Kabanata 2

1847 Words
Third year college, tatlong taon na rin ang lumipas nang naisipan na rin ni Elsie na sumali sa cheering squad dahil sa napilit ito ni Lucy. Hindi iyong puro aral na lang ang kaniyang inaatupag. Hindi siya nasawi at naging sikat na balancer dahil sa petite siya, habang si Lucy naman ang captain nila. Marami-rami na rin ang napanalo nila sa cheering squad, ngunit mas lalo pa siyang nakilala sa unibersidad nang sumali siya sa Varsity ng Volleyball. Kaya tinagurian siya bilang beauty and brains ng kolehiyo nila at madami na rin nanligaw, ngunit talagang wala siyang pakialam sa mga ito. Busted na kaagad ang natatanggap ng mga lalaki kaya takot lahat sa kaniya. Ganoon din kay Vincent na umaapaw ang kasikatan, ngunit tuloy tuloy pa rin ang pagsuyo nito sa dalaga kahit dobleng beses pa rin siyang ma-simplang. Kilala na rin siyang magaling na basket bolista ng Varsity. Habang tumatagal din ay mas lalong humaba ang kaniyang buhok na pinipilit pa niyang itali at hindi rin siya nag-aahit ng balbas na mas nagmukhang caveman ayon sa mga haters niya. Ngunit sa kanilang dalawa, pagdating sa kasikatan ay mas sikat pa rin si Vincent kaysa kay Elsie dahil sa banda nito na patuloy pa rin na tinatangkilik ng buong Unibersidad at pambato dahil sa magagandang composition ng kanta ng binata. Hanggang sa dumating na ang bagong lalaki na tila kontrabida sa buhay ni Vincent. Si Raymund Malang. Isang transfer student, pero tila malakas na talaga ang dating. Isa siyang mayaman at guwapong lalake na may pagkahambog at pagkamayabang. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa unibersidad ay nakaani na rin siya ng maraming kaibigan. Habang magkasama sina Elsie at Lucy ay napagusapan nila ito. "May bago akong crush, bishie! " tila kinikilig na sabi ni Elsie. "Atlast! Hallelujah! Buti naman at nagkagusto ka na rin sa opposite s*x. Sino naman 'yan aber!?" tanong ni Lucy. "Feeling ko ngayon lang yata ako mai-inlove. Ang guwapo kasi niya at mayaman pa. Sigurado ako. Pati sina Mommy at Daddy ay boto at approve na approve sa kaniya!" pasigaw na ngiting sabi ni Elsie habang namumula. Simula niyon, nagka-crush na masyado si Elsie kay Raymund. Nagkatagpo din silang dalawa dahil sa halos lahat na lang ng activity sa unibersidad ay pinasukan na ni Raymund at wala siyang pinaligtas. Napakalaki kasi niyang famewhore. Hindi nakaligtas ang cheering squad kung saan tagabuhat si Raymund at doon nakilala niya ang dalaga. Simula din noon, nakilala na rin ni Raymund ang karakter ni Vincent na kinataas ng kaniyang kilay. Noong una ay gulat na gulat siya sapagkat mas sikat at mas madaming fans si Vincent kaysa sa kaniya. Dahil na rin sa palabiro, pagiging bibo, at napakagaling pa na varsity ni Vincent na nauwi sa insecurities ni Raymund dahil hindi naman kaguwapuhan si Vincent, at mas guwapo pa siya rito, ngunit mas sikat naman sa kaniya ang binata. Noong nalaman ni Raymund na nililigawan ni Vincent si Elsie, nagkaroon siya ng pagkakataon na magpasikat pa lalo at higitan si Vincent at sinimulan na rin ligawan ni Raymund si Elsie mula noon. Hanggang sa.... "Elsie, my loves! Kamusta? Pasensiya na, busy ako kaya hindi kita napuntahan." Biglaang sulpot ni Vincent na medyo tumawa pa nang bahagya, habang sinusundan nito si Elsie. Ngunit kagulat-gulat nang biglaan nitong sinampal nang malakas ang binata. "Aray! My loves naman!" reklamo ni Vincent habang hawak-hawak ang pisnging nasampal, ngunit sinampal muli siya nang malakas ng dalaga nang pangalawang beses sa kaliwang pisngi ng binata bago ito tumalikod at naglakad nang mabilis papalayo. Sinundan naman ito ni Vincent habang naglalakad nang mabilis si Elsie. "What happened, ano nangyari my loves?" tanong ni Vincent na hawak ang tigkabilang pisngi na nasampal hanggang sa dumating sila sa punto na napahinto si Elsie dahil nakatayo na sa harapan niya si Raymund. "Pare, tama na 'yan!" saad ni Raymund. "Bakit, sino ka ba?" pasigaw na tanong ni Vincent. "Huwag mo pilitin ang tao kung ayaw sa 'yo. Respeto naman sa babae!" sagot ni Raymund na tila nagmamagaling. Biglang dumating si Lucy na galing sa pagtakbo para harangin ang dalawang nagkakainitan ang ulo, bago ito humarap kay Vincent. "Look Vincent, ayaw sa 'yo ng bishie ko. Please lang. It's been three years na pinagsisiksikan mo 'yang sarili mo sa kaniya. Hindi ka ba napapagod at nahihiya? Mapilit ka masyado? Ano ba mayroon kay bishie Elsie at ayaw mo siya tantanang ligawan ha? Hindi ikaw ang type niya!" paliwanag ni Lucy. "Simple lang naman. Mahal ko siya. Mahirap ba intindihin 'yon? Hindi ako nawawalan ng pag-asa, dahil alam ko, habang may buhay may pag-asa. Dumaraan si Elsie sa panaginip ko gaya ng ex ko. Maraming mga sign na nakikita ko na mamahalin din ako niyan balang araw. Kaya hindi ako titigil manligaw. Kasi sa buhay, huwag susuko kapag may pangarap kang gusto mong makamit!" sabi ni Vincent na bakas ang ngiti sa labi na tila nang-aasar. "Sira ka pala e!" sigaw ni Raymund bago biglang sinuntok si Vincent. Dumating naman ang mga kabanda nitong sina Reynold, Roy at Nano. Pumunta na lang sa gitna si Elsie na galit pa rin at tiningnan sa mata si Vincent at kinausap nang pagalit habang tila malapit na bumagsak ang mga luha nito, "Vincent, lubayan mo na ako, Hindi kita gusto. May mahal na akong iba at 'yan ay si Raymund." Nanlaki ang mata ni Vincent dahil doon. "Huwag mo na akong guluhin pa dahil simula't simula pa lang, ayaw ko na sa 'yo at kinamumunghian ko mga gaya mo. Hindi ka na nakakatuwa. Isaksak mo sa kukuti mo na hindi kita mahal at hinding hindi mangyayari na papatulan o mamahalin ko ang isang gaya mo. Hindi ikaw ang pinapangarap ko sa buhay, kun'di siya." Itinuro ni Elsie si Raymund na naging dahilan para kumurba ang ngiti sa labi ni Raymund. "Hindi ikaw ang gusto kong maging ama ng mga anak ko balang araw, kun'di siya, at higit sa lahat, huwag ka maniwala sa mga panaginip mo. Dahil kaya ka siguro iniwan ng ex mo ay dahil sa ganiyan ka. Ganiyan ugali mo. Walang ambisyon sa buhay at puro musika ang alam. Tingnan mo nga sarili mo. Isang tingin pa lang, mapapa-speechless ka na. Sorry to say but mukhang pera at bastos ang dating mo sa 'kin. Hindi ko talaga alam kung ano'ng habol mo sa akin e! Ang katawan ko, o ang pera ko, pero magkalayo agwat natin. Matalino ako, maganda at oo! Mayaman! Pero ikaw, simula nang hindi na kita tinuturuan, naging bobo ka na at grabe ka pa manigarilyo. Kaya lubayan mo 'ko. Hindi ka magugustuhan ng mga parents ko. hindi ka guwapo at manyak ka pa dahil sa para kang asong susunod-sunod sa akin. Hinding-hindi kita mamahalin. Iyan ang tandaan mo. Kung sakali man na mamahalin kita, hindi 'yon totoo at isang pagpapanggap lamang. NEVER! OVER MY DEAD BODY! THIS WOMAN THAT'S STANDING IN FRONT OF YOU WILL NEVER FALL IN LOVE WITH YOU BECAUSE I HATE YOU VERY MUCH! THAT'S WHY LEAVE ME ALONE, AND GET OUT OF MY LIFE!" Simula noon, naging tahimik na buong paligid, habang pilit pinipigil ni Vincent ang luha at kaniyang emosyon. Dahan-dahan siyang tumalikod. "Sige, mahalin mo na siya. Pasensya na kung nakitaan ko ng katangian ang ex ko sa 'yo, pero papalayain na kita, my loves. Huli ko na 'yang pagtawag ko sa 'yo. Hindi ko hinahabol ang pera o katawan mo. Pero masyado akong nagpaniwala sa mga kasabihan e. Makaalis na nga. Mag-ingat ka na lang. Dahil kahit ayaw mo sa 'kin, ang importante sa 'kin ay okay ka. Huwag ka magpabola sa lalaking 'yan. Iiwanan ka rin niyan," ani ni Vincent kay Elsie at naglakad papalayo sa dalaga kasama mga kabanda niya. Inis din mga kabanda niya sa huling pagpapahiya ni Elsie at sa mga binigay nitong masasakit na salita kay Vincent sa harapan ng maraming tao. Kaya binigyan nila ng payo ang kanilang matalik na kaibigan ukol sa dalaga na iwasan na ito. Naging matunog na rin ang balita ukol sa istoryang pag-ibig nina Vincent at Elsie dahil sila ay sikat na. Nagsimula na rin magpatugtog si Vincent ng mga rock metals dahil sa pagtanggap niya ng katotohanan na ayaw na talaga sa kaniya ni Elsie, at mas dumami pa mga kaibigan niyang babae dahil umaasa siyang may kapalit si Elsie sa buhay niya. Si Raymund naman ay nasangkot sa kasikatan na tila masaya siya na naririnig niya sa mga tao na ang idol niyang si Vincent ay naagawan niya ng babae. Habang tumatagal, palagi na rin ini-stalk ni Raymund si Vincent sa mga tinutugtugan nitong lugar at naging sila na rin ni Elsie, pero ginagamit lang niya si Elsie sa buhay niya dahil sa insecurities niya kay Vincent, dahil konserbatibo si Elsie at mas trip naman ni Raymund ang mga wild girls o liberated. Kaya tuwing hindi nakatingin si Elsie ay nakikipagtalik siya sa kung kani-kaninong mas matanda sa kaniya na babae. Malapit na matapos ang semester at biglang naisipan ni Raymund na magkaroon ng banda. "Babe, may gusto akong ambisyon," sabi ni Raymund habang kasama si Elsie. "Ano 'yon?" tanong ni Elsie. "Gusto ko mag-try magkaroon ng banda gaya ni Vincent," dagdag ni pa ni Raymund. "Babe, siya na naman ba? Please huwag mo na mabanggit-banggit ang pangalan ng pangit na 'yon!" pagalit na saad ni Elsie. "Pero 'di ba sinabi ko sa 'yo. Kapag nahigitan ko siya nang buong-buo at maging mas sikat ako sa unibersidad na 'to bago ang graduation. Iyon na ang pinakamaligaya kong araw sa buhay. Akala ko ba mahal mo ko? dapat alam mo mga gusto ko mangyari sa buhay 'di ba?" ma-dramang tanong ni Raymund. "Oo, pero parang wala lang naman ako sa 'yo e. Pati monthsary natin kinalimutan mo na? Monthsary natin ngayon 'di ba?" ani ni Elsie na may pagtatampo. "Alam mo babe, first time ko magka-boyfriend at nakikita ko sa youtube at movies, kapag Anniversary may gift. Pero pansin ko na parang wala kang care. Alalahanin mo. Maghanda-handa ka na kasi pag-uwi ng parents ko rito for my graduation for my Magna c*m laude ay ipapakilala kita bilang boyfriend ko. Understood?" paliwanag ng dalaga. "Okay! Okay! Huwag kang mag-alala. Simple rin naman ang gusto kong mangyari, pero parang hindi mo naman ako sinusuportahan babe e!" pahirit ulit ni Raymund. "Sino naman babe nagsabing hindi? Go! Bumuo ka ng banda. I love you!" Niyakap niya si Raymund bago sila tumakbo papunta sa field. Binuhat ni Raymund si Elsie for balancing sa cheering squad. Dumating ang araw na bumuo na rin ng banda si Raymund. Kaso ang masaklap ay hindi ito pumatok masyado, ngunit habang tumatagal, na-kopya niya dahan-dahan ang mga dating tugtugin nina Vincent. Nag-reggae din sila kaya medyo sumikat din ang kanilang banda, pero hindi pa rin nila matalbugan ang LC band nina Vincent. Hanggang sa palapit na nang palapit ang battle of the bands, at may pina-plano na siyang pansabotahe sa kalaban na si Vincent. Raymund, Elsie, 'di ba mahal mo ako? Magkita tayo mamaya. Sunduin kita. Mensahe ni Raymund na natanggap ni Elsie pagkatapos niyang mag-aral sa library. Na-curious tuloy bigla ang dalaga....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD