CHAPTER TWO

3214 Words
VICTORIA looked so amazing with her black backless haltered top partnered with stretchable shiny black skinny jeans and four inches black suede ankle high heels shoes. She looked so stunning even though she has a little makeup on. Her edgy and rad short brown hair with highlight complimented her small heart-shaped face. Her deep set of black eyes with thick lashes, her small nose and pink heart-shaped lips were all in the right places that gave her a mixture of innocence yet sophisticated looks. Her small frame and petite height of 5’1” was not even a problem as she confidently entered the atrium while holding Harold’s arms. She was over the moon when Harold went over to her room and told her to forget what he said. Siyempre, nagpakipot pa siya sa una pero nang sabihin nitong ayaw nitong makitang malungkot siya sa party niya, kumabog naman agad ang dibdib niya. Pagkaalis ng binata sa kuwarto niya ay pinadalhan na lamang siya ni Maritoni ng tanghalian sa kuwarto niya dahil nagpakatanggi-tanggi ito at si Harold na bumaba siya para tingnan ang atrium. Pilit siyang kinumbinsi ng pinsan niya na magpahinga na lamang sa kuwarto niya para ‘fresh’ daw siya mamaya sa party. But of course, aside from that reason, she knew that Maritoni is just avoiding her to act like a boss-zilla to the resort’s staff. Pagkatanghalian ay umupo siya sa labas ng balcony at umupo sa swing. Wala sa loob siyang napangiti nang maisip ang plano sana niyang gawin in case na magtapat si Harold sa kaniya. She bit her lower lip as she thought of proceeding with her initial plan. She flashed a genuine smile as they walked toward the stage. All eyes were on them while their friends greet her as they pass by each table. The atrium looked chic with the yellow, pink and blue balloons and curtains surrounding the hall. Well, it was a semi-formal dinner party but she must admit that she was impressed with the way the place was decorated elegantly. The party went very well. Maritoni did a great job hosting the event even though it was an impromptu. Halfway the party, Harold told her that he’s going to change his clothes as he accidently poured juice in his shirt. Knowing Harold, hindi mapapakali ang binata na nanlilimahid ito sa party. He is a clean-freak, kaya naman um-oo siya kaagad. No biggie. Ngunit makalipas ang halos isang oras ay hindi pa rin ito bumabalik sa atrium. She even called him but he was not answering. Napahigit siya nang malalim na hininga nang kaagad na sumagi sa isip niya si Jane. Tila umakyat ang dugo niya sa ulo niya sa isang iglap. Awtomatiko siyang umabas ng atrium at nagtungo sa may parking area. ‘Geez!’ sa loob-loob niya nang matagapuan doon ang sasakyan ni Harold. A sigh of relief escaped her lungs. At least, hindi siya tinakasan ng binata. He didn’t run away just as he promised her. But she started feeling agitated when she returned back to the hall and still didn’t find Harold there and some of their friends were asking why he’s not there. Naghalukipkip siya saka umupo sa upuang nakalaan sa kaniya paharap sa stage saka hinarap si Chloe na siyang pinaka-naughty sa kanilang magkakabarkada. “He’s not feeling well since afternoon,” dahilan niya saka sumandal sa upuan at pinanood ang mga kaibigang naglalaro ng calamansi relay sa stage. Agad na nanlaki ang mga mata ni Chloe saka nakangising itinaas-baba ang mga kilay. “This is your chance, girl!” Hinawakan pa siya nito sa braso saka bumulong sa tainga niya. “Check out the gift I brought you. I sneaked out the champagne I brought from home,” makahulugang wika nito saka siya kinindatan. “You crazy, girl!” Tinampal niya ito nang mahina saka bumungisngis habang nakatakip ang mga kamay sa bibig niya. Well, kailangan naman talaga niya ang alkohol lalo na mamaya. She’ll definitely need a push so she could do her plan without feeling shy or guilty. Balak sana niyang magpuslit ng wine mamaya, buti na lang at hindi na niya kailangan pa iyong gawin. Masyado ring risky dahil nakabantay sa bar ang atribidang bakla na si Dino na nagiging Dina kapag nasa dilim! Tiyak kapag nahuli siya nito, diretso sumbong ito sa daddy niya, wala nang pali-paliwanag lalo at obvious naman ang pagkasipsip nito sa magulang niya. Saglit siyang iniwan ni Chloe at pagbalik ay may tangan nang dalawang baso ng cocktail juice. Umupo itong muli kinauupuan nito kanina saka ibinigay sa kaniya ang isang baso. “Here, drink this,” anito saka ito sumandal, nagdekwatro at uminom ng juice. Agad na humagod ang init ng alcohol na nakahalo sa juice pagkainom niya. Natatawa siyang hinagod sa likod ng kaibigan saka namumulang humagikhik at bumulong sa kaniya. “Hey, girl. Baka mahalata ka ni Marie. Chill!” “Are you crazy? Who the hell put alcohol in this juice?” nanlalaki ang mata niyang tanong habang habol pa rin ng hininga pagkatapos masamid. “Oh, sh*t! Your face is beet red!” nang-aasar pang wika nito sabay tampal sa pisngi niya. Mahina naman ang pagkakatampal nito pero pakiramdam niya ang nangapal ang pisngi niya sa pinaghalong kaba at siyempre, alcohol. Hindi naman kasi siya umiinom kaya panigurado siyang mabilis ang tama noon sa kaniya. “Kanina pa ba kayo umiinom?” nag-aalalang tanong niya saka iniligoy ang mata. Halos lahat ng mga naroon ay may tangan na baso na may lamang cocktail juice, maliban sa mga kaibigan nilang kasalukuyang naglalaro sa stage. “Just now, silly!” tugon nito saka tumingin sa stage. “But I’m sure, Marie will eventually find out,” bulong nito saka muling tumingin sa kaniya at tumawa. “You guys are so crazy!” protesta niya saka siya bumuntong-hininga. A helpless sigh. “Hey, cheer up, girl! We’re staying so no biggie, all right? Kj lang talaga si Uncle Vic. You can drink na, nasa legal age ka na, ‘no!” giit pa nito saka siya inirapan at tumingin sa stage habang sinisimsim paunti-unti ang tangan na cocktail juice. “Yeah, as if!” Inirapan niya ito saka umiling-iling. Well, she might as well try it once more para mamaya, mas sanay na siyang inumin ang champagne na regalo nito. Malalakas na halakhak ang pinakawalan niya habang pinapanood ang bagong group game na pinapalaro ni Maritoni sa mga kaibigan niya. This time, it’s a charade game. Well, they are really funny but she couldn’t control herself from laughing out loud. “Girl, here comes Marie,” bulong sa kaniya ni Chloe pagkatapos ng laro. “Hey, ate! The games are so freaking funny! Grabe! You should work at the parties talaga. You are so good—” Hindi na siya pinatapos pa nito sa pagsasalita. Sa halip ay mahigpit siya nitong hinawakan sa braso at naniningkit ang mga matang bumaling kay Chloe na noon ay nagkibit-balikat lamang. “Hey, she’s no longer a baby, okay? My God!” agad na katwiran agad ni Chloe kahit hindi naman nagsasalita si Maritoni. Nagpakawala nang malalim na hininga ang pinsan niya saka siya mabilis na iginiya papalalabas ng atrium. “Tell Dino to take care of the party. If someone asks, tell them that I’ll get down a bit later,” utos ni Maritoni sa Hostess na naroon sa may entrada ng atrium. “We’re so dead kapag nalaman ni Uncle Vic na nalasing ka, malilintikan tayo pareho talaga!” banta at saway ni Maritoni habang binabaybay nila ang hallway papunta sa may hagdanan paakyat sa second floor. Halata sa tono ng boses ng dalaga ang pinaghalong pagkainis at pag-aalala. Iwinaksi niya ang kamay nito saka ito pasuplada itong tinitigan. Something she’ll not dare do if she’s on her right mind. “I can… I can take care of myself, okay? Okay? S-stop treating me like… like a kid, okay? I… I can do whatever I can! Yes, I-I can… of course, I’m freakin’ eighteen already!” halos magkandabuhol-buhol ang mga salita niya at mataas ang boses na reklamo niya habang namumungay ang mga matai tong tinalikuran, subalit tila umikot ang paningin niya kaya bahagya siyang napagewang. Mabuti na lamang at kaagad siya nitong naalalayan. “Yeah, right! I could see that!” sarkastikong tugon nito saka nagpakawala ng hininga at nagpatuloy sila sa paglalakad. “Where is Harold anyway?” bulong nito sa sarili habang hirap na hirap siyang akay paakyat sa hagdan. “My God, Tori!” muling reklamo nito nang muntik na sila parehong mabuwal sa hagdanan. Maritoni chose to use the stairs as there were some guests at the lobby where the elevator’s at. Pinahiga siya ng dalaga sa kama niya saka ito tumawag sa room service. Nagtatalak pa ito nang kung ano-ano ngunit halos wala rin siyang naintindihan. Her mind was too preoccupied by her plan. Hindi naglipat-saglit ay may kumatok sa kuwarto niya. Halos bumaligtad ang sikmura niya pagkaamoy sa aroma ng kapeng-barako na pumailanlang sa kabuuan ng kuwarto niya. She hates coffee at alam na alam iyon ni Maritoni kaya halos mag-isang guhit ang kilay niya nang idilat niya ang mga mata at bumaling rito. “I know you hate this but you have drink this so you’ll be sober before Uncle Vic arrives, okay? I’ll go downstairs at baka lalong magwala ang mga kaibigan mo roon.” Ipinatong ni Maritoni sa side table ang kapeng barakong in-order nito sa room service saka umiling-iling. “Did Harold dump you that’s why you’re so down?” wala sa loob na tanong nito. Bulong lamang iyon pero dinig na dinig niya ang tanong na iyon ni Maritoni. Parang patalim na hiniwa ang puso niya. There’s the side of her that wanted to cry and give in, but there’s also the side of her that wanted her to stay strong and fight for him. The latter is what her plan is. She’ll fight for him no matter what. By hook or by crook, he will be hers! Sa kahit na anong paraan! Kahit sino pa ang masaktan, wala siyang pakialam! Mahal niya Harold, that’s all that matter right now. At lalong hindi siya makakapayag na mapunta lamang ito sa hampas-lupang anak ng katulong! No way! She got up and tried her best to stand straight minutes after Maritoni left. She needed to execute her plan now before she comes back to her senses! She checked the gift boxes that were on the corner and it didn’t take her time to find Chloe’s gift. It was inside a big pink box of Victoria’s Secret. Inside were her favorite perfume and lotion, a pink purse, and of course, the champagne. She grabbed the champagne bottle, set aside the gift box again, and walked towards her bed. She opened it and without hesitation, drank one big gulf of champagne from the bottle. Well, she drinks champagne on Christmas and New Years Eve since she was fifteen so, this is not her first time to taste it. Tangan ang bote ay muli siyang tumayo at nagtungo sa may balcony para silipin ang sasakyan ni Harold. It’s still there. Malamang nang dahil sa pagod ay nakatulog ang binata dahil na rin sa pagbiyaheng ginawa nito kanina mula pa sa Mindoro pagkatapos ay tumulong pa ito sa pagde-decorate ng atrium kanina. She took another gulp then shook her head. That one made her hiccup… and now, she’s starting to feel dizzy. Marahan niyang tinampal ang sarili. Hindi siya pupuwedeng malasing nang tuluyan. ‘Focus, Tori. You’ve gotta do this!’ kumbinsi niya sa sarili saka siya nagpakawala ng hininga bago tumango. Isa pang lagok ang ginawa niya bago siya nagpasyang lumabas ng kuwarto. She took a very deep breath before she made her first step after closing her door. Buo na ang loob niya at handa na siya sa mga consequences na pupuwedeng mangyari ng kapangahasang pinaplano niya. If she can’t have Harold for herself then nobody else can… especially Jane! Over her dead body!!! She tried her very best to walk as steady as she could until she reached the second guest room next to her room. It’s where Harold stays. Actually, she initially asked the reception staff to allocate the room next to her for Harold but when Maritoni arrived, her cousin insisted on taking that room next to her instead, so, she had no choice but to change Harold’s room. At least, malapit pa rin naman sa kaniya. She took another deep sigh then took the key card from her pocket. She secretly took the spare key card of Harold’s room from the reception earlier but she was not really expecting that she will actually sneak in to accomplish her plan! Pigil niya ang kaniyang hininga habang itinatapat ang keycard sa sensor ng pinto. Pag-ilaw ng green ay marahan niyang pinihit ang lever door handle ng guestroom kung saan sigurado siyang kasalukuyang nagpapahinga sa loob si Harold dahil sa nakasabit na ‘Do Not Disturb´ sign na nakasabit sa seradura ng pintuan. Muli siyang humugot nang malalim na hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto. Madilim ang loob ng kuwarto at kung hindi dahil sa ilang silahis ng liwanag na nanggagaling sa awang ng kurtina na tumatakip sa bintana ng silid, malamang para siyang bulag na mangangapa sa dilim. Napakunot ang noo niya nang sumalubong sa kaniya ang amoy ng alak pagkasara niya ng pintuan. Harold, just like her, never liked the smell and taste of alcohol. Ipinagsantabi na muna niya ang pagtataka. Harold is old enough to have a sip of alcohol every now and then. ‘Di ba nga’t ganoon ang sitwasyon niya ngayon? She had a drink to have enough courage? Humakbang siya papalapit sa kama. Hindi niya napigilan ang sariling mapalunok nang maaninag niya ang nakadapa at plastadong katawan ng lalaki na nasa ibabaw ng kama. He was half-naked on the upper part of his body and even though she couldn’t see him properly, she felt her whole body started to burn… literally. She never felt like this was before towards Harold. Well, she’s been alone with him in a room so many times but both of them were properly clothed. Yes, of course, she was attracted on him but not to the point where she would think of getting as sensual contact with him… literally. She unconsciously bit her lower lip and swallowed a lump as she surveyed Harold’s body in the dark. She noticed that his body seemed different compare to when he is fully clothed. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya at nanginginig ang buong katawan niya sa pinagsanib na kaba, antisipasyon at pagka-curious. Mahina siyang napahagikgik nang may maisip na kahalayan saka kaagad na pinigilan ang sarili dahil baka maalimpungatan ang binata at mapurnada pa ang balak niya. Marahan niyang ipinikit ang mga mata saka tumingala. Wala na talagang urungan! ‘Come what may!’ anang isip niya saka ipinagpatuloy ang paghakbang. Sa tulong ng espiritu ng alak, nasisigurado niyang maisasakatuparan niya ang plano ng hindi maiimpluwensyahan ng kaniyang kunsensya. Sana. ‘You can do this, Tori. Just don’t mess up and he’ll be finally yours!’ kumbinsi niya sa sarili saka nag-exhale. Maingat siyang umupo sa kama. Ni hindi man lang nag-react ang binata nang lumundo ang kinahihigaan nito. Marahil ay napakalalim na talaga ng tulog ni Harold kaya wala itong kamuwang-muwang sa paligid. Well, it’s a consolation on her part and this is truly a perfect opportunity for her. Siguradong hindi siya nito tatanggihan. Humiga siya sa kama at kinuha ang kumot na magulong nakapatong sa kama. She then wrapped herself with the blanket and removed her pants. Bukod-tanging boyleg underwear lamang ang itinira niya sa pang-ibaba. She carefully dropped it at the side of the bed then raised her upper body a bit and removed her bra. She then turned around to face him. Wala na ang hiya niya sa katawan. Hindi na niya kontrolado ang utak niya. Now that she’s beside him, smelling his manly fragrance mixed with alcohol, she got even more addicted to him, she supposed. Tila kasi hindi mapakali ang mga paroparo sa sa sikmura niya at ang munting demonyo sa utak niya ay paulit-ulit siyang inaakit na damhin ang katawan ng lalaki. Ang puso niya ay tila gustong mag-umalpas sa dibdib niya. As she moved closer to him, she started to doubt herself. Paano ba naman kasi, bigla na lamang pumasok sa isip niya ang hitsura ng lalaking nakasalubong niya kanina. Hindi niya alam kung bakit habang pinagmamasdan niya ang ulo, buhok, balikat at likod ni Harold ay ibang lalaki ang umokopa ng utak niya. Ipinilig niya ang ulo niya saka mahinang tinampal ang pisngi. ‘Get yourself together, Tori!’ saway niya sa sarili saka muling pinagmasdan ang kaharap na nakapatong ang mukha sa mga braso nito at ang mukha ay nakagawi patalikod sa kaniya. Sa namumungay na mga mata ay umurong siya palapit sa nakadapang binata at saka marahang umunan sa nakatupi nitong braso. Maingat niyang idinikit ang katawan sa hubad nitong tagiliran at likuran at pinakiramdaman ang init na tumatakas sa balat nito. “I-I love you, Harold. I-I love you so much, a-alam mo ba iyon? I loved you ever since we were twelve,” usal niya saka muli niyang iniangat mukha niya at idinantay iyon sa malapad nitong likod. She could feel his heavy breathing and she started to wonder if Harold was awake or not… cause his breathing was obviously faster than normal. “Harold?” pabulong na tawag niya rito. He didn’t answer nor moved a muscle. Nagkibit-balikat na lang siya. Mali lang siguro ang pakiwari niya. Maybe she’s too drunk and imagining things. Natawa siya sa naisip saka muling nagsumiksik sa katawan ng lalaki. Ang sarap umunan sa likuran ng kababata niya. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya at dinadala sa kung saan. His back was warm enough to make her heart quiver. Then suddenly, she sneezed. Noon biglang gumalaw ang binata. Mula sa pagkakadapa ay umayos ito ng higa at saka tumalikod sa kaniya. Napadilat siya nang mariin nang hawakan ni Harold ang kamay niya para mas mapayakap pa siya rito. The butterflies in her stomach started to fly around her guts all the way through her heart! She kept her eyes closed as she felt his hand squeezed her hand a bit. Matagal na niyang pinangarap ang mahawakan nang matagal ang kamay ng binata and she wanted to treasure this moment. Dito muna siya magkakasya, sa paghawak ng kamay ng lalaking mahal niya. Mamaya na niya gagawin ang pang-aakit dito at pagsuko ng kaniyang Bataan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD