto na nasa third floor. Doon siya pinasunod ng mag-asawa pagkatapos niyang magbihis. Naiwan naman sa kuwarto niya ang nakababatang babae para samahan ang anak ng mag-asawang kaharap niya ngayon. Pasimple niyang sinipat ang wristwatch niya. Mag-tu-twelve midnight pa lang pala! Ibig sabihin ay halos ilang oras pa lang siyang nakakatulog! Napukaw ang atensyon niya nang tumikhim ang matandang lalaki. Nang tingnan niya ito ay masama ang pagkakatitig nito sa kaniya. Kulang na lang ay lamunin siya nito ng buhay. Nag-alis siya ng bikig sa lalamunan saka humugot ng hininga bago nagsimulang magpaliwanag. “Hindi ko ho alam kung paano magsisimula sa paliwanag pero, hindi ko ho talaga alam kung bakit kami magkatabi ng anak n’yo,” umpisa niya, tinitimbang ang mga tingin at magiging reaksyon ng kaharap. “What are you doing in Harold’s room?” singit-tanong ng matandang babae. Galit pa rin ito kung tutuusin pero mas kalmado ang hitsura nito kaysa sa asawa nitong kaunti na lang yata ay ililibing na siya nang buhay. “Kapatid ko po si Harold. Isinama niya ako kahapon dito para—” “Kapatid?” gulat na ulit nito sa sinabi niya. “Oho,” pakli niya. “So, where is he?” tanong naman ng matandang babae. Kumunot ang noo niya at pilit inalala ang sinabi ng kapatid niya nang lumabas ito kagabi sa kuwarto pagkatapos nilang mag-inuman. Ang akala niya ay babalik ito sa birthday party ng kaibigan nito pero nagpalit ito ng damit at nag-ayos saka tumawag sa reception para magpadala ng taxi para sunduin ito sa resort. “Pupuntahan daw ho niya ang girlfriend niya,” tugon niya. “Girlfriend?” magkapanabay na bulalas ng dalawang matanda na nagkatinginan pa. Tumango lang siya. Sa ilang sandali ay nabalot sila ng katahimikan. Mayamaya ay muling nagsalita ang matandang lalaki. “You do realize that my daughter just turned eighteen and you… I think you are old enough to know what you’re doing,” kahit na galit pa rin ay mas mahinahon na ang tono ng boses ng matanda. “Alam ko ho, pero wala naman pong—” “Did Harold set you up with my daughter? Do you even like our Tori?” putol ng matandang babae. Marahas siyang umiling. “Hindi ko ho kilala ang anak n’yo. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa loob ng kuwarto pero sigurado ho akong wala talagang nangyari sa amin,” mariin na tanggi niya. Nanatiling nakatitig lamang ang matandang lalaki sa kaniya habang ang matandang babe naman ay napabuntong-hininga at inihawak ang kamay sa dibdib. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at patakbong pumasok sa loob ng kuwarto ang naka-hooded robe na si Tori kasunod ng babaeng kasama ng mag-asawa kanina na si Maritoni. “W-Where’s Harold?” tila pupungas-pungas at nagugulumihang tanong nito. Diretso itong nakatingin sa magulang at ni hindi siya alintana. “Sit down, Tori,” mababa ang boses ng matandang lalaki at halatang nagpipigil lamang ng galit. “I don’t want to!” matigas ang ulong tanggi nito na sinundan pa ng pagpadyak ng paa. Napailing siya sa ginawi ng babae. ‘Spoiled brat!’ anang isip niya habang nakatingin dito. Nang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng lamesa ay noon lang napansin ni Tori ang presensya niya. “And what are you doing here?” mataray na tanong nito na nagpamaywang pa sa harap niya. Imbis na sagutin ang tanong ng babae ay sinagot niya ang telepono. It was Harold. “Excuse me, sir. I need to answer this call. It's Harold,” paumanhin niya sa ama ni Tori saka tumalikod sa mga ito at mahina ang boses na sinagot ang tawag nga kapatid. “Hello. Nasaan ka ba?” “Kuya, nagtanan kami ni Jane,” sagot ni Harold sa kabilang linya. Halata pa sa boses nito ang pagkahingal. “Ano?” napatayo siya sa pagkabigla. “What? What is it? What happened to Harold?” gulat namang tanong at usisa ni Tori. Again, he ignored her. “Teka, si Tori ‘yon, ah. Bakit kayo magkasama?” usisa ni Harold. Humugot siya ng hininga bago muling nagsalita. “Let’s talk later. Mag-iingat kayo,” aniya saka pinatay ang telepono. “Was that really Harold?” usisa ng matandang lalaki. Alanganin siyang tumango. “Where is he?” ang pagtataray kanina ng babaeng kaharap ay napalitan ng pag-aalala. Obviously, she likes his brother. He sensed it by the way she mentioned his brother’s name. He heaved a very deep sigh. “Nakipagtanan ho siya sa girlfriend niya,” tugon niya. “What!” bulalas ni Tori saka namumulang tumingin sa magulang nito bago bumaling kay Maritoni na halatang nabigla at nag-alala kay Tori. “Why were you inside the room alone with his brother anyway, Tori? Are you crazy?” maanghang na tanong ng matandang lalaki sa tila nawala sa sariling si Tori. Lalong gumuhit ang labis na pagkabigla at pagkalito sa mukha ng dalaga. “H-Harold’s brother? You? P-Pero…” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin. Bigla itong natahimik saka impit na umiyak. “Tell us the truth, Tori…” pang-aalo naman ng ina nito na kaagad na lumapit sa anak at pinaupo ito sa isa pang upuan. “What happened? Did anything happened at the party?” “I-I…” Nanginginig ang boses ni Tori bago tumingin sa kaniya ng may kahulugan bago tumungo. “I-I’m sorry, mom. W-We did it. We made love last night,” pakli nito na ikinagulantang nilang lahat. “What the—” isang unday ng sapak na naman ang natamo niya mula sa matandang lalaki na hindi niya man lang namalayang nakatayo na pala mula sa kaibayong upuan. Masyado kasi siyang nagulat sa pagsisinungaling ng maliit na babae na sobrang sarap tirisin na parang kuto! “D-Dad!” sigaw ni Tori. Mabilis na pinigilan ng tatlong babae ang matandang lalaki nang akmang susugurin na naman siya nito. “You son of a b*tch! You can’t get away with this!” namumulang wika ng matanda saka bumaling kay Maritoni. “Marie, wake up Pablo. Ngayon din ay uuwi tayo sa hacienda!” utos nito saka muling ibinalik ang nagbabagang mata sa kaniya. “But, dad—” magrereklamo pa sana si Tori nang ito naman ang pagbalingan ng nagbabagang tingin ng ama nito. “And you, young lady, from now on, you will abide by my rules kung ayaw mong tuluyan kong putulin ‘yang sungay mo!” sigaw nito saka tumayo at lumabas ng kuwarto. “Mom…” sumamo naman nito sa ina nito na noo’y hindi malaman kung susundan ang asawa o mananatili sa tabi ng anak. “You made him angry this time, hija. This is too much for us. We are so disappointed. I can’t imagine you could do such thing, anak,” naiiyak na wika nito saka tumayo at sinundan ang matandang lalaki. “Ate…” tumingin naman ito kay Maritoni na noo’y nakahalukipkip at matamang natakatingin sa kanilang dalawa. “Ano’ng gagawin ko?” “You’re eighteen, Tori. Figure it out,” malamig na wika nito saka bumaling sa kaniya. “And you. You are old enough to be her uncle! Sana pinigilan mo siya,” paninisi nito sa kaniya. “Nothing happened between us. Get her tested and you’ll find out the truth,” nakatiim-bagang niyang sagot na nagpalaki sa mata ni Tori. “A-Are you crazy! P-Pagkatapos mo akong—” “Look, hindi ko alam kung bakit ka pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko alam na may katabi ako sa kama because I was too drunk and had pills inside my system. Sa madaling salita, kahit magkasunog, wala akong mamamalayan,” paliwanag niya. “Kahit ano pa ang sabihin mo. Kahit ano pa ang paliwanag mo. The fact that my cousin is in your bed and both of you were almost naked, sapat na iyon para kasuhan ka namin ng rape. I think you know that already, right?” matapang at matalinong pahayag naman ng nakatatandang babae saka lumapit kay Tori. “Mag-usap kayo. I don’t know what Uncle Vic is thinking but I’m damn sure that he is serious.” Kinuha nito ang cellphone saka tinawagan ang driver ng pamilya ngunit hindi naman lumabas ng kuwarto at maya’t maya rin ang pagsulyap sa gawi nila. “I don’t know why you did that for. I don’t even know you!” nanggigigil na sabi niya. Mangani-ngani niyang buhatin at ibitin patiwarik ang kaharap para magtanda! Pati siya idinamay sa kabaliwan nito! “You will help me take back what’s mine,” walang halong takot na wika nito saka sinapo ang ulo. “This freaking headache is killing me!” reklamo nito. “Excuse me? At ano naman ang kinalaman ko sa problema mo?” inis na banat niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula rito. Nagkibit-balikat lamang ito na tila ba hindi tinablan ng sinabi niya saka sumandal sa kinauupuan. “I want Harold to come back to me once and for all. He needs to leave that poor, ugly girl and come back to me!” He chuckled then shook his head. “May tama ka ba? Naka-drugs ka ‘no? And how could you be so sure that Harold will come back here? Naging kayo ba in the first place? Saka ako ang idadahilan mo sa kapatid ko? Ano? Para sunduin ako? I’m eight years older than him and—” “He adores you and he will not let anything bad happen to you,” kumpiyansang tugon nito habang nakapikit at marahang hinihilot ang ulo. “I can’t believe this! You are so arrogant li’l witch! Kaya pala kahit kailan, hindi ka man lang nabanggit ng kapatid ko sa akin. And yet, you’re claiming him to be yours when he never even mentioned your name to me?” nakakunot noong pahayag niya saka siya tumayo. “Tell your parents what really happened. Don’t drag me in this mess so you could take Harold back? I assure you, it will not work out and you’ll just get hurt again,” pagtatapos niya. Sa ilang sandali ay bumanaag ang lungkot at sakit sa mukha ng babae habang nakapikit ito, ngunit panandalian lamang iyon. Saglit itong dumilat at saka siya inirapan. ‘This girl is something,’ sa loob-loob niya saka tumayo bago humakbang papalabas sana ng kuwarto ngunit pinigilan siya ni Maritoni. “We’re going now,” ani Maritoni. “Tori, get up. Aalis na tayo!” baling nito sa pinsan. “Wait, may mga gamit pa ako sa—” protesta sana niya ngunit pinutol kaagad ni Maritoni. “Isusunod na lang ang mga gamit natin sa hacienda,” putol ni Maritoni saka sila hinawakan sa magkabila nitong kamay. He let go a sigh of submission. He needs to do something to get out from this mess, otherwise, he will forever regret coming back to Philippines!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD