Ang saya saya namin dahil may panibagong bansa na naman kaming napuntahan na mag kasama. Sa sobrang saya at excited namin di na kami naka kuha ng tour guide dito sa jeju yan tuloy para kaming mga aso na pinalabas sa kulungan, kung saan saan na nakarating.
Kung saan saan kami pumwe-pwesto para lang makakuha ng litrato hanggang sa makarating kami sa maraming puno ng mga gingko leaves, ang saya namin dahil naabutan namin at nakita kung paano maglagas ang mga dahon neto.
Parang perfect spot na ito para sa mga may gustong mag propose lalo na at autumn. Todo kuha ako ng mga litrato kay shantel dahil parang walang alam ito na kinukuhanan ko dahil ang atensyon niya nasa mga dahon na naglalagas.
Kinabukasan ay sa Gyeongbokgung palace kami pumunta at kung di ako nagkakamali may isang korean drama na na dito ginanap at ang ganda talaga dito. At ang bestfriend ko todo pic ng mga info ng mga pinupuntahan namin kagaya netong palace na also known as Northern palace and this palace has been bombed, destroy, rebuilt several times,occupied by japanese and only finally restored in 1990. Mahilig sa history beshy ko samantalang ako kagabi pa na namimiss yung bar.
3rd day namin ng korea ay lumipad pa kami papuntang busan para lang mapuntahan yung Hillside village of Gamecheon Busan. Gamacheon is a european style village on the cliffs above the sea, like koreas version of santorini. Pero kung sa malayuan man pwede ng mapagkamalang nasa baguio yung mga bahay dahil sa mga kulay neto na iba iba. Dito rin kami kumain ng maraming seafood dahil dito yung largest commercial seafood market nila na tinatawag na Jagalchi market. Walang diet diet daw muna sabi ni shantel dahil kailangan i enjoy ang mga pagkain sayang nga lang at walang alak. Alak talaga yung nasa utak ko palibhasa di ma isatabi yung pagiging walwalera ko.
4th day namin sa Changdeokgung Palace. The five grand palace built by the joseon dyantasy in the 15th century
around seoul, Changdeokgung palace was always the preferred royal residence. Its where the king and royal family lived their daily lives. Kaya naka try din kaming makasuot ng korean traditional costume na tinatawag na hanbok kaya feel na feel namin ang araw na to dahil para kaming mga prinsesa na ipapakasal sa magiging hari, ganda lang ng imaginations eh.
5th day in the traditional house with storage pots in Jeonju. Parang gusto ko nga pumasok sa isa sa mga storage pots nila eh at mag iinarte na parang genie tas sasabihan ko si shantel na bibigyan ko siya ng tatlong kahilingan kaso pinigilan niya ko dahil nakakahiya na daw ako. Sabi nila jeonju is a very historic city, yun lang narinig ko dahil di naman ako interesado si shantel lang naman mahilig sa mga ganon dahil ang talino eh nacucurious sa mga bagong nadinig.
6th day namin pupunta kami sana sa popular resort nila na tinatawag na Jusangjeolli Cliff jeju island kaso mapapagod na kami lalo na at bukas ang alis na namin at kung pupunta man kami dun kailangan naming sumakay ng eroplano para makarating dun, siguro next time na lang din para maraming time. They said parang hawaii na daw ng korea dun and its volcanic island. Nag aya na lang ako ng bar kay shantel at pumayag na man siya pero bago daw kami pumunta dun kailangan muna naming kumain at ayaw niya sa restaurant dahil she wants to try korean street foods daw kaya pag bigyan.
Gwangjang Market in central seoul dyan kami pumunta dahil maraming streets food daw dun.
"Can i have one dakkochi, ddukbokkie and egg muffin please" Akala ko kasama na dun yung kakainin ko sa inorder ni shantel kaso akala ko lang pala yun dahil sakanya daw lahat yun at pinanindigan niya nga talaga yung sinabi niya na walang diet diet ngayon.
"Gimbap, Bungeo-ppang, ddukbokkie and two pomegranade tea please"
Nang masarapan kami sa kinakain namin na isipan na rin namin na tikman na rin yung iba kaya bumili kami ng Bibimbap, Bulgogi, Bossam at gopchang. Dadamihan ko pa sana kaso pinigilan na niya ako dahil baka di na namin maubos at di na kami makapunta ng bar sa sobrang katakawan.
Kung di kami sanay sa anghang ewan na lang talaga yung kinakain namin dahil yung iba ang anghang na nga talaga. Pagkatapos namin kumain nag pahinga na muna kami ng mga ilang minuto at pumunta na sa pinakamalapit na bar.
Ang ganda din ng bar nila dito at mas maraming pagpipilian at napaka sosyal din ng paligid kaya enjoy na enjoy akong uminom at sumayaw habang ang bestfriend ko naman nasa gilid lang at nanunuod saakin, umiinom ng cocktail dahil ayaw ng hard drinks.
Gaya ng dati ako na naman ang nag rereyna sa dance floor at yung ibang mga lalaki nag papasimple na at yung iba naman grabe na kung makatitig kay shantel. Meron din namang lumalapit kaso ayaw ng bestfriend ko eh kaya wala silang magawa.
Gusto kong malasing kaso di ko alam kung paano kaya napagdesisyunan na lang namin na umuwi na at i enjoy yung last night namin sa hotel. Sabay kaming naligo at nag babad sa bathtub at may hawak rin na wine, gusto lang namin i relax yung sarili namin bago umuwi sa philippines kung saan maraming problema naman ang hatid ng aming mga magulang na walang ibang inaatupag kungdi ang business nila.