5

1148 Words
I don't think I slept well. Pabalik-balik ako nang tulog. Palagi akong nagigising sa hindi ko malamang dahilan at nahihirapan akong bumalik sa pagtulog kaya naman sobrang bigat ng mata ko. Feeling ko nagkaroon ako ng eyebags dahil sa pagpupuyat ko. Lumabas ako ng kwarto para tingnan si Marc kung nandito na sa bahay. Wala siya sa kwarto ko, naalala kong sinabi ko sa kaniyang bumukod siya ng kwarto kahapon. "Sweetie if you're looking for Marc he was already here so no need to worry." si Gasper ang naabutan ko sa salas. Nag-aayos siya ng kaniyang sarili. Hindi na siya nakasuot ng black suit, normal clothes na ang suot niya. Tapos na siguro ang duty niya, tama nga ako, night shift siya. "Why are you still here?" malamig kong tanong sa kaniya. Okay na ako sa narinig kong nakauwi na si Marc. Nakahinga na ako ng maluwag. Pero bakit hindi man lang nag text si Marc kung nakauwi na siya. Hindi man lang siya nag reply sa mga mensahe ko. "Hinihintay ko 'yung kapalitan ko. Tagal nga e takte. Mauna na ako ha? Huwag kang mag-alala, maraming agent sa labas kaya safe ka pa rin. Isa pa nandito na si Marc kaya puwede na akong umalis kahit wala pa 'yung kapalitan ko. Bye sweetie," kinindatan niya ako bago kinuha ang mga gamit niya saka umalis sa bahay. Napailing na lang ako. Playboy talaga. Pinagpatuloy ko ang paghahanap kay Marc. Wala siya sa ibang mga kwarto. Saan naman kaya siya nagpunta ngayong umaga. Hindi naman siguro siya magjojogging ngayon dahil anong oras na siyang nakauwi kanina. I find myself standing in front of the gym area of this big house. Sa puwesto ko kita ko kung paano mag push-up si Marc. He's topless. Mabuti naman nandito na siya. Ni hindi man lang siya nagsabi sa aking nakauwi na siya. Sa sobrang dami kong messages sa kaniya at tawag ni isa wala man lang siyang sinagot doon. Tapos makikita ko siya dito sa gym kampanteng nag-wo-work out. Bakit ba kasi nag-alala pa ako sa kaniya. Hindi naman siguro siya magiging agent kung hindi niya kayang iligtas ang kaniyang sarili. Why do I feel so disappointed? Hindi naman responsibility ni Marc ang mag update sa akin. Pero kasi, para lang hindi ako mag-alala sana ina-update niya ako. O kahit man lang sagutin ang tawag ko at mag reply sa mga messages ko sa kaniya. He stood up. I was about to move to hide but It was too late. He saw me while I was looking at him doing his work out. "Anong ginagawa mo diyan? Mag-g-gym ka din ba?" tanong niya. Kinuha niya iyong towel na pinatong niya sa Elliptical. How can he be so casual? Parang wala siyang atraso sa akin. Pagkatapos niya akong pag-alalahanin kagabi. Mukhang cool lang siya. At mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa aking alam na niya ang buo kong pagkatao. He positioned himself to the bench press. He continued working out. Hindi niya ako pinansin at hindi rin siya nagbigay ng kahit na anong pagkayamot dahil hindi ko sinagot ang tanong niya sa akin kanina. Nagpatuloy lang siya sa pagbuhat ng barbell. Lumabas mga ugat sa kamay at lumitaw ang kaniyang muscles nang buhatin iyon. Habang nakahiga ang katawan niya sa bench press kita ko kung gaano siya kalakas habang binubuhat ang barbell. Talagang pinagaganda niya ang kaniyang katawan. "What can you get by doing that?" I asked him. Just curious. I can see how red his face. He is giving all of his strength lifting up the barbell. "Chest." simpleng sagot niya. Pagkatapos ng ilang buhat ay nagpahinga siya saglit. Bago pumunta naman sa Squat Rack. "Do you do this every day?" tanong ko ulit. Tiningnan niya lang ako. Kumuha siya ng dumbbell at inabot sa akin. "Try this one." "Ha? Mabigat." naibaba ko 'yung inabot niya sa akin. "Mabigat? Iyan na nga 'yung pinakamagaan." "E sa mabigat para sa akin. Magkaiba naman kasi tayo ng lakas. You are stronger than me because you're a man. I'm just a girl and I don't know how to lift something like that. I can't." "Dami mo namang sinabi. I'll help you." "I am not here to work out, Marc." "Then what are you doing here in the Gym? I thought you want to work out." "I'm just checking you. Sobra akong nag-alala kagabi. Huwag mo nang uuliting umuwi ng ganoong oras." umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Babalik na ako sa kwarto, I have so many things to do pa." "Wait. Hindi mo ba na received message ko kahapon?" tanong niya sa akin. "Nag message ka sa akin? Wala akong natanggap." "Yeah, my phone's broken. Alam kong ikaw yung tumatawag kaya I tried to text you kahit pa hindi ko na makita 'yung screen ng phone ko. I thought I succeeded but I guess I wasn't. I'm sorry." "Nasira ang phone mo?" tanong ko sa kaniya. Kaya pala hindi siya nakakasagot sa tawag at text ko. Tumango siya sa tanong ko. Kinuha niya 'yung phone niya sa may gilid at pinakita sa akin. Basag nga ang screen ng phone niya, halos kabuuan niyon ay hindi na halos makita. "Nahulog ko kahapon. Sorry kung pinag-alala kita." "Wala 'yon. Pasensya ka na kung tawag ako nang tawag kahapon. Hindi ko naman alam na nasira ang phone mo. Pasensya ka na kung nagalit ako sa 'yo." "That's fine. I'm going to buy a new phone later. Gusto mong sumama sa Mall?" tanong niya sa akin. "Ha?" "Para makalabas ka rin kahit minsan. Let's go to a Mall." aya niya sa akin. "Pero, puwede ba?" I asked. Kung ako ang tatanungin syempre gusto kong sumama sa Mall. Hindi pa ako nakakapuntang Mall. Simula pa noong bata ako hindi pa ako nadadala ni Ate Zoey sa Mall. Restaurant lang at sa Playground. "Oo puwede. Kasama mo naman ako. Saka saglit lang tayo doon ha? Bibili lang ako ng phone. Kung gusto mo kakain na rin tayo sa paborito mong kainan. Pambawi lang kasi pinag-alala kita kagabi." sabi niya sa akin. Pinunasan niya ang pawis niya sa kaniyang katawan. How does it possible? Kahit puno siya ng pawis hindi siya nangangamoy mabaho. Sa katunayan ay mabango pa ang pawis niya, kapit na ang pabango niya pati sa kaniyang pawis. "Magsasama pa ba tayo ng bodyguard?" tanong ko. "Kelly, anong silbi ko kung magsasama pa tayo? Hindi na. Para ma-enjoy mo rin sa Mall mamaya." "Okay." hindi ko mapigilan ang ngumiti. I can't help to feel excited. This is going to be exciting. This is my first time to go to a mall, and with Marc pa. Kaya naman sobra akong na-e-excite. "Teka nag-almusal ka na ba?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Hindi pa." "I forgot I'm sorry. Hindi ako nakapagluto ng almusal mo. Sige, ganito na lang, mauna ka na sa kusina. Maglilinis lang ako ng katawan saka kita pupuntahan doon para ipagluto." pagkuwang sabi niya sa akin. Sumang-ayon ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Is it too much joy? Sobra akong nakikiliti sa tiyan kahit pa wala namang kumikiliti sa akin. Pumanhik ako sa kusina. Doon ko na lang hihintayin si Marc.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD