Pagdating niya sa tagpuan ay pinapasok siya ni Raymund sa loob ng van nito.
"Elsie, hindi muna kita tatawaging babe for practice. Ganito kasi 'yon, mahalaga 'tong ipapagawa ko sa 'yo. Anyway, hindi ko pala sa 'yo nasabi ang band name ko. It's Raymund band. So do you have any clue what's the plan?" Ngumisi si Raymund.
"Ang alin?" May pagtatakang tanong ni Elsie.
Biglang umandar ang van matapos niyon. Nang bumagal ang takbo nito ay napansin ni Elsie si Vincent na naglalakad at tila galing sa sementeryo kung saan din nila balak na pumunta. Sinundan nila ang binata.
"OMG! Ano'ng gagawin mo, babe? Ki-kidnap-in mo siya para lang manalo sa battle of the bands? Please, no! Hindi ito ikakatuwa ng parents ko at baka makulong pa tayo!" pigil ni Elsie na bakas ang takot sa boses.
"Hindi! Cool ka lang... pero oo. Iyan ang misyon natin!" saad ni Raymund.
Habang sinusundan nila si Vincent ay bigla itong pumasok sa isang karinderya, kaya huminto rin ang van sa may tapat ng karinderya.
"Ano ibig mong sabihin, babe?" tanong ni Elsie.
"Okay, here's the plan. Di-diretsuhin na kita. Gusto ko na paibigin mo si Vincent. Iyan lang talaga ang alam kong paraan.
Pagkatapos, pilitin mo siyang bitawan ang pagiging bokalista niya sa bandang LC. Nang sa ganoon, wala na kaming makakalaban at tuluyan na kaming sisikat ng banda ko sa battle of the bands, at kami ang ipupusta sa ibang kolehiyo!" ani ni Raymund.
"ANO?! Please Raymund, 'di ba sabi ko sa 'yo, lalaki ang ulo ng hayop na 'yan. Magfi-feeling siya. Please 'wag 'yan. Marami pang paraan, basta wag lang 'yan. Hitsura pa lang niya nawawalan na ako ng gana. Never, as in never ko papatulan 'yan. Nasabi ko na sa kaniya na ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko kainin ang sinabi ko, please lang!" paawa na sabi ni Elsie.
"Bakit!? Sinabi ko bang mahalin mo siya!? Iwanan mo na lang ako Elsie if hindi mo kaya! Dahil parang inalis at sinira mo na rin pangarap ko e!" galit na sabi ni Raymund, ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin dahil naging malambing ito pagkatapos niyon,
"Alam mo, babe, mahal na mahal kita. Pagkatapos nito, magmamahalan tayo nang sobra. Dahil tapos na e. Ako na ang nagtagumpay sa aming dalawa. Ayaw kong matalo ng isang mas pangit sa 'kin. Hindi ba sabi mo mahal mo ako? Please, Elsie. Ikaw lang ang susi sa mga pangarap ko. Gusto ko bago tayo maka-graduate ay makuha ko ang trophy bilang isang sikat na vocalist at mahigitan siya. Iyon lang talaga," sabi ni Raymund bago ito nagsimulang mag-drama at umiyak. Wala pa rin imik si Elsie nang bigla itong hinalikan ng binata sa labi na kinagulat talaga ni Elsie.
"First kiss mo 'yon 'di ba?" tanong ni Raymund habang nag-drama.
"Oo," gulat na nasabi ni Elsie habang namumula. Mas lalo tuloy nahulog ang loob niya sa binata dahil sa ginawa nito.
"Totoo kitang mahal kaya sana gawin mo rin ang kagustuhan ko. Boyfriend mo ako kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Kung may gawin man siya sa 'yo, nandito lang ako. Basta lang makumbinsi mo siyang umatras. Iyon lang at magsasama ulit tayo at magpapakilala ako sa parents mo as your official boyfriend and legal fiance para pakasalan kita pagkatapos ng graduation."
Naniwala si Elsie sa sinabi nito.
Bumaba na si Elsie sa van habang nakadikit sa kaniyang tenga ang isang high tech na walkie talkie kung saan puwede niya kausapin pabulong si Raymund. Dumiretso na siya sa karinderyang kinaroroonan ni Vincent.
Pagkapasok na pagkapasok ni Elsie sa loob ng karinderya ay doon niya nasilayan si Vincent na kumakain. Nagsimula na siyang magpanggap.
Bigla na lang siyang humagolgol sa iyak.
Ikinagulat ito ni Vincent nang nakita ang dalaga. Lumapit ito rito at pinakalma ang dalaga bago pinaupo sa mesa.
"Elsie, paano ka napadpad dito at bakit ka umiiyak?" tanong ni Vincent na nagtataka at naaawa sa dalaga habang iniisip naman ni Elsie ay umiyak siya dahil sa isipin niya ay pinapamigay na siya ni Raymund ng gano'n-gano'n lang sa pinakaayaw niyang lalaki sa balat ng lupa.
"Vincent, kasi iniwan na ako ni Raymund. Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya. Iyon pala, mayroon siyang ibang babae. Huling-huli ko sila. Ang dami pala talaga namamatay sa maling akala. Sa pagsasama namin ay bakit ngayon lang. Sorry talaga Vincent sa mga nasabi ko sa 'yo noon. Sana mapatawad mo ako. Simula kasi nang nawala ka, parang nag-iba na ang mundo ko. Wala nang nangungulit pa!" kunwaring sabi ni Elsie kay Vincent habang umiiyak.
"Sus! Okay lang 'yon. Ito sopas, kumain ka muna. Libre ko sa 'yo. Huwag ka na umiyak. Ako nga dapat mag-sorry, kasi 'di ko akalain na nakukulitan ka sa 'kin. Naku! Unang tingin ko pa lang sa mayabang na Raymund na 'yon, mukhang playboy. Buti natauhan ka na," pabirong sabi ni Vincent.
"Salamat. Alam mo, ngayon ko lang na-realize na napakabuti mong tao at guwapo pa. Kaya pala sikat na sikat ka sa girls. Parang ikaw pa rin 'yong dati kong kaibigan, pero iba na dahil mas sobra-sobra pa nararamdaman ko para sa 'yo!" Biglang bumilis nang sobra ang t***k ng puso ni Vincent, habang hinahawakan ni Elsie sa kamay ang binata. "Mahal na yata kita Vincent!"
Sa sobrang pagkagulat ni Vincent, ay para na siyang nanalo sa loto at tumayo mismo sa kaniyang kinauupuan at sumigaw nang malakas, "Mahal niya ako! Narinig niyo 'yon?! Mahal niya ako!" sigaw nito, habang si Elsie naman ay nabu-buwiset pailalim.
Nang paalis na sila sa karinderya ay biglang umulan nang malakas, at sinimulan nang banggitin ni Elsie ang misyon sa walkie talkie nang pabulong.
"Ngayon mag on na tayo Vincent. Puwede mo bang bitawan ang pagbabanda mo?" ani ng dalaga.
Nagtaka si Vincent at sinagot ang tanong ni Elsie, "Pag-iisipan ko pa." Pansamantala niyang iniwanan si Elsie.
"Vincent! Saan ka pupunta?! Wala akong kasama rito! Kaasar!" sigaw ni Elsie nang tiningnan niya kung saan pumunta si Vincent.
Nakita niya itong nagpabasa sa ulan para lang bumili ng payong para kay Elsie, ngunit ang masaklap, pagkabalik niya kay Elsie para payungan ito at magsama sila sa iisang payong, ay inagaw naman basta-basta ni Elsie ang payong at iniwan si Vincent kahit nabasa pa ito ng ulan.Sumakay na sila sa maliit na Jeep ni Vincent.
"Pasensya na Elsie if sa jeep ka lang makakasakay. Alam mo na, ito lang kaya ko!" paumanhin ni Vincent.
"Hindi, okay lang!" sagot ni Elsie na kabaliktaran naman dahil sa hindi komportable si Elsie dahil sa first time niya makasakay ng Jeep at nasasampal ng hangin ang mukha niya ng air pollution. Pagdating nila sa bahay ni Elsie ay bumaba na rin kaagad siya..
"Gusto mo samahan na kita r'yan sa bahay niyo?" tanong ni Vincent.
"Huwag na. Please! I need privacy. Anyway, see you tomorrow ha. Iyong sinabi ko sa 'yo about sa banda, Vincent ha!" sabi ni Elsie sabay kumindat.
~~~
Kinaumagahan.
Kinagulat ni Elsie nang makita niya ang naka-park na jeep ni Vincent sa labas ng kaniyang bahay.
"Whoa! I am not expecting this!" pabulong niyang sinabi sa sarili nang biglang sumulpot at nanggulat na naman si Vincent na may hawak na shiomai at rosas.
"Magandang umaga, my loves ko! Tara hatid na kita sa...."
"Are you doing this because you want me to teach you with your assignments?!" sigaw ni Elsie.
"Uy! Chill! Ito naman. Puwede rin," anas ni Vincent at natawa pagkatapos. "Nagsisimula lang ako umastang bilang boyfriend mo, Miss. Sige na, sakay ka na," dagdag pa nito saka binuksan ang pintuan ng jeep at pinasakay si Elsie.
Pagdating na pagdating nila sa unibersidad ay nag-park na si Vincent. Biglaang umiwas at umalis si Elsie nang wala man lang pasalamat na tila nagmamadali na ipinagtaka na naman ni Vincent.
"Bakit siya gano'n? Suplada pa rin."
Noong natapos na ang klase ni Elsie ay biglang nakatanggap ulit ito ng text galing kay Vincent na pumunta raw ito sa canteen.
Patuloy na kinu-kuwento pa rin ni Elsie lahat ng nangyayari kay Raymund gamit ang hightech na walkie talkie. Hanggang sa dumating na siya sa canteen at laking gulat niyang nandoon ang mga kabanda ni Vincent na LC band.
"Welcome back Elsie. Long time no see. So, totoo ba 'tong sinasabi ng kaibigan namin na kayo na raw? Alam mo naman na patay na patay sa 'yo 'to. Parang panaginip na sa kaniya. Buong araw kasing ngiting aso 'tong kaibigan namin at masyado nang inspire gumawa ng pagkarami-raming kanta!" ani ni Roy.
"Masaya naman ako at naalala niyo pa ako. Yep, kami na nga. Kaya nga tinatanong ko kung kaya niya bang bitawan pagiging vocalist niya dahil sa alam niyo na, focus kami sa relasyon namin kaysa banda." Ngumiti si Elsie.
"Ano!? Mahal na mahal ni Vincent ang pagkanta. Pano naman kami? Hindi ba focus ka rin sa studies mo? Running for Magna Cumlaude ka? Ano ba ang rason mo Elsie? Nagdududa na ako sa 'yo ha. Baka naman pinaglalaruan mo lang si Vincent?!" galit na sabi ni Nano.
"Hindi naman, kaka-break lang namin ni Raymund e," sagot ulit ni Elsie.
"Ano ba 'yan, kaka-break lang, pagkatapos nakahanap na ng iba? 'Tapos dati halos masuka ka na kay Vincent!?" dagdag na sabi ni Nano.
Bigla namang sumingit si Vincent, "Guys! Huwag naman kayo ganiyan. Respetuhin niyo na lang ang sinabi niya. Nandoon ako. Kitang kita ko kung paano siya umiiyak, kaya alam ko hindi siya nagsisinungaling, at mahal niya ako!"
"Alam mo pare, kung totoo ngang mahal ka niya. Subukan natin siya," singit ni Roy. Biglang nagtinginan ang magkakaibigan.
"Sige ako muna, sige nga Elsie. Mag I love you ka nga kay Vincent!" sabi ni Reynold.
"I love you Vincent! From the bottom of my heart!" kunyaring saad ni Elsie na ikinangiti ni Vincent.
"Sabi ko sa inyo guys e!"
Humirit naman si Nano, "Sige, kiss mo nga si Vincent if mahal mo nga talaga siya!" Ikinagulat at napatulala si Elsie na tila natuod nalang dahil halatang-halata na ayaw niyang halikan si Vincent. Napatayo siya bigla.
"Guys, ihi muna ako. Pagbalik ko na lang. Next time na 'yong kiss!" saad niya at nagmadali iwanan ang mga ito.
"Sabi ko sa inyo! May something fishy talaga 'tong si Elsie!" ani ni Roy.
"Pare naman! Mahal niya ako. Dapat maging happy kayo sa 'kin. Tapos na 'yong dati. Bakit ba 'di kayo naniniwala?" tanong ni Vincent.
"Huwag ka sa aming magalit, pero sa ngayon hindi kapani-paniwala. Parang ginagamit ka lang ng babaeng 'yan. Gusto ka ba naman pahintuin sa pagkanta? Paano ang banda natin?" si Reynold.
"Kung ganiyan kayo sa akin, hindi ko na siya sa inyo ik-kuwento pa!" ani ni Vincent nang pagalit.
"Basta kami. Mahal ka namin pare, at alam namin na hindi ka pa nakaka-move on sa ex mong si Rose Marie at ayaw ka namin masaktan ulit. I-try mo kaya 'yang babae na 'yan if totoo ka niyang mahal. Sa basketball court," sabi ni Reynold at binulungan si Vincent dahilan ng pagngiti nito.
"Makakaasa ka!"
Umalis na ang mga kabanda niya papunta sa court. Habang nasa banyo naman ay nakikipag-usap si Elsie sa walkie talkie.
"Babe, gusto niyang halikan ko siya. Gusto ko na masuka. Please babe, gusto ko na umatras!" naiiyak na sabi ni Elsie
"Elsie, nakakalimutan mo yata kung bakit ka nasa lagay na 'yan. Dahil sa pagmamahal mo sa akin 'di ba? Akala ko ba mahal mo ako?" galit na sabi ni Raymund.
"Oo mahal pero...." Hindi pa natapos magsalita si Elsie ay bigla binabaan ng tawag ito ni Raymund sa walkie talkie na ikinadismaya ng dalaga. Pagkalabas niya ng banyo ay wala na sina Roy, Nano at Reynold. Tanging si Vincent nalang ang nakaupo sa bangko at mag-isa.
"Mukhang natagalan ka yata at namamaga na naman ang mata mo? Umiyak ka? Anway, pasensya ka na sa kanila if pinipilit nilang halikan mo ako kahit bago pa lang tayo mag-on," mahinang saad ni Vincent.
"Hindi. Okay lang 'yon. Natakot lang ako kasi hindi pa ako nakakatikim ng halik," sagot ni Elsie at hilaw na tumawa. Biglang tumayo si Vincent at hinawakan sa kamay si Elsie.
"Tara, ihahatid na kita sa block niyo." Nagulat ang dalaga sa narinig.
Habang naglalakad sila ay hawak-hawak ng binata ang kamay ng dalaga. Nalungkot namang napaisip si Elsie. Mabuti pa 'tong lalaki na 'to. Hino-holding hands ako. Samantalang kami ni Raymund, sa tinagal-tagal namin, ni minsan, hindi niya nagawang hawakan ang kamay ko nang ganito, at sa harapan pa ng maraming tao. Ang lambot pa ng kamay ng lalakeng 'to. Ano kaya mayroon?!
Lumipas ang ilang oras at P.E. nang nagpadala ng mensahe si Vincent kay Elsie na pupunta muna sa court.