Chapter 5

939 Words
Pagkarating namin sa pinas tawag agad ni mommy ang sumalubong sakin. "Mommy??" "Clara family dinner tomorrow bring amery if you want." siya lang talaga yung tumatawag saakin ng clara at amery naman kay shantel "Yes mom" "Pinadala ko na yung dress mo yan yung susuotin mo, aasahan kita bukas you should be there okay??" family dinner lang naman di na kailangan ng dress pero bat nag padala pa, special dinner ganon. "Okay mom" siya na rin nag end ng tawag at isesend nalang daw niya yung address kung saan gaganapin yung dinner. Akala ko nga sa bahay lang eh Gabi ang uwi namin dito sa pinas kaya ganito na lang kahimbing ang pag tulog ni shantel dala na rin siguro ng pagod, matutulog na nga rin sana ako eh kung di lang tumawag si mommy para sa dinner na yun. Bago ako matulog chineck ko muna yung dress na pinadala ni mommy for tomorrow daw. White off shoulder dress na above the knee at may partner na white shoulder bag din yun, bakit lahat white?? ganda ng trip ni mommy ah may plano pa naman sana ako mag bar bukas kaso di na matutuloy or pwede pa naman humabol sa walwalan kung maagang matapos. Natulog na rin kaagad ako dahil need ko ng beauty rest at para makapag work out ako kinabukasan ng umaga dahil kailangan din namin yun. Kumain ba naman kasi ng walang diet diet yan tuloy parang nabawasan pagkasexy ng katawan ko. Kinaumagahan sabay kami ni shantel na bumaba ng condo para mag work out at siyempre todo bigay kaming dalawa para lang bumalik sa dati yung timbang namin, tumaas kasi. Kailan kaya kami makakapagwork out ng walang mga lalaking nag fleflex ng kanilang katawan na parang mga tanga?? Ganon na naman kasi yung nangyayari ngayon, ayon na naman sila sa pag wowork out nila na saamin yung tingin, nakakainis yung mga ganon parang pinanganak na kulang sa pansin. Nang nasa elevator na kami pumasok sa isip ko yung dinner mamaya na sinasabi ni mommy. "Babe family dinner later with my parents, you cant say no!" "If i cant say no....so it should be yes??" "Yes!! you need to come with me" kailangan niya talagang sumama saakin dahil alam niyang nag iisang anak lang ako at malamang na nasaakin yung atensyon kaya kailangan nandun din siya para siya ang makakuha ng atensyon na yun. "Okay" buti na man at pumayag, pero kung hindi man pumayag mag bibigti na lang ako. Di ako excited sa dinner na yun dahil kahit lunch time pa lang ngayon parang di na ako mapakali sa kinauupuan ko. Ang daming pumapasok sa isip ko kung bakit biglaang tumawag yung mommy ko para sa dinner at kung ano yung mga possibleng itatanong nila saakin. Kung ipapamana na ba saakin yung company nila kaya sila nagpatawag ng dinner, ay nako di pa ako ready and i will never be ready sa walwalan lang ako super ready . Ang bilis ng oras dahil 3pm na at para daw akong timang sabi ni shantel dahil kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan at parang di komportable. Kung sana kasi sinabi niya na simple family dinner lang yung magaganap mamaya bilang pampalubag ng loob ko edi sana mahinahon na ako ngayon. And i should be calm naman talaga kaso parang may nagpapatakot sa puso ko kaya ganito nalang yung kaba ko sa kung anong mangyayari mamaya. 5:00 ng magsimula na kaming mag ayos at yung kaba ko di parin nawawala hanggang ngayon, kakainis. Bumagay saakin yung dress at si shantel naman nag dress din kaso kulay old rose yung sakanya at di kami same ng design. Nag lagay lang kami ng light make up para matakpan kung ano man yung pwedeng tatakpan sa mukha namin kahit aminadong makinis talaga kaming dalawa. Di ko na tinali yung buhok ko dahil nag tetext na saakin si mommy na dapat paalis na raw kami,ang excited naman nila samantalang ako di pa kumakalma at di alam kung paano ba kumalma. Bilang lang ata yung paggamit ng sasakyan ni Shantel eh, palagi kasing akin nalang yung ginagamit namamahalan na ata sa gas tong babaeng to at ang sabi niya family dinner daw to ng pamilya ko kaya no choice ako kungdi ang ipagdrive siya. Pagkarating namin dun naka reserve na yung upaan para saamin at nakakapagtaka at sobra sa apat yung upuan sa table namin. Eto ba yung kinakaba ng puso ko simula kanina?? upuan lang pala tsk. Ang aga namin nakarating kaya nag antay pa kami ng ilang minuto at dumating na rin yung parents ko. "Oh my god you looks so beautiful anak and you too Amery" palagi naman kaming maganda ah ngayon lang ata nakita ni mom "lets eat na mommy" "Wait anak im waiting for my friends at yung food naka order na ako kanina pa" friends kaya pala ganito yung mga upuan dahil may dadating na friends Di pa naman ako gutom pero kailangan pa naming hintayin yung friends ni mommy bago mag simulang kumain. Walwalan yung nag aantay saakin at di yun pwedeng malate. "Anong ganap sa buhay niyong dalawa??" tanong ni mommy na parang di kilala yung mga galawan at likuan ng mga bituka namin. "Galing lang po kami sa korea for vacation mom" Magsasalita pa sana siya kaso dumating na yung friends niya na parang family din naman to. Isang nanay at isang tatay kasama ang anak, ano to?? two family dinner?? Nakipag beso beso yung nanay ko sakanila at todo asikaso pa dahil nag tawag na kaagad ng waiter na mag sisilbe ng pagkain namin. "Clara anak meet Dale your future husband"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD