Kabanata 5

2029 Words
Simula niyon, na-turn on na si Elsie at lumaki na rin respeto niya sa binata. Hindi niya tuloy maiwasang tawagan si Lucy at ikuwento ang nangyari. "Hindi ko akalain Lucy na napaka-gentleman niyang tao. Guilty tuloy ako!" hirit niya habang nkikipag-usap sa telepono. "Sa totoo lang, Elsie, napakasuwerte mo sa kaniya. Ingat-ingat ka baka agawin ko yan," ani ni Lucy bago ito tumawa. ~~~ Sa pagkalipas muli ng mga araw. Nagtaka si Elsie dahil absent na naman si Vincent. Hanggang sa pumasok na lang si Vincent, nang biglang nasilayan ang dalaga na tila ito'y walang imik at nahihiya pa. Lunch break nang gustong-gusto lumapit ni Elsie kay Vincent, ngunit nagkakailangan pa, nang biglang itinulak ng sinasadyang pagulat ni Lucy si Elsie dahilan para madapa at matumba sa harapan ng binata. Tumawa naman si Lucy habang kumakantyaw. "Kanina mo pa sinisilip si Vincent kaya ako na ang gumalaw para sa 'yo! Lokaret ka!" saad nito bago tumawa. "Uy! Nasaktan ka ba?" Sabay hinila ni Vincent si Elsie patayo. "Hindi! Okay lang ako," sagot naman ni Elsie at nagkatitigan sila sa mata. "Guys, iwan niyo muna kami!" sabi ni Vincent sa mga ka-banda. Sinakay niya ito sa jeep niya at ganoon pa rin na parehong walang imik ang dalawa na tila walang gusto magsalita, at kung magsasalita man ay nagkakasabay pa at nagkakahiyaan. "Vincent. G-gusto kong...h-humingi ng pasensya sa nangyari," ani ni Elsie na nakatungo ang ulo. "Sus, wala 'yon. Pasensya rin at hindi kita gaano pinansin sa mga nakalipas na araw, kaya siguro dahil nabigla ako sa pangyayari. Sa bahay kasi sobrang daming problema," ani ni Vincent. "Oo nga pala, Elsie, bakit biglaan mo naisipan na obsess ako sa katawan mo?" Pang-aasar na tanong ni Vincent. "Sabi ko naman sa 'yo. Hindi ako masamang tao. Don't judge the book by its cover ika nga. Hindi ako katulad ng ex mo. Mahilig makipagtalik o pinipilit ka siguro. Kasi nabalitaan ko rin na kaya nag-transfer dito sa school 'yang si Raymund ay dahil nakabuntis at tumakas dahil ayaw magpapikot. Tsk. Hindi totoong lalaki ang mga ganiyan. Tumatakas sa responsibilidad. Naku!" wika ni Vincent habang tumatawa. Bigla namang tinakpan ni Elsie ang bunganga ni Vincent. "Vincent! Please! Hindi, nagkakamali ka. Virgin pa ako. Nabaliw lang ako ng gabing 'yon na hindi ko na maalala kung bakit. Kaya nagpapasalamat ako sa 'yo. hindi mo ako ginalaw!" wari ni Elsie na kinagulat ng binata. "Gano'n ba? Kaya pala umiiyak ka? Napaka-inosente mo pala talaga. Naku! Sayang! Jackpot na sana ako," pabirong sagot ni Vincent na pinipigilan ang tawa. Hindi na niya napigilan at bigla nalang tumawa ito nang sobrang lakas na bigla rin ikinaluha ng dalaga at umiyak nang malakas na ikinagulat ng binata. "Naku! Sorry sorry, nagbibiro lang ako. Ikaw naman. Please, huwag ka umiyak, Elsie. Tama na," pagpigil ni Vincent, pero patuloy pa rin na humagulgol si Elsie hanggang sa pinasandal na lang niya 'to sa kaniyang dibdib. "Tahan na, sorry. Nagbibiro lang ako. Huwag ka malungkot, kun'di malulungkot din ako, at iiyak din ako!" Mas lalo pang humagulgol nang malakas ang dalaga nang bigla ring humagulgol nang malakas ang binata na ikinatawa ng dalaga at binatukan 'to, ngumiti at nakahinga din ng malalim si Vincent. Biglang naging seryoso si Vincent at natanong, "Elsie, bakit handa mong sa 'kin ibigay p********e mo basta lang iwanan ko ang banda?" Ikinagulat naman ni Elsie ang tanong at sinagot ulit nang hindi totoo, "Kasi gusto ko maging official girlfriend mo ako. Iyon bang sa akin lang atensyon mo at hindi sa pagbabanda at kung saan-saan pa. Alam mo na pagbabanda, maraming babae. Alam mo na 'yon 'di ba?" Ngumiti si Vincent at hinawakan sa pisngi at kamay ang dalaga. "Elsie, ito ang tandaan mo. Sa 'yong sa 'yo lang ako. Kahit ilang babae pa. Ikaw lang talaga at wala ng iba dahil masaya ako kahit minsan ay pinagbigyan ako ng Panginoon na mapasaakin ka. Hinding-hindi kita sasaktan. Pangako ko 'yan!" Hanggang sa niyakap nito ang dalaga na kinalungkot ng dalaga dahil sa konsensiya. ~~~ "Elsie, dumaan muna tayo sa bahay. Kuhanin ko lang flash light," hirit ni Vincent. "Sure, take your time." "Dadalhin kasi kita sa isang lugar kung saan may ipapaalam ako sa 'yo na importante," ani ni Vincent habang nakangiti. Lumarga na ang Jeep hanggang sa dumating na sila sa mismong destinasyon. Nakita ni Elsie ang bahay ni Vincent na gawa sa kahoy nang tuluyang huminto ang sasakyan. "Elsie, diyan ka muna. Kuhanin ko lang flash light," ani ni Vincent. Hanggang sa nagtungo na si Vincent sa bahay nito. Ilang minuto ang nakalipas nang may narinig ai Elsie na sumisigaw na lalaki at nagkakagulong mga boses. Ikinagulat ito ni Elsie, kaya binilisan niya ang pag-akyat sa hagdanan para silipin ang kaguluhan na nangyayari sa loob ng bahay ni Vincent, hanggang sa nagulat nalang siya sa kaniyang mga nakita. Si Vincent na ngayon ay binubugbog ng tatay nito habang nakatingin ang dalawa nitong kapatid na maliliit. "Walang hiya ka! Nagsisisisi ako bakit kita naging anak! Wala ka na ba ibang alam kun'di ang pagbabanda?! Kahit kailan wala ka pakinabang dito sa bahay. Lumayas ka!" sigaw ng lasing na tatay ni Vincent. Sa sobrang lakas ng pagtulak at suntok ng tinamo ng tatay ni Vincent dito ay naitapon ito sa harapan ni Elsie kaya bahagyang namutla ang dalaga. "At sino naman 'tong babae na 'to?! Babae mo?! Pagkatapos mo magbulakbol at magpakaadik sa pagbabanda, ngayon naman pambababae inatupag mong hayop ka! Bwiset ka talaga sa buhay ko!" sigaw pa nito bago nito itinapon ang binata. Binilisan naman damputin ni Elsie ang mga damit nito at bag upang tulungan si Vincent bumaba sa bahay nila para iwanan ang nagwawalang lasing na tatay. Pagkababa nila ay pinasakay ni Elsie si Vincent sa Jeep nito at inilagay ang mga bag at damit nito habang tulala pa rin ang binata. Tuluyang nagmaneho si Elsie ng jeep para ilayo si Vincent sa bahay at sa lasing na tatay nito. Dinala niya si Vincent sa tabi ng dagat at bumili na rin ng ice para ipahid sa mga pasa nito sa mukha. "Magsalita ka naman, Vincent. Uy!" ani ni Elsie habang pinapakalma ito. "Sige na uy! Gusto mo pakamatay ako? Pupunta ako sa pinakamalalim na parte ng dagat na 'yan!?" biro ni Elsie na kaagad na ikinatingin sa kaniya si Vincent, bago ito napaluha nang tuluyan. "Alam mo, never ako nakakita ng mga ganitong eksena sa buhay ko, like nagsisigawan at binubugbog ng ama ang anak at lasing na lasing pa. Nakakatuwa man isipin na sa TV ko lang siya napapanood o sa MMK, feeling ko masakit talaga siya. Kaya dinaramayan kita. Adik talaga ako sa drama e," wika ni Elsie sa mahinang boses bago ito ngumiti. Dahan-dahang tumingin sa kaniya si Vincent habang tumutulo pa rin ang mga luha nito na ikinagulat ng dalaga. "Uy, ano ba! Huwag ka umiyak sa harapan ko! Bakla ka ba? Alam mo? May sasabihin ako sa 'yo about sa 'kin, okay! Hindi mo ba alam na weakness ko talaga makakita ng lalaki na umiiyak. Kaya please lang, kasi naiiyak din ako." Biglang tumulo ang mga luha ni Elsie na ikinagulat ng binata, kaya hindi nakapagpigil si Vincent at pinahid nito ang luha ng dalaga. "Elsie, bakit ka rin umiiyak?" tanong ni Vincent. Ngumiti naman si Elsie at kinuha ulit ang ice at pinahid sa mga pasa ni Vincent. "Kasi, tuwing nakikita ko mga kapatid kong lalaki na umiiyak dahil sa pinaglaruan sila ng babae, naiiyak din ako. Lalo na si Kuya Wowie. Naalala ko, muntikan na siyang magpakamatay noong ni-reject siya ng babae. Muntikan na ako mawalan ng kuya kaya weakness ko makakita ng lalaking umiiyak," sagot ni Elsie, habang nako-konsensiya na pinapahiran ng ice ang mga pasa ni Vincent. Kaagad tumayo si Elsie at umikot sa likod ni Vincent na pinagtaka nito. Iyon pala ay tatalian lang niya ito ng buhok. "Ano ginawa mo sa buhok ko!?" biglang sigaw ni Vincent. "Siyempre, tinatali! Alangan namang gugupitan," pabirong sabi ni Elsie habang nakangiti. "Joker ka rin pala e!" Tumawa si Vincent nang biglang hawakan nito ang kamay ng dalaga at hinalikan ang noo bago tumitig sa mga mata nito. "I love you! Ang saya ko at kasama kita ngayon!" ani ni Vincent. Nagulat si Elsie dahil tila tumibok bigla ang kaniyang puso nang mabilis na tila hindi niya maintindihan. Habang tinititigan siya ni Vincent ay medyo nakyutan siya sa nakataling buhok nito at ang mga mapupungay nitong mata kahit makapal pa rin ang bigote nito sa mukha. "Sorry, drama natin. Tara, dadalhin na kita sa sinasabi ko. Nakuha ko na flash light kina Papa. Ito oh!" ani ni Vincent at hinila nito ang kaniyang kamay at sinakay sa jeep at ipinaandar iyon. Huminto ang sasakyan sa isang madilim na bahagi. "Vincent, nasaan tayo? Ang dilim," tanong ni Elsie. Bumaba si Vincent at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hinawakan nito ang kamay ni Elsie para alalayan, hanggang sa nagulat si Elsie nang nalaman niyang nasa sementeryo pala sila. "OMG! Why did you brought me here?! Takot ako sa multo! Please! Let's get out of here!" sigaw ni Elsie na nag-iinarte, ngunit huminto rin nang biglang na-curious ito dahil ayaw umalis ni Vincent sa kinatatayuan na tila walang imik at tahimik lang. "Elsie, Hindi ba sinabi mo dati sa 'kin na pangit ako. Bakit mukha akong adik na taong grasa at iniwan ako ng ex ko dahil wala kong kuwenta. Gusto ko palang malaman mo na ngayon, nasa harapan tayo ng taong minahal ko ng sobra-sobra kaysa sa buhay ko," wika ni Vincent. "Huh!? what do you mean? your ex?" tanong ni Elsie na nagsisisi sa mga nasabi niya dati. Biglang tiningnan niya kung saaan nakatingin si Vincent at napansin na nakatingin ito sa isang lapida ng babaeng nagngangalang Rose Marie. "Namatay na pala ex mo?" tanong ni Elsie sa mahinang boses. Biglang tumingin sa kaniya si Vincent at ngumiting luhaan. Bigla itong umupo sa harapan ng lapida. Sa pagtataka ni Elsie ay umupo rin siya sa tabi nito. "Sorry to ask ha. Ano pala ikinamatay niya, Vincent?" tanong ni Elsie. "Nalunod. Sumama kasi sa kaibigan ng hindi sa akin nagpapaalam. Ayon! Nag-outing. Nalunod. Napabayaan ko siya," ani ni Vincent sa malungkot na tuno. "Alam mo ba, napakalaki niyang fan ng Beattles. Lalo na 'yong si John Lenon. Palagi niya akong pinipilit maging John Lenon look a like, pero 'di ko siya mapagbigyan dahil sa pag-aalaga ko sa tatay ko," kuwento ni Vincent habang nakikinig si Elsie. Dahan-dahang hinablot ni Vincent sa likod ng bulsa ang wallet at kinuha rito ang litrato ni Rose Marie na kamukhang-kamukha ni Elsie na kinagulat ng dalaga. "Vincent, h'wag mo sana mamasamain ha. Alam mo, hindi lahat ng tao ay pareho. Hindi ako siya, kaya kung mamahalin mo ang isang tao o ako, hindi dahil sa mahal mo pa siya kaya mo ako gusto. Dahil magkaiba kami. Hindi habang buhay ay ganiyan ka na lang, Vincent," wika ni Elsie. Bigla na lang niyakap ni Vincent si Elsie nang mahigpit kahit hindi pa ito tapos magsalita. "Mamahalin kita at hinding hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin gaya ng pagbalewala ko sa kaniya." Tumibok na naman bigla ang puso ng dalaga dahil sa narinig. Tumingin sa mga mata ng dalaga ang binata. "Elsie, nandito tayo sa harapan ng lapida ni Rose Marie para ipaalam sa kaniya na kaya ko na mag-move on. Handa na akong harapin ang buhay nang wala siya. Ang puso ko ay naghilom na at pinalitan na ng isang babae. Naghilom na ang aking sugat at ngayon ako ay babangon muli sa pangungulila ng pumayapa kong minamahal na babae. Paalam Rose Marie, tanggap ko na wala ka na sa aking piling at nandiyan ka na sa itaas kasama ang Diyos Ama. Itong babaeng nasa harapan ko, sana siya ang isang magandang kapalit na regalo ng Diyos sa akin, sana rin nasa langit ka na at masaya kasama ang Diyos," wika ni Vincent. "Elsie, pumapayag ka bang ikaw ang kapalit ni Rose Marie sa puso ko? Na magmamahal at mag-aalaga sa akin habang buhay? Kahit sa huling hantungan?" tanong ni Vincent. "Oo. pero...." Hindi na pinatapos pa na magsalita ni Vincent si Elsie dahil hinalikan niya ito sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD