"Wala ka na talagang natitirang hiya d'yan sa sarili mo nuh, Janeth? Alam ko naman na wala nang katahimikan ang pamilya namin eh! Kasi alam ko habang buhay ka pa sisirain at sisirain mo pa rin kami! Kaya bibigyan kita ng regalo. Ito..." pinakita ni Maxine ang annulment paper kay Janeth at nag-smile bigla si Janeth sa kanyang nakita. Hinablot niya agad ang papel at ballpen. "Michael babe, ito na ang hinihintay natin. Halika na pirmahan mo na agad para magkapag pakasal na tayo. Michael akin na ang kamay mo, hawakan mo na ang ballpen. Permahan mo na." "Janeth, naririnig mo ba ang sarili mo? Gusto mong pirmahan ko 'yan? Sa ginagawa mo para mo na ring hiningi sa 'kin ang kamatayan ko! Mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko Janeth. Kaya please, umalis ka na! Kahit kailan hindi ko kayang ip

