CHAPTER TWELVE

1564 Words

HINDI umubra ang pagyugyog ni Bernard kay Tori na himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog pagkadating nila ng mansyon ng step-father niyang si Harry. "Buhatin mo na kasi, apo," suhestyon ng lolo niya pagkabukas nito ng pintuan ng back seat ng sasakyan ni Tori. Naabutan kasi siya nitong ginigising pa rin ang dalaga mula sa pagkakatulog nito sa sasakyan. "May dalawang paa pa po 'to at hindi lumpo, 'lo. Kaya pa po niyang maglakad mag-isa," katwiran niya sa abuelo saka muling niyugyog si Tori. "Uy, ano ba? Gising na," pilit na gising niya kay Tori. Pero daig pa nito ang mantika kung matulog sa taglamig. Sa halip na gumising ay mas lalo pa nitong niyakap ang isang braso niya dahilan para lalo siyang mainis dito. "Sige na, apo. Mukhang napagod sa biyahe, eh," nangingiting giit ng Lolo Abel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD