"Janeth hindi puwede yan, mahal ko ang pamilya ko." sagot ni Michael kay Janeth. "Para hindi ka na maguluhan aalagaan kita. Ibigay ko sa ‘yo ang lahat ng gusto mo." "Bakit Janeth, ganoon ka na ba ka yaman? At ganyan ang offer mo sa ‘kin?" tanong ni Michael kay Janeth. "Maraming pera at malaking bahay. Kaya kong ibigay sa 'yo lahat ng 'yan Michael. Sumama ka na sa amin ni baby Yvonne. Magsimula tayo ulit please. Problema lang naman ang binibigay sa ‘yo nang pamilya mo 'di ba?" "Janeth, hindi ko magagawa 'yan sa pamilya ko! Mahal na mahal ko si Maxine." umatras si Michael dahil lumapit sa kanya si Janeth. "Sa ‘kin ka na lang Michael. Hindi kita bibigyan ng problema, mahalin mo lang kami ni baby sapat na sa ‘kin." niyakap ni Janeth si Michael pero tinulak niya ito. Natulala si Michael

