"Maxine, nandito pa naman ako sa bahay. 'di ba? Umuuwi pa rin ako sa inyo." saad ni Michael. "Ayaw kong may kahati sa kama Michael. At ayaw kong nandito ang katawan mo pero ang utak at puso mo kay Janeth." "Maxine, mahal kita. Mahal na mahal kita. Please, patawarin mo na ako." "At isa pa Michael. Huwag mo nang babanggitin sa harapan ko ang salitang 'yan! Dahil hindi ko na 'yan paniniwalaan." "Maxine, hindi totoo ang iniisip mo. Walang nangyayari sa amin ni Janeth, hindi kami nagsesex. Anak ko lang ang rason kaya pumupunta ako sa kanyang condo. Hindi ko siya matanggihan sa tuwing sasabibin niya sa ‘kin na hinahanap ako ng anak namin. Bumabawi lang ako sa pagkukulang ko sa kanya." "Oo Michael, huwag kang mag alala naintindihan kita eh. Syempre anong magagawa ko anak mo 'yon, di 'ba? Nga

