Mag-aalas dos ng madaling araw nang dumating si Elsie sa bahay nila dahil hinatid ito ni Vincent.
"Sa'n ka galing? Nag-alala na ako sa 'yo, Hija," salubong na tanong ni Yaya Anding sa kaniya habang tumatahol si Spikey at hinihimas ni Vincent. "At bakit namamaga mata mo?! Ano'ng ginawa sa 'yo ng lalaking ito!?" galit na tanong ni Anding nang biglang niyakap ito ni Vincent.
"Ni-rape ko siya kaya 'yan ang nangyari!" Biro nito dahilan para biglang batukan ni Anding si Vincent na ikinatawa nito at ni Elsie.
"Kayo talaga! Huwag niyo ako pinaglololoko ha. Sige na, Elsie, pumunta ka na sa taas at madaling araw na. May pasok ka pa bukas. Ikaw din, Vincent!" sermon ni Anding.
"Okay, Yaya! Huwag po kayo mag-alala. Wala talagang nangyari. Trust me okay?" ngumiti ni Elsie. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwarto ay bigla siyang naiyak dahil sa konsensiya nang naalala ang kasintahan.
"Bakit gano'n, ibang-iba nararamdaman ko. Kakaiba pala ang lalakeng 'yon sa loob ng tatlo o dalawang taon. Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya. Malalim pala, at bakit ganito? Parang ang bilis ng t***k ng puso ko at namumula ako. May dumi ba ako sa mukha? Maganda ba ako at ako napili niyang ipalit sa ex niya? O kamukha ko lang talaga? Ano ba mayroon sa akin? Itong nararamdaman ko, ni hindi ko pa 'to nararamdaman noong kami pa ni Raymund. Siguro dahil sa puro na lang iyak at sakit at galit ang tinamo ko sa kaniya? Pero 'yong kay Vincent?! Urgh! Grabe! Ang pangit-pangit niya! Hindi maaari! Hindi! Hindi! Hindi!!!!!!!!" sigaw niya, ngunit kalaunan ay napangiti rin. "Pero, ang cute pala niya. Iyong mga mata, iyong shape ng mukha. Ano kayang hitsura niya kapag inalis ang kaniyang bigote? Ang tangkad pa niya. Iyong labi niya malambot na tuwing nadidikit sa noo ko. Iyong yakap niyang mainit at ang bango-bango ng katawan niya. Pati hininga niya, tumigil na magyosi alang-alang sa akin."
Napabuntong-hininga si Elsie at niyakap ang dalawang teddy bear na bigay sa kaniya ni Vincent na nakuha niya sa loob ng locker, nang biglang may narinig siyang kuma-katok sa bintana.
Tumakbo siya at pagbukas na pagbukas niya sa bintana ay si Vincent pala na inakyat pa ang bintana niya para mag-good night.
Nang nakita ni Elsie si Vincent ay bigla niya itong naitinulak sa inis habang sumisigaw dahilan ng pagkahulog ni Vincent sa bintana habang tumatawa, ngunit hindi naman siya ganoon nasaktan, dahil sa maramong bahagi ito bumagsak.
"Elsie, kita na lang tayo bukas ha!" sigaw ni Vincent bago ito umalis.
~~~
Kinaumagahan, sinundo ulit ni Vincent si Elsie para ihatid ito sa unibersidad.Pagkatapos ng klase at breaktime ay wala pa rin si Vincent dahil sumama muna ito sa mga kabanda. Nagkita bigla ang magkaibigan na si Lucy at Elsie nang imbitahin ito ni Lucy kumain muna sa labas.
"Sis, pwede pa-advice?"
"Ano 'yon?" tanong ni Lucy.
"Hindi ko maintindihan nararamdaman ko e. Pero bakit ganoon? Everytime na magkasama kami ni Vincent, ang bilis ng t***k ng puso ko kumpara noong kasama ko na si Raymund?" tanong ni Elsie.
"OMG! It means you're starting to fall inlove with him! Damn! I am so proud of my beshiee! Atlast! Yes!" tuwang-tuwa at kinikilig na saad ni Lucy. "So Elsie, uhm... Have he kissed you? Ano? How's the tongue and lips?" natatawang tanong ni Lucy habang natutuwa sa kaibigan.
"Ano ba! Ang laswa mo naman, sissy! Kiss lang sa forehead. Duh! Sadly, hindi siya first kiss ko. It's Raymund and he is also my first love. Haist!" anas ni Elsie na tila nanghihinayang.
"Ow. But how come that Raymund guy have dumped you!? Eh?! Buti pa si Vincent. That's just so mean, he really do respect you when he's only kissing your forehead. Tingin niya siguro sa 'yo lola. Joke! Pero infairness. Wala sa hitsura niya, sis. He looked like a pervert than Raymund or maybe I found him hot because of her body tuwing nagba-basketball!?" ani ni Lucy.
"Basta, sis. Mahabang istorya. But it's really embarrasing kasi, Vincent caught me naked at nakakahiya and it's a very very awkward moment talaga," wika ni Elsie.
Biglang binuksan ni Lucy ang phone niya at pinanood niya kay Elsie ang isang s*x scandal na pitong minuto ang haba, pagkatapos niyon ay tinanong niya si Elsie, "Dapat ito gayahin mo at panoorin. Sikat na sikat 'yan! Scandal ng isang artistang ewan. At tingnan mo! Ang galing ng girl sa kama. She twerks it like miley. Sana magka-lovelife din ako!" saad ni Lucy hanggang sa natulala si Elsie sa mga napanood at nagulat.
Naghiwalay ang dalawa nang nag-klase na si Elsie. Pagkatapos ulit niya mag-aral sa library ay umuwi at inaya ito ni Vincent makipag-date at kumain lang sa labas, ngunit habang naglalakad sila ay tulala pa rin ang dalaga sa napanood niya. Sa kadahilanan na may napanood siyang isang show dati na rape case na ikina-trauma niya kaya ayaw niya sa mga malalaswang palabas o eksena.
Sa sobrang pagkatulala niya ay kahit kay Vincent ay takot siya medyo at nahahalata na ito ni Vincent. Biglang may lumapit na isang lalaki na mukhang mandurukot, pero hindi ito napansin ni Elsie dahil sa naiisip pa rin niya ang napanood, nang biglang hablutin ng magnanakaw ang kaniyang bag na siyang nagising sa pagkatulala.
"Magnanakaw!"
Tumakbo ang Magnanakaw at hinabol naman ito ni Vincent. Sumunod naman si Elsie. Hanggang sa biglang napagod si Elsie sa kakatakbo nang may narinig siyang binubugbog, kaya nang tumakbo siya sa may sulok ng kalsada upang tingnan kung nasaan ito nanggagaling ay ikinagulat niya nang nakita na tila nanlilisik ang mga mata ni Vincent na nakapatong sa itaas ng magnanakaw habang galit na galit na pinagsusuntok ito sa mukha.
Palakas nang palakas ang mga suntok sa magkabila nitong pisngi hanggang sa nagdugo na ang mukha ng magnanakaw. Sa sobrang inis at takot ni Elsie ay tumakbo siya papunta sa kanila at puwersahan niyang inawat at itinulak si Vincent.
"Tama na! Papatayin mo ba 'yong tao?! Maawa ka! Nakuha na natin ang bag ko! Ano pa ba gusto mo!? Ano pa gusto mo mangyari!? Patayin siya ha?! Walang hiya 'to!" galit na sigaw ng dalaga at naglakad nang mabilis at iniwanan na lang si Vincent.
Hanggang sa pilit na lang naglakad ni Elsie pauwi kahit wala ng kotse o jeep basta lang hindi siya mahatid ni Vincent. Habang naglalakad siya sa kalsada habang galit na galit dahil na rin sa hindi natuloy ang date nila.
Biglang may nag-beep sa cellphone ni Elsie at si Vincent ito. Sinundan nito si Elsie at kinakausap habang naglalakad ito at nagmamakaawa sa dalaga na sumakay na.
"Elsie, sorry na. Kahinaan ko kasi na magalit at hindi ma-kontrol ang sarili. Dahil ayaw na ayaw ko na sinasaktan ang taong mahal na mahal ko. Huwag ka na magtampo, please!" sabi si Vincent habang umaandar ang jeep at sinusundan siya.
"Tumigil ka na! Break na tayo. Ayaw ko mauwi sa taong nananakit nang sobra sa kapwa at handa pang paduguin ang mukha at patayin ang isang tao. Criminal! Please lang lubayan mo na ako!" sabi ni Elsie.
"Sus! Ako papatay ng tao? Pinatikim ko lang ng kamao 'yong magnanakaw na 'yon. Fan kaya ako ni Pacquiao. Joke! Sige na sakay ka na at nang sa ganoon ay maihatid na kita sa inyo. Responsibilidad kita kasi nag-promise ako kay Yaya Anding. Ano ba, tama na drama!" pilit pa rin ang binata.
"Kaya ko na 'to! Hindi ka ba makaintindi!? Gusto mo bang masaktan na naman kita at magalit ako? Kapag sinabi kong ayaw! AYAW KO MAKIPAGBALIKAN SA 'YO!" sigaw ni Elsie. Hanggang sa tumigil na rin si Vincent.
"Okay!" Dumiretso ang sasakyan nito na tila walang pakialam sa dalagang naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada.
Patuloy pa rin sa paglalakad si Elsie at pagod na rin mga paa niya habang pabilog nang pabilog ang buwan, kaya tinanggal na lang nito ang heels niya at napaiyak.
"Bakit pa kasi ako sumama sa 'yo?! Letse ka Vincent! Bakit mo 'ko iniwan dito?! Ang totoo naman ay gusto kong sumakay! Akala ko naman mahal mo'ko! Hindi ko na alam kung saang lugar na ako napadpad! Hindi ako taga-Maynila para malaman kung nasaan ako!"
Naparaan siya sa apat na lasing.
"Wow! Sexy!" sabi ng isang lalaki na may malaking tiyan. Hindi naman pinansin ng dalaga iyon at patuloy nalang sa paglakad.
"Isnabera to ah!" sigaw ng kasamang bunging kalbo na lasing.
Nakaramdam na ng kakaibang takot ang dalaga hanggang sa naglakad na lang siya nang mabilis, ngunit binilisan na ring maglakad ng apat na lasing. Biglang tumakbo si Elsie, ngunit tumakbo rin ang apat na lasing nang mabilis at hinabol ang dalaga.
Hindi nagtagal ay naabutan na nila ang dalaga at pilit itong hinihila sa damuhan.
"Diyos ko, katapusan ko na 'to. Wala akong lakas, ang lalakas nila. Mangyayari na sa 'kin ang mga napapanood ko sa TFC na mga biktima ng gahasa gang. Katapusan ko na 'to Lord. Paalam, Daddy. Paalam, Mommy. Paalam mga kuya. Mamamatay na ako. Wala na akong lakas para makipag hilahan pa. Makikita niyo na lang ako sa tabloid bukas!" Uumiiyak siyang sumisigaw habang ang mga katagang iyon ang mga tumatakbo sa kaniyang Isipan.
Bigla namang dumating si Vincent at nanlaban sa apat na lasing saka nakipagsuntukan. Bugbog ang natamo ni Vincent dahil sa hindi niya nakayanan ang apat na kalalakihan. Kahit wala nang lakas ang binata ay pilit pa rin niyang lumaban alang-alang kay Elsie.
Sinuwerte na lang sila nang may dumating na naglilibot na mga tanod sa lugar at tumakbo ang apat na lalaking lasing habang umiiyak si Elsie at nakahandusay sa kalsada nang wala nang lakas at malay si Vincent. Nagpasalamat sa mga tanod si Elsie dahil doon. Humingi siya ng tulong na buhatin si Vincent papasok sa Jeep nito na nakaparada lang sa tabi ng pangyayari at binigay ang pagkain na nakita sa loob ng Jeep ni Vincent, dahil wala ng pera ang dalaga para ibigay sa mga tanod bilang pasasalamat.
~~~
Kinaumagahan.
Bumukas ang mga mata ni Vincent nang dahan-dahan at nagulat nang napansin na nasa loob siya ng kuwarto ni Elsie at masasakit ang katawan at punong-puno pa ng pasa.
"Vincent, wag ka muna bumangon. Masakit pa mga pasa mo!" ani ng dalaga habang nakabantay siya sa binata. Medyo lumabo ang paningin ni Vincent at nakaramdam ng sakit ng ulo, ngunit gumaan ulit din ang pakiramdaman kalaunan na hindi nito maintindihan.
"Vincent, salamat ha. Akala ko katapusan ko na at masisira na ang mga pangarap ko, at ang pagiging Magna ko ay mawawala na pati na rin ang mga pangako ko kina Mommy at Daddy," ani ni Elsie na malungkot na ngumiti.
"Okay lang 'yon, ang mahalaga okay ka. Ikaw naman kasi, ang tigas ng ulo mo. Ayan! Makinig ka dapat palagi sa boyfriend mo, okay? Pano pala ako napunta rito at bakit wala akong saplot na damit!? Ikaw ha, pinagnanasaan mo ko 'no?" pang-aasar ni Vincent habang nakangisi. Bigla naman itong binatukan ni Elsie.
"Sira! Hay naku! Hindi 'no! Si Yaya, tinulungan niya akong itaas ka rito sa kuwarto at pinahiga ka rin. Siya na nagpalit sa 'yo. Wala siya ngayon kasi dinalaw niya ang lola niya, at tutal weekend ngayon, dito kana mag-breakfast at hapunan. Try ko magluto para sa 'yo ," sabi ni Elsie.
"Sige, salamat my loves. Oo nga pala. Ikaw ang nagmaneho ng Jeep?" tanong ni Vincent at sinagot naman ito nb isang ngiti ni Elsie. "My loves, akin na muna ang susi. May kukuhanin lang ako roon sa sasakyan," sabi ni Vincent.
"Ano 'yon, kasi lahat ng laman n'yon, wala na. Kung hahanapin mo 'yong pagkain, binigay ko na sa mga tanod na tumulong sa atin," sagot ni Elsie. "Pasalamat ka at kung wala rin ang mga tanod malamang tayong dalawa ang makikita sa kalsadang patay at naka-blatter na sa news. Kaya ibinigay ko na sa kanila 'yong pagkain kasi kinapos ako ng pera," paliwanag ni Elsie. Biglang napatingin sa kaniya si Vincent at tinaasan siya ng kilay.
"Trabaho nila 'yon. Okay lang na h'wag mo na sila bigyan ng sukli. Haist!" Tumayo si Vincent. "Alam mo Elsie, 'yong date natin na 'yon, celebration 'yon dahil gusto ko ipaalam sa 'yo na natanggap na ako sa trabaho bilang assistant chef. Hindi na kasi ako bumalik sa amin, kasi kahit inaalagaan ko nang sobra si Papa, simula nang mag-abroad si Mama at nagasawa ng kanu, naging ganiyan na siya sa amin. Anak din kasi ako ni Mama sa ibang lalaki. Tisoy din ako gaya mo! Tunay kong Papa, taga france. Iyong isa kong maliit na kapatid na babae, anak ni Mama sa isang arabo. In-short, tatlo kami magkakapatid at iba-iba ang ama, pero tinuring kami ng step-dad ko na parang isang tunay na anak, at minahal niya kami, pero dahil nangaliwa na naman si mama, naging lasinggero si Papa. Hindi niya kami kayang iwan dahil mahal na mahal pa rin niya si Mama pati ang tunay niyang anak na kapatid kong maliit. Babalik din ako sa kanila kapag nakaahon ako. Para bigyan sila ng pera, baka maubosan sila. Iyong pagkain pala na nasa loob ng Jeep, luto ko 'yon. Dapat nga eh doon tayo sa trabaho ko nag-date para matikman mo masasarap kong luto." Biglang naging interesado si Elsie sa talambuhay ni Vincent.
"Wow! Parang telenobela pala buhay mo. Pero 'yong mukha mo kasi punong-puno ng balbas kaya hindi ko alam kong masasabi ko na half france ka nga. Tsaka pa'no 'yan? Napamigay ko na 'yong pagkain sa jeep. Gusto ko tuloy tikman luto mo. Hm.... Ah! Alam ko na. Try mo tumulong magluto sa amin ni Yaya."
Kaagad dumating si Anding. Bigla namang hinila ni Vincent ang kamay ng dalaga.
"Tara Elsie, mamalengke tayo?"
Ang hindi alam ni Elsie, pumunta sila sa labas para mamalengke kahit masakit-sakit pa ang katawan ni Vincent na ikinatuwa ni Anding.
Kahit inis na inis si Elsie dahil hindi man lang siya nakapag-lipstick at make-up man lang ay naka-tsinelas nang isinakay ito ni Vincent sa Jeep diretso sa palengke.
Pagkababa na pagkababa nila ay medyo nairita si Elsie dahil sa mabaho ang palengke, mainit at madaming lamok.
"Naku, suki! Nandito nanaman si guwapong Vincento. May dala ka pang magandang babae ha! Sino na naman 'yan aber?!" tanong ng mga tindera sa palengke.
Natuwa si Elsie dahil sa tinawag na guwapo ng mga nagbibinta si Vincent na tila kilalang kilala na nila ang binata. Ikinatuwa din niya nang may mga batang nagbigay sa kaniya ng mga sampaguitang kuwintas. Biglang pinakita ni Vincent kay Elsie ang strategy kung paano manghingi ng tawad.
"Magkano ito, Miss beautiful?" tanong ni Vincent.
"50 Pesos," sagot naman ng nagtitindang ginang.
"Puwedeng gawin niyong sampung piso na lang?"
"Malulugi naman ako niyan, Vincent. Ano ba!" ani ng ginang.
"Sige na po. Alang-alang sa girlfriend ko. Pagluluto ko siya nang masarap na masarap na masarap na sopas. Huwag kayo sumimangot. Mas pumapangit kayo niyan. Ang ganda-ganda niyo pa naman ngayon. Sharon Cuneta talaga oh! Duplicate, puwede ring Vilma Santos!" ngiting saad ni Vincent dito.
"Talaga? Thank you. Iyan ang gusto ko sa 'yo. Honest ka palagi sa akin. Hay! Sige na nga, kung hindi ka lang namin suki at kung hindi ka lang guwapo ay hindi. Haist! Ewan ko lang. Sige, ibibigay ko na ng sampung piso mga 'to!" Biglang tumingin si Vincent kay Elsie na nakangiti at kinindatan ito. Natuwa naman si Elsie at napabilib sa karisma at paghingi ng tawad ni Vincent sa mga tindera.
"Galing ng guts ng lalakeng ito. Ayos talaga ha!" naisip niya.
Pagkadating nila sa bahay, gulat na gulat si Anding dahil sa ang liit ng nagastos nila nang ibinalik ni Vincent ang sukli.
"Naku bata ka. Huwag mo ako pinaglololoko ha! Mga panis ba 'to dahil sobrang mura?!" may halong pagdududa na tanong ni Anding
Kaagad na sumingit si Elsie na tawang tawa, "Hindi Yaya, talagang ka-close niya ang lahat ng babae sa palengke. Grabe, bilib din ako sa 'yo Vincent. Hindi ko 'yo inaakala!" hirit ni Elsie.
"Oh sige at masimulan ko nang magluto!" ani ni Vincent
Pinaupo muna niya si Anding at sinabing siya na ang bahala. Pumunta silang dalawa ni Elsie sa kusina at nagsimula nang magluto. Pilit din nakipagkulitan ni Elsie na parang maliit na batang nakikipagkulitan kay Vincent habang abala nang sobra si Vincent sa pagluluto, pilit pinapatayo ang pilay nitong paa, at pilit pinapakita na malakas siya para ipakita sa minamahal na siya ay kamangha-mangha. Hanggang sa natapos na ang niluluto nila at nakaupo na sa hapagkainan ang tatlo.
"Ano na, simulan niyo nang tikman ang masarap kong sopas!" mayabang na saad ni Vincent habang malawak ang ngiti.
"Opps! Huwag muna. Pray muna tayo bago sumubo, okay?" ani ni Elsie dahil relihiyoso siya kaya sabay-sabay silang nagdasal.
Hanggang sa pagkasubo na pagkasubo nina Elsie at Anding ng kanilang kutsara sa sopas na luto ni Vincent ay bigla silang nasarapan at natuwang matapos itong matikman.
"Itong supas mo talaga ang favorite ko. Parang international cuisine! Sopas galing sa langit. Sarap!" ani ni Elsie.
"Gusto mo turuan kita?" tanong ni Vincent.
"Hindi. Huwag na, tinatamad ako. Gusto ko, araw-araw. Ipagluto mo ako nang ganito. Hindi ba, Yaya?" natatawang saad ni Elsie at nakipag-apir pa kay Anding.
"Sure walang problem, basta ikaw lang," sagot naman ni Vincent.
Simula niyon, naging malapit na ang dalawa hanggang sa tuloyan na din silang nasanay sa isa't isa. Araw-araw, hatid sundo na lang ni Vincent si Elsie sa eskuwela. Palaging may surprise si Vincent na regalo sa locker ng dalaga na mga rosas at kung anu-ano pa. Palaging ding pinagluluto ni Vincent si Elsie ng paborito nitong sopas, palaging nakikipagkulitan si Elsie na tila bata kay Vincent.
Parang nagkaroon na rin si Elsie ng bestfriend, tatay, kuya at mahal na mahal na kabiyak. Palagi silang sabay manood sa sinehan at minsan ay nagde-date. Palagi na ring tinuturuan ni Elsie si vincent sa mga exam. Hindi na rin siya nandidiri pa rito. Pinupunasan at kinikiliti pa ni Elsie si Vincent tuwing pawis na pawis sa basketball ang binata at palagi na rin hinahalikan sa noo ni Vincent si Elsie. Palagi rin nagyayakapan at naglalakad habang hawak kamay at hindi na nagkakahiyaan sa isa't isa.