"Maxine, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Michael sa kanya. Hindi nagsalita si Maxine at umiiyak lang ito. Nag-smile si Janeth kay Maxine, natutuwa siya dahil nakikita niyang nasasaktan si Maxine. Lumapit si Maxine kay Michael at tinitigan niya ito. Tiningnan niya ang baby at si Janeth. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Maxine kahit isang salita walang lumabas sa kanyang bibig. Pagkatapos tumakbo na lamang siya palabas kahit isang salita wala siyang binibitiwan laban kay Michael at Janeth. Umuwi si Maxine sa kanilang bahay at tinawagan niya ang kanilang lawyer. Nag file siya ng annulment para tuluyan nang makalaya si Michael sa kaniya. Gabi na nang umuwi si Michael at late na naman itong umuwi. Binigay agad ni Maxine ang annulment paper kay Michael. Nagulat ito dahil hindi siya

