Kabanata 4

2357 Words
Nang pumunta si Elsie sa court ay nagba-basketball na sina Vincent. Naroon din si Raymund sa kabilang team. Hanggang sa nag-break muna si Vincent at umupo sa tabi ni Elsie. Naghubad ito ng damit at inabot ang tuwalya sa kaniya habang nagpakita naman ng thumbs up sina Roy at Nano kay Vincent. "Huh!? Ano to?" gulat na tanong ni Elsie. "Tuwalya! Hindi ba boyfriend mo 'ko? Gusto ko punasan mo pawis ko sa likod," utos ni Vincent. "WHAT?! THIS IS CRAZY! CR MUNA AKO. I FEEL LIKE I'M GOING TO HAVE UTI NA!" palusot ni Elsie bago dumiretso sa labas habang tawang-tawa ang magkapatid na si Reynold at Nano. "Babe! Come out here. I wanna talk to you!" sigaw ni Elsie sa walkie talkie habang siya ay nasa banyo. "Damn it! There's no way babe. Mahahalata tayo. The best thing you can do is to get back there, rub and wipe his back. Remember, your mission is to make him believe that you love him, so he can quit his band. I love you and do it for me. Hindi ka naman mamamatay kung madikit sa 'yo pawis niya 'di ba!?" sigaw ni Raymund. Biglang bumalik at lumapit si Elsie kay Vincent at dahan-dahan na pinunasan ang likod nito na tila diring-diri dahil sa asim na hitsura ng mukha. Si Reynold ay napa-face palm nalang sa hitsura ni Elsie at tuluyang naghalakhakan ang buong basketball team sa hitsura nito, habang sa kampo naman nina Raymund ay galit at nag-walk out na lang dahil halatang nagpapanggap si Elsie sa mukha niya habang pinupunasan si Vincent sa likod. "Kaya mo rin pala, Elsie. Salamat sa pagpunas, my loves!" tila nang-aasar na saad ni Vincent matapos siyang punasan ni Elsie bago dinikit ang basa nitong ulo sa balikat ng dalaga. "Tse!" Binatukan na lang niya si Vincent. "Makaalis na nga muna. Mag-aaral na ako sa library!" galit na sabi ni Elsie bago ito umalis. Nakalipas ulit ang isang araw ay ganoon pa rin ang reaction ni Elsie sa makalawang pag-utos sa kaniya ni Vincent na kung saan ay dapat punasan ang likod nito kapag break time sa basketball. "Pre, sabi ko sa 'yo. Duda ako kay Elsie. Hindi ka talaga niyan mahal. May dahilan 'yan!" payo ni Nano. "Mahal man o hindi, masaya na ako na kapiling siya kahit papano!" malungkot na sagot ni Vincent habang nagbubulungan sila at pinagmamasdan si Elsie. "Susuyuin at susuyuin ko 'yan sa abot ng aking makakaya, at papatunayan ko sa inyo na mali ang akala niyo. Iniwan siya ng boyfriend niya, kaya may pag-asa pa!" dagdag ni Vincent na may alinlangan ang hitsura. Pagkatapos niyon, ay pumunta si Elsie sa library upang magkapag-aral. Habang abala sa ginagawa ay siya namang paggulat sa kaniya ni Vincent, "Uy!" Napapitlag si Elsie dahil doon. "Ano ba! Huwag mo nga akong gugulatin, o kalabitin sa kili-kili! Baka iba pa mahawakan mo, manyak! Ano!? Nakapag-aral ka na ba? Alalahanin mo may quiz tayo!" galit, ngunit bakas ang concern sa boses ni Elsie habang sinasabi 'yon. "Hindi pa, my loves. Turuan mo lang ako ulit. Oo nga pala, pahiram ng locker key mo. Papa-duplicate ako," ani ni Vincent na ikinalaki ng kaniyang mata. "Ano?! H'wag!" gigil na saad ng dalaga. "Tumigil ka nga! Tumigil ka muna sa pagbabanda at 'yon, papayag ako!" Mula sa inis na ekspresyon ay napalitan ng ngisi ang hitsura ni Elsie. "Puwes! Sige! Sige, akin na!" sagot ni Vincent at binigay naman kaagad ni Elsie ang susi. Pag-alis na pag-alis ni Vincent ay siya namang pagpasok ni Lucy para dalawin ang kaibigan sa library. "Elsie, sis! Ano 'yong naririnig ko na kayo na raw ni Vincent!?" bungad nito sa kaniya. Biglang namang namutla at kinabahan si Elsie dahil sa hindi niya puwedeng sabihin na pinaglalaruan lang niya si Vincent. Ang kuya niya ang dahilan bakit nasaktan ng sobra dati si Lucy dahil sa pinaglaruan din to ng kuya niya, kaya mas gusto niya itong itago. "Sis...uhm...oo. Sa katunayan e pinag-aaralan ko pa siyang mahalin!" pagsisinungaling ni Elsie. "Wierd, parang kani-kanina lang binastos mo siya sa maraming tao at nagmamahalan kayo ni Raymund," ani ni Lucy. "Okay okay! I have to go, bishie sissy. Uwi na ako!" Palusot ni Elsie bago ito nagmadaling umalis sabay hinalikan ang kaibigan sa pisngi. Pagkalabas na pagkalabas ni Elsie ay nakasalubong niya si Raymund. Bigla niya itong hinila papasok sa loob ng van kasama ang mga kabanda. "Ano na? Titigil na ba siya sa pagbabanda?" tanong sa kaniya nito. "Oo, pagkabalik na pagkabalik niya kasi pina-duplicate pa niya locker key ko," sagot ni Elsie na ikinahinga nang maluwag ni Raymund. "Salamat naman kung ganoon! Thank you Elsie!" Niyakap nito ang dalaga matapos niyon. "Aasahan ko 'yan ha! Sana mangyari na 'yan. Para magkasama na tayo muli, mahal." "Makakaasa ka!" sagot ni Elsie bago siya bumaba ng sasakyan. Habang naglalakad si Elsie pauwi at papara na sana ng jeep ay bigla nalang dumating ang Jeep ni Vincent. "Hatid na kita, my loves!" alok nito sa kaniya, Para iwas gastos ay sumakay nalang siya rito. Habang nagmamaneho si Vincent ay napatanong ito, "Elsie, bakit dati nagkunwari ka na nakatira ka sa maliit na boarding house, pero ang laki pala ng bahay mo. Isang mansion!" "Kasi, alam mo. Dati kasi takot ako sa inyo, dahil nga sa hitsura. Mahaba bigote at buhok. Sorry ha! honest lang ako. Pero bakit pala hindi ka na lang mag-ahit? Real talk lang. Hm?" "Malalaman mo rin 'yon balang araw. Kapag sineryoso mo akong mahalin," ani ni Vincent na bakas ang kaseryosohan sa boses. Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Elsie ay bumaba na rin sila. "Wait lang, Elsie. Puwede ba akong pumasok?" request ni Vincent. "Ano?! Ayaw ko nga. Bawal pumasok ang kahit na sino sa bahay ko, lalo na kapag lalaki!" katwiran ni Elsie. "Please! Gusto ko lang makita ang harden niyo at loob ng bahay, at lalo na ang kuwarto mo. Joke!" saad nito bago tumawa. "Sige na. Luluhod ako kapag hindi ka pumayag. Sige ka!" pilit na sigaw ni Vincent, ngunit tinalikuran lang ito ni Elsie hanggang sa talagang lumuhod nga si Vincent. "Sige na! papasukin mo na siya, Elsie!" saad ni Anding. "Huh!? Yaya! Why?! Lalaki siya!" Napatalikod si Elsie. "Elsie, Hija. Kaninang gabi pa 'yan. Natulog nga 'yan sa labas ng gate natin. Hindi mo ba alam?" sabi ni Anding na bakas ang matamis na ngiti sa labi. "Tita! Naku! 'Di ba secret lang natin 'yon?!" Napa-face palm na lamang ang binata. Ikinabigla naman iyon ni Elsie, hanggang sa napangiti nalang din siya at napabuntong-hininha. "Talaga? Kung totoo man 'yan. sige. Pasok ka na sa loob Vincent!" wika ni Elsie na bakas pa rin ang ngiti sa labi. Pagkapasok na pagkapasok nila ay dinatnan nila ang aso ni Elsie na tila magaan ang loob kay Vincent at pilit itong dinidilaan. Napatitig bigla si Elsie sa kaniyang aso at kay Vincent dahil mabilis itong napalapit sa isa't isa. Tila nakakaramdam ng kakaibang gaan ang dalaga sa binata dahil doon. Dahan-dahang nagmulat si Vincent sa mga nakakabit na litrato ng mga kapatid ni Elsie at ng family portrait nito. "Mag-isa ka pa lang babae? Apat na lalaki, isang babae at ikaw pa ang bunso?" manghang tanong ni Vincent na tila gandang-ganda sa litrato ni Elsie noong graduation photo niya. "Oo naman. Kaya lang iniwan nila ako rito mag-isa dahil sa kagustuhan ko na rin. Palagi kasi akong nakakapanood ng TFC sa America at medyo nagustuhan ko ang Philippine culture at tradition. Alam mo na, mestiza, pero mas trip ko ang filipino culture. Bebot bebot e!" Napatingin si Vincent sa orasan na nakasabit sa pader nina Elsie na naging dahilan ng paglaki ng mata nito. "Elsie, kailangan ko na palang umuwi kasi kailangan ako ng papa ko. Sorry at nagmamadali ako!" Biglang hinalikan ni Vincent sa noo si Elsie na ikinalaki ng mata ni Elsie, bago ito kaagad na umalis at tumakbo palabas ng pintuan habang ngiting-ngiti dahil hindi ito nabatukan sa ulo ni Elsie. Simula noon ay medyo gumaan na talaga loob ni Elsie kay Vincent. "Yaya, totoo ba na natulog siya sa labas? Grabe na 'yon. Baliw yata," tanong ni Elsie habang nakahiga siya sa hita ni Anding. "Oo, halos binigyan ko na nga siya ng kumot at sopas. Lamig kasi e!" wika ni Anding. "Bakit naman siya nagsinungaling?" "Hay naku, Hija! Matulog ka na sa kuwarto mo. Maaga ka pang papasok bukas." Kinaumagahan. Nagtaka si Elsie at hindi dumating si Vincent para sunduin siya kaya dumiretso na siya sa Unibersidad. Pagkadiretso niya sa locker ay binuksan niya ito. Nagulat siya nang may makita siyang napakalaking teddy bear at bulaklak. Dahan-dahan niyang tiningnan kung saan nanggaling ang mga iyon, 'yon pala ay galing kay Vincent na ikinatuwa ng dalaga hanggang sa biglang tumunog ang walkie talkie niya. "Ano na ba, Elsie? Kakalas na ba si Vincent sa banda niya?!" "Ah! Ngayon ko malalaman. Kasi tatanungin ko pa siya!" sagot ni Elsie. "Aasahan ko 'yan dahil alam mo kung gaano kita mahal, at ang tagal ko nang naghihintay ha! Alalahanin mo, matutupad ang pangarap nating dalawa okay. Please do it!" pagalit na sabi ni Raymund. Hanggang sa nagsimula na ang klase. Kompleto na lahat ng mga estudyante, pero late na late na si Vincent. Pumasok na siyang nakatungo ang ulo nang bigla siyang tanungin ng Professor nila. Nagtaka din si Elsie dahil ayaw nitong mag-straight face. Napilitan din ang binata na mag-straight face nang nakitang may pasa siya sa kabilang mata na kinagulat ng mga kaklase. "Sorry, Sir for being late. Nauntog lang sa cabinet ulo ko. Aksidente, bawi na lang ako, Prof!" ani nito sabay umupo sa katabi ni Elsie. "Vincent, ano nangyari? Sino bumugbog sa 'yo?" tanong ni Elsie na bakas sa boses ang pag-aalala. "Wala 'to, nahulog lang ako sa cabinet." Pilit na ngumiti si Vincent bago nito inabot ang susi ng locker kay Elsie. "Ito, napa-duplicate ko na. Nakita mo ba ang surpresang regalo ko sa 'yo?" ngiting tanong ni Vincent. ~~~ Nagdaan ang araw, nakalimutan na ni Elsie na tanungin pa si Vincent ukol sa pag-quit sa banda dahil sa mas lalo siya naging interesado sa binata, ngunit biglaan na lang ulit nawala si Vincent na ikinadismaya ni Elsie, kaya napag-desisyunan nalang niyang umuwi muna. Pagkauwi na pagkauwi niya sa bahay ay kaagad siyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Biglaan tumunog ulit nang malakas ang walkie talkie at sinagot niya 'to. "Elsie! Ano na?!" galit na tanong ni Raymund. "Ah...e...wala e!" Wala ibang masabi si Elsie habang kinakamot ang ulo na hindi malaman ang sasabihin. "Ano!? Sige, break na tayo. Hindi na kita kakausapin pa rito sa walkie talkie ko!" galit na sigaw ni Raymund. "Babe h'wag! Please parang awa mo na. Mahal kita. Over stress lang ako!" Napaiyak na biglaan ni Elsie. "Ilang palugit na lang. Basta ngayon hindi na kita kakausapin pa. Dahil sa wala e. Umaasa ako sa wala, pero malaki pa rin tiwala ko sa 'yo at mahal kita, pero titigilan ko nang gamitin walkie talkie sa 'yo. Bahala ka na kung paano mo makukumbinsi ang hayop na Vincent na 'yan. Kung ibibigay mo ang puri mo, ay gawin mo. Alang-alang sa ating pag-iibigan, para lang mag-quit siya!" sigaw ni Raymund na ikinagulat ni Elsie. "Ano? Seryoso ka ba Raymund?!" biglang naputol ang walkie talkie na ikinasakit sa damdamin ni Elsie. Napaiyak nalang siya at sobrang nadurog ang kaniyang puso dahil sa first time din niyang ma-inlove at mabaliw. Sa sobrang pagka-obsess nito sa pag-ibig kay Raymund ay biglaan niyang ni-text si Vincent na pumunta sa bahay niya. Biglaan din dumating si Vincent. "Yaya, nasaan si Elsie?" tanong niya na nagmamadali dahil sabi ni Elsie sa text ay emergency. "Nasa taas, kanina ka pa hinihintay dahil tuturuan ka raw magaral," ika ni Anding. "Huh!? Sige ho! Salamat," nagtatakang sagot ng binata. Mabilisan siyang umakyat patakbo sa taas ng hagdanan. Nang nasa 2nd floor na siya, ay bigla siyang may narinig na boses, "Vincent, dito ka." Pumasok siya sa pintuan kung saan niya narinig ang pinanggalingan ng boses ng dalaga. Dahan-dahan siyang naglakad habang tinatawag ang pangalan ni Elsie, hanggang sa pumasok siya sa kwarto ni Elsie. Naisara niya ang pintuan at napatalikod nang nakita niyang nasa harapan na niya si Elsie. Ang suot na bathrobe hanggang sa hinubad niya ito at malaglag ito na nagpakita ng maseselang bahaging parte ng katawan nito. "Vincent, sinasabi ko na sa 'yo 'to. Ibibigay ko sa 'yo p********e ko. Alam kong matagal mo na 'tong gusto. Matagal mo na akong gustong tikman. Kaya iyong-iyo na ako kapalit ay pag-iwan mo sa banda," saad ni Elsie habang nakapikit siya na humahagulgol sa iyak at takot na takot na baka gahasain na lang siya bigla ni Vincent dahil sinakripisyo niya lang para kay Raymund. Sa sobrang awa ng binata ay bigla niyang dahan-dahan pinulot ang bathrobe sa sahig at ibinalot sa hubad na katawan ng dalaga saka pinusan ang mga luha nito bago hinalikan sa noo. Mabilis ang paghinga nito na maluha-luha na rin, pero pilit niyang pinipigilan. "Elsie, malaki respeto ko sa 'yo. Hinding-hindi ko gagawin sa 'yo ang iniisip mo. Walang-wala sa isipan ko na kuhanin ang p********e mo. Nire-respeto kita, at kahit hindi mo sabihin, alam kong napipilitan ka lang dahil nakikita ko sa iyong mga mata at hindi ito tama. Mahal na kita, hindi dahil sa gusto kitang angkinin, mahal kita dahil sa ikaw ang tinitibok ng puso ko. Pinakita ko man sa 'yo ang pagkabastos at pilyong ako noon, ngunit puro 'yon isang palabas lang. Hindi ko kayang makipag-s*x sa 'yo, dahil nire-respesto kita. Hindi ko rin puwede itigil ang pagiging Vocalista, dahil mahal ko ang aking banda pati ang aking mga fans at ka-banda ko. pareho ko kayong mahal, kaya sorry!" paliwanag ni Vincent. Nanlaki ang mata ni Elsie at hindi makapaniwala sa sinasabi ni Vincent dahil sa inaakala niyang huli na at mawawala na ang pagka-birhen niya, ngunit nagulat siya sa desisyon ng binata at sa ginawa nito. "Mag-ayos ka na. Pasensya na. Hindi ako katulad ng iniisip mo. Uuwi muna ko sa amin," saad ni Vincent at iniwan ang dalaga hangang sa bumuhos bigla mga luha ni Elsie sa hindi inaasahang pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD