Kabanata 7

2277 Words
Nagkaroon ng pagpupulong ang banda, ilang buwan na ang nakakalipas. Bigla nilang napag-usapan si Elsie habang gumagawa sila ng kanta dahil sa sobrang inspirado si Vincent para kay Elsie. "Pare, parang naniniwala na ako na kayo na!" sabi ni Nano at nagsigawan silang magbabarkada. Ngumiti na lang si Vincent. "Ang galing mo talaga, Pare!" sabi ni Reynold, pero si Roy ay tila hindi gusto ang desisyon ni Vincent sa paggawa ng pinakahuling kanta para sa banda ng biglang dumating si Elsie. "Hello guys! May hinanda ako sa inyo. KFC for dinner. Dalaw-dalaw din kayo sa bahay if may time ha!" ani ni Elsie at nilagay ang pagkain sa mesa. Nasa bahay sila ni Nano dahil doon natutulog si Vincent na dinalaw lang ni Elsie. Hinalikan naman ni Vincent si Elsie sa noo kaya biglang nagsalita si Roy, "Sa lips naman, lagi na lang sa noo. Kakaumay na! Ano ba 'yan!" Biglang nahiya si Elsie dahil doon. "Guys! Punta muna ako sa labas ha! Shopping kami ng friend ko," sabi ni Elsie. "Pakilala mo naman kami sa friend mo!" anas ni Reynold. "H'wag na, baka agawin pa niya si Vincent ko!" sagot ni Elsie habang natatawa. Pagkahatid na pagkahatid ni Vincent kay Elsie papunta sa bahay ni Lucy ay dumiretso na si Lucy at Elsie sa labas para mag-shopping. "Elsie, hindi ko akalain na magtatagal kayo ni Vincent ng seven months!" saad ni Lucy habang naglalakad silang dalawa sa mall. "Ako rin nga e, pero sinunod ko lang ang tinitibok ng puso ko. Nagpakatotoo lang ako. Sinisigaw ng puso ko na siya. Mahal ko na talaga siya. Iyong feeling na hindi maku-kompleto araw ko kapag wala siya. Iyong tipong parte na siya ng buhay ko. Parang kabiyak ko na siya. Palagi na lang mukha niya ang nakikita ko, at ang boses niya palagi kong naririnig pagkagising ko palang sa umaga hanggang sa pag-idlip. Hatid-sundo ako, palaging may gift sa locker na rosas galing sa kaniya, pinagluluto niya ako ng paborito kong sopas. Iyong ganoon, Sis!" "Suwerte mo naman! Pero paano mo naman siya papakilala sa parents mo?" "Sissy, habang masaya kaming magkasama, nangako siya na walang makakahadlang at pursigido rin siyang mag-aral, kaya sobra ko rin siya tinuturuan. Sis, parang siya na talaga ang right guy para sa 'kin," sagot ni Elsie na pilit iniiwasang sagutin ang tanong ni Lucy. Gabi na nang dumating si Elsie at Lucy sa kani-kanilang mga bahay. Bigla namang nakatanggap ng text si Elsie kay Vincent ng gabi na iyon. [Elsie, Maghanda ka na at magsuot ng pormal at classy na damit. Dahil kakaibang celebration ang gagawin natin ngayon sa date natin.] Nagtaka si Elsie at binilisan ang kilos. Humanap siya ng magandang isusuot. Biglang dumating si Vincent at napansin na nakatali na ang buhok nito kaya nanibago ang dalaga. "Vincent, mukhang marunong ka na magtali ng buhok mo mag-isa ha," ani ni Elsie habang nakangiti. Binuksan ni Vincent ang pintuan ng Jeep at pinapasok si Elsie sa loob. Umandar ang kanilan sasakyan at nagtungo sa pinakatuktok ng bundok kung saan makikita ang magandang tanawin ng syudad kung saan sila naroon. Bumaba si Vincent at kinuha ang carpet pati na rin ang picnic box saka inilapag kasama ang mga pagkain. "Wow! Saan 'to? Ang ganda ng view, Vincent! Parang California kapag gabi!" wika ng dalaga na tuwang-tuwa habang kinukuhanan ng litrato ang mga tanawin sa taas ng bundok na kanilang kinalalagyan. Kahit gabi ay tila kumukutitap pa mga maliliit na ilaw ng syudad. "Tsaka, ano na naman 'yang suot mo? Tuxido? Aber!?" "Elsie, hindi mo ba alam na blue moon ngayon, at higit sa lahat, birthday ng mahal na mahal kong girlfriend!" ani ni Vincent na ikinagulat si Elsie. "OMG! Talaga?! Weh? Hindi nga!?" Kinuha ni Elsie ang cellphone at tiningnan ang petsa roon. "Oo nga! Bakit hindi ko man lang naalala? Grabe ka!" sigaw niya sabay tumawa. "Kasi masyado kang busy sa pag-aaral mo. Super stress ka masyado, babe," sagot naman ni Vincent. "Sorry, babe. Malapit na kasi ang exam. Haist!" malungkot na sagot ng dalaga. Bigla namang tumayo si Vincent at lumapit sa may swing. "Elsie, halika ka! upo ka rito!" ani ni Vincent na mukhang seryoso. Lumapit naman si Elsie at umupo sa swing, kasabay ng biglang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin habang napakatahimik ng lugar at tanging tunog lamang ng insekto ang maririnig. Ilaw ng buwan lang din ang kanilang tanglaw. Biglang nagulat si Elsie nang may isabit si Vincent sa kaniyang leeg. Ito ay isang mamahaling gintong kuwintas na may pangalan "Elvi" Kaagad pumunta si Vincent sa harapan ni Elsie habang ito ay nakaupo sa swing bago ito lumuhod at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Elsie, itong kuwintas na 'to ang makakapag-patunay na ang sumpaan nating dalawa ay totoo. Kung gaano tayo nagmamahalan ay totoo. At sana'y hindi hayaan ng Diyos na paghiwalayin tayo at malagpasan natin ang lahat, ano man ang mangyari. Ang Elvi ay pinaghalong Elsie at Vincent na itatawag natin kung sakaling magkaanak tayo sa kasalukuyang panahon," sabi ng binata na ikinaiyak ni Elsie. "Elsie, Maaari ko bang halikan ang iyong labi. Para ganap na tayong isang tunay na magkasintahan. Hindi kita pipilitin kung hindi ka pumayag. Okay lang sa 'kin at rerespetuhin ko ang iyong desisyon." "Oo, matagal ko na 'yang hinihintay at salamat sa 'yong mahabang respeto at tapat na pagmamahal sa akin. Hinding hindi rin kita kakalimutan. Hindi ko ngayon matumbasan gaano kita kamahal. Napakasakit isipin na 'yong dating lalaking ayaw na ayaw ko ay siya na ang lalakeng hindi ko na alam ano ang mangyayari kapag nawala na siya sa buhay ko." Dahan-dahang lumapit si Vincent at dahan dahan din nagkadikit ang kanilang mga labi. Hanggang sa napakagat ng dahan-dahan sa malambot na labi ng dalaga si Vincent bago tumigil at ngumiti. "Mukhang nasobrahan ko na yata ang smack kiss ko Elsie, baka sabihin mo sumusobra na ako. Tara kain muna tayo at hintayin na lang ang blue moon." Pagkatapos nilang kumain habang nagpi-picnic sa ilalim ng buwan ay nagsayaw sila ng slowdance na tanging speaker lang sa jeep ni Vincent ang gamit. Hanggang sa kinuha na ni Vincent ang gitara at kinantahan na rin si Elsie ng isa niyang composition kung saan inaalay talaga niya para sa dalaga. Ang title ng kanta ay 'Buko' na hindi pa niya nai-share sa banda dahil para lang kay Elsie ang kanta, na nagustuhan naman ng dalaga. Pagkatapos niyang haranahin si Elsie, pinasandal naman ni Elsie ang ulo nito sa hita niya at nag-usap sila habang hinihimas ni Elsie ang buhok nito. "Elsie, gusto ko pa lang malaman mo. Bilang regalo ko at alang-alang sa pagmamahalanan natin. Iniwanan ko na ang tatay ko at mga kapatid ko ngayon dahil sa pagbabanda. Pero ngayon, ikaw lang hindi nakakaalam ng desisyon na tinuldukan ko. Sina Reynold, Nano at Roy alam na nila at tanggap na nila ang desisyon ko. Nais kong malaman mo na mas pinipili kita, mas pinili ko ang pag-iibigan natin at ang babaeng magpapasaya sa akin araw-araw, at ang babaeng bumuo ng buhay ko kaysa banda. Kaya ngayon, kakalimutan ko na ang pagbabanda at iiwan ko na siya gaya nang gusto mong mangyari dati at gustong asam-asamanin sa akin," hayag ni Vincent. Biglang nanlaki ang mga mata ni Elsie at hindi alam ang gagawin bago biglang tumulo ang mga luha nito. "Bakit ginawa mo 'yon? Hindi ba mahal na mahal mo ang pagbabanda? Bakit pinagpalit mo 'to sa pamilya mo!?" Hindi na pinakinggan ni Vincent ang tanong niya at paliwanag nang bigla na lang niya ito hinalikan sa labi. Tumulo ang luha ni Elsie habang nakikipaghalikan na pumatak sa mukha ni Vincent, pero tinodo na niya ang halik at naging hindi lang kagatan sa labi kun'di nagpalitan na rin ng tamis ng dila hanggang lumabas na rin ang blue moon. Pagkahatid na pagkahatid ni Vincent kay Elsie sa bahay ay napakasaya ni Elsie at sinalubong siya ni Spikey at niyakap naman niyo ito nang mahigpit, nang nag-ring ang cellphone niya at napansin na si Lucy ang tumatawag. "Hello, bishie. Napatawag ka nang ganitong oras?" tanong ni Elsie. "Punta ako r'yan, sis. May papanoorin tayo ulit! Grabe!" ani ni Lucy na tila tuwang-tuwa. Ilang oras ang nakalipas ay dumating na rin si Lucy sa bahay ni Elsie at dumiretso sa kuwarto niya na tila isang gigil na gigil na hindi maintindihan. Binilisang paandarin ang laptop ni Elsie. Habang pahiga na si Elsie sa kama dahil sa antok nang biglang may narinig si Elsie na umuungol na babae "Ano ba 'yan, Sis. Ang lakas!" Hanggang sa iyong umuungol ay naging pasigaw na palakas nang palakas na boses ng babae kaya napaupo na lang si Elsie dahil sa inis at nakinood kay Lucy nang nakita na naman niya ang dalawang hubad na taong nagtatalik sa video. "s**t, sis! s*x scandal ng isa sa mga balancer natin sa cheering squad. Look! Grabe ang wild niya sa kama!" sabi ni Lucy. Biglang nawala ang antok ni Elsie at na-curious at pinanood. Habang tumatagal niya 'tong tinititigan ay medyo na-turn on na siya hanggang sa gabi na nang nagpaalam si Lucy. "Bishie sissy, alis na ako, baka makahalata sina Mama na wala ako sa bahay. Akin na 'yang flashdrive!" "Huwag! Dito na lang 'yan. Balik ko na lang sa 'yo bukas." Biglang nagulat si Lucy at natawa. "Okay." Pagkaalis ni Lucy ay inulit-ulit na lang panoorin ni Elsie ang scandal at bigla niyang naalala ang magandang katawan ni Vincent tuwing pinupunasan niya 'to ng pawis sa basketball. Parang nag-iba na hindi gaya ng dati na takot na takot siya dahil sa mga napapanood at pagkaadik niya manood sa tv ng mga SOCO o kaya ay MMK rape case. Hanggang sa nakatulog na siya sa kaka-play ng paulit ulit na s*x scandal nang nagising na siya kinaumagahan at nasa harapan na niya si Vincent. "Gising na asawa ko!" Hinalikan siya nito sa labi. Biglang sumigaw si Elsie. "Huwag mo ko halikan, letse ka! Bad breathe pa ako bwiset!" Natawa si Vincent at hinalikan ulit si Elsie. "Wala akong pakialam. Masarap kasi labi mo. Ano magagawa ko? Irresistable eh!" pabirong sabi ni Vincent nang bigla niyang binuhat si Elsie sa banyo. "Sige na babe, my loves. Toothbrush na at late na late na tayo! Dali- dali!" Sabay tahol din ni Spikey, pero dahil sa tinatamad pa rin si Elsie ay sinamahan na rin ito magsipilyo ng binata. Pagpasok na pagpasok nila sa unibersidad ay maraming mga babae ang lumapit kay Vincent na gustong magpa-picture at Autograph. "Pa-autograph, idol. Nakakalungkot lang talaga na nagquit ka na sa banda. Mami-miss namin boses mong pang rakista. Ikaw ang pambansang musikero ng unibersidad!" sabi ng isang fan na babae. Napatunganga na lang si Elsie at nagselos kaya iniwan na lang si Vincent habang ito ay busy na pansinin at sagutin mga tanong rito ng mga fans. Pagkahakbang na pagkahakbang ni Elsie sa Locker ay binuksan niya ito at may nakitang siyang rosas na galing ulit kay Vincent na ikinatuwa niya, ngunit nang pagkasarado niya nito ay biglang sumunggab sa mukha niya si Raymund na nakatayo sa harapan niya. "Miss me, babe?" sabi ni Raymund na ikina-gulat ni Elsie. "Hindi ba matagal na tayong wala! Umalis ka nga sa harapan ko. Hindi na kita kailangan sa buhay ko. Lubayan mo na ako. Baka may makakita pa sa atin at iba pa ang isipin nila," galit na sabi ni Elsie at iniwasan ito. Naglakad siya nang mabilis pero sinusundan pa rin siya ni Raymund. Hindi alam ni Elsie ay may nakakita at nakarinig na sa kanilang dalawa ni Raymud at ito ay si Lucy na galit na galit na nagtatago at sinundan ang dalawa. "Wala naman ako sinabi na break na tayo? Ang sabi ko lang, hihintayin ko na lang na bitawan ni Vincent pagbabanda niya sa sarili mong strategy nang wala ako at wala ang walkie talkie o kung pano mo siya mako-kombinsi na pilitin siyang iwan ang pagbabanda!" paliwanag ni Raymund habang nakangiti pero todo pa rin ang pag-iwas ni Elsie. "Alam mo Elsie, hindi ko akalain na na-inlove ka at tinotoo mo talaga siya. Babe, wake up! Gago ka! Ang weak mo! Ito tandaan mo. Ano man ang mangyari. May usapan tayo at hinding-hindi puwedeng patuloy na lang na kayo. Hindi ko sinabi na sumama ka na lang sa kaniya nang basta-basta. Elsie, tapos na misyon mo at babalik ka na sa akin dahil akin ka 'di ba!? Kaya lang kita pinahiram sa kaniya dahil sa tutuparin mo ang pangarap ko dahil mahal mo ko 'di ba?" sigaw na sabi ni Raymund. Biglang huminto sa paglalakad si Elsie at sinampal nang malakas si Raymund. "Walang makakapaghiwalay sa 'min ni Vincent, kahit ikaw o sino man. Hindi na kita mahal. Mahal ko siya at ikamamatay ko kapag nawala siya sa buhay ko dahil lahat ng pagkukulang mo, siya ang pumuno kaya umalis ka na! Puwede ba!?" sigaw ni Elsie. "Sus! Ganiyan na ganiyan din ang mga dayalogo mo sa gagong 'yon! Sige, tingnan ko lang kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya lahat ng plano natin! Tingnan ko kung hindi ka pa sa akin babalik. Matigas na ulo mo ha. Sige! Sumama ka na sa kaniya. May nalalaman ka pang pasampal-sampal d'yan e sa 'kin ka rin naman babalik!" banta ni Raymund bago ito umalis habang hawak hawak ang pisnging nasampal ng dalaga. Napaiyak si Elsie at napadapa sa takot. Dumiretso kaagad siya simbahan at umiyak na nananalangin na sana huwag malaman ni Vincent ang lahat dahil sa hindi niya alam kung ano mangyayari kapag wala na ang pinakamamahal niyang lalaki sa buhay niya, hanggang sa dumating si Vincent at tinabihan siya. "Matagal na kitang hinahanap, nandito ka lang pala sa simbahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD