Pinasyal muna ni Vincent si Elsie sa harden ng unibersidad habang hawak-hawak ang kamay nito.
"Selos ka 'no!? Sa mga babaeng 'yon?" kantyaw na tanong ni Vincent bago ito tumawa.
"Gusto mo malaman ang totoo? Oo!" galit na sigaw ni Elsie.
"Kaya pala nasa simbahan ka? Pinapanalangin mo na mamatay sila para iyong iyo na si Mr. Vincent Montenegro?" pabirong tanong ni Vincent na mas lalong ikinainis ni Elsie bago ito naglakad nang mabilis.
Hanggang sa isang gabi ay umuwi na rin si Elsie. Naisipan ulit niyang panoorin ang video sa loob ng flashdrive ni Lucy nang biglang umukit na lang bigla sa isipan niya ang sinabi ni Raymund at bigla siyang natakot at hindi alam ang gagawin.
Nag-isip siya ng matinding solusyon. Hanggang sa ilang saglit lamang, nakatanggap si Vincent ng text sa kaniya.
{Vincent, dalaw ka muna rito at sa bintana ka dumaan, papunta sa kuwarto ko. May sasabihin akong mahalaga. Huwag na huwag ka magpahuli kay Yaya ha. Iyon lang, love you!}
Sumunod naman si Vincent at dumating din siya paakyat sa kuwarto ng dalaga at kinatok ang bintana, pinapasok siya ng dalaga kahit antok na antok na ito dahil sa kaka-ala una palang ng madaling araw.
"Vincent, halika rito. Panoorin mo 'to!" sabi ni Elsie saka lumapit si Vincent.
"Teka, Isa 'yan sa mga cheerleader na lumapit sa 'kin kaninang umaga. Tsaka hayop! Bakit ka nanonood ng ganiyan?" ani ni Vincent.
"Gusto ko kasing subukan natin 'yan," sagot ni Elsie nang seryoso, sa mahinang boses sabay tinitigan sa mata ang binata.
Bigla niya itong hinalikan at naghubad ng saplot sa dibdib. Ngunit pinahinto ito ni Vincent kahit nakikita na ni Vincent kung gaano kapungay ang mga mata ng dalaga na tila gustong-gusto na.
"Vincent, h'wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Nasa tamang edad na tayo at legal na legal na," pahayag ni Elsie na seryosong-seryoso.
"Tumigil ka nga, Elsie. Ganito rin naman ginawa mo sa 'kin dati 'diba? At napipilitan ka lang. Masyado ka pang bata. Mas matanda ako sa 'yo ng tatlong taon. Ayaw ko sirain ang p********e mo," iritang sagot ni Vincent at iniiwasang tumingin sa katawan ng dalaga.
Hanggang sa pinilit na naman niyang pulutin ang mga damit ng dalaga at nang tatakpan ulit niya ang hubad na katawan ni Elsie ay bigla itong tinanggihan ng dalaga sabay tapon ng damit na hawak ni Vincent. Sa sobrang inis ni Elsie ay hinila na lang niya nang biglaan ang kanang kamay ng binata at ipinatong sa walang saplot na dibdib nito habang nakipagtitigan ulit sa binata. Pinilit talaga niya ang kamay ng binata na himas-himasin ang dibdib niya hanggang sa hindi nakapagpigil si Vincent at hinalikan nang gigil na gigil si Elsie.
"H'wag ka na mahiya babe, nasa legal na edad na tayo at magka-relasyon. Hindi mako-kompleto ang pagiging tayo kung wala ito. I want you to start rubbing me, skin to skin. Balat sa balat. I wanna make love with you so bad. Gawin mo akong pampalipas oras kapag nag-iinit ka at ako rin gaya ngayon. Init na init na ako," pabulong na sabi ni Elsie habang paspasan ang paghalik sa kaniya ni Vincent na gigil na gigil sabay kagat gamit ang labi sa maputi at makinis na leeg ng dalaga. Hanggang sa huminto na lang to saglit.
"Whoa! Talagang nag-iinit kana, Elsie mahal ko. Huwag kang mag-alala. Slave mo ako sa kama," sabi ni Vincent na tumatawa hanggang sa binatukan ito ni Elsie nang mahina.
"Yes, that's why make me happy. Do it gentle. First time ko 'to, okay?"
Pinahiga ni Vincent si Elsie at kinausap niya ito nang diretso at masinsinan, "Elsie, natatakot ako. Delikado 'tong gagawin natin dahil matagal na noong huli ako nakipagtalik kay Rose Marie," paliwanag ni Vincent.
"Okay lang, pati rin ako kinakabahan. Tiwala na lang ako sa 'yo at sa Diyos. Alang-alang sa pag-iibigan natin. Regalo ko na rin sa 'yo ang p********e ko. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin sa 'kin, Vincent," ani ni Elsie bago siya kumindat.
"Huwag kang magalala, dadahan-dahanin ko. Sabihin mo lang kung masakit," saad ni Vincent.
"Aray! Ba't biglaan! Ano ba! Sabi ko dahan dahan!".
"Pasensya na, hindi ko namalayan. Sige dadahan-dahanan ko. Magsabi ka lang kung masakit ha." Bawat tulak ni Vincent ay tila dahan-dahan nang napupunit ang dalaga kaya napapaiyak na lamang ito.
"Ginagawa ko lang ito para lang h'wag mo kong iwan, Vincent. H'wag na h'wag kang maniniwala kay Raymund. Bawat punit ay katumbas ay sakit pero titiisin ko ang sakit na ito para lang sa kaligayahan mo. Iyong-iyo na ako, pati kaluluwa ko. Huwag ka lang mawala." Napahinto si Vincent.
"Bakit ka umiiyak? Gusto mo itigil na lang natin 'to? Please 'wag ka umiyak. Sabi ko naman kasi sa 'yo na 'wag na lang," sabi ng binata.
"Hindi, okay lang ako. Ituloy mo lang. Masakit lang talaga siya sa una," ani ni Elsie. Naintindihan naman iyon ni Vincent hanggang sa hinalikan niya ito sa noo.
"Alam mo, hindi ko akalain na dadating tayo sa ganitong punto. Ganito na lang. Mahal mo ba ako?"
"Siyempre, mahal na mahal." Tinititigan niya nang sobrang madamdamin ang binata.
"Sige, ganito na lang gawin natin. Dahil ayaw mo naman na itigil 'to, pero nangyari na ang hindi dapat mangyari. Tuwing gagalaw na ako, umakbay ka na lang sa akin nang mahigpit na tila tatalon tayo sa bangin at sabihin mo kung gaano mo ako kamahal gaya ng I love you o mahal kita at ako rin, tingnan mo ang magic. Mawawala na lang bigla ang sakit sa p********e mo!" ngiting paliwanag ni Vincent habang pinupunasan ang luha ng Dalaga.
"Sige, pero 'wag pasigaw, baka marinig tayo ni Yaya, pabulong ko na lang sa tenga mo. Sige, ituloy natin. Try natin ha!" Hanggang sa ginawa nila ito. Habang tumatagal ay nagustuhan din ito ni Elsie.
"Mukhang ok ka na," sabi Vincent habang gumagalaw ito sa ibabaw niya.
"Oo, pawis na pawis ka na yata at hindi ka man lang makahinga. Ang cute mo pala kapag ganyan ka," ani ni Elsie.
Namula bigla si Vincent kaya nagpalit sila ng posisyon, si Elsie naman ang nakapatong sa kaniya nang inabot sila ng mahigit ilang minuto ng pagtatalik, nang biglang napapasigaw at napapaungol na si Elsie nang malakas at nagulat si Anding saka ito kumatok.
"Elsie, bakit ka sumisigaw?! Ano nangyayari dyan?" ikinagulat iyon ng dalawa habang hubo't hubad silang nagtatalik nang marinig nila ito.
"Wala, Yaya! Nanaginip lang ako at nauntog!" sagot ni Elsie habang nakapatong sa taas ng binata at patuloy pa rin sila sa ginagawa nila. Nang biglang binilisan ni Vincent ang galaw niya dahil sa lalabasan na siya kaya lalong napasigaw si Elsie at biglang nabuksan ang pintuan at gulat na gulat si Yaya Anding sa nakita.
Nahuli niya ang dalawa kaya kinausap din niya ito nang masinsinan at pinagsaplot at pinaupo sa sofa ng sala.
"Alam niyo! Hindi ko lubos maisip! Pano niyo nakuhang magsinungaling? Lalo ka na, Elsie. Para mo na akong ina!" galit na sabi ni Anding. "Ano na lang sasabihin sakin ng mama mo? Hindi mo ba alam kung ano'ng pinasok mo!?" Napatungo si Elsie nang may panghihinayang.
"At Ikaw naman Vincent. Simula ngayon, hinding-hindi ka na rito puwedeng dumalaw pa. Pinagkatiwalaan pa naman kita, pagkatapos gaganunin mo lang ang alaga ko? Oo, matanda na kayo at nasa tamang edad pero dapat naghintay muna kayo makatapos ng pag-aaral!" sigaw na sabi ni Anding, ngunit bigla itong niyakap ng dalawa ng sobra.
"Sige na Anding, patawarin mo na kami. Normal naman po sa magkasintahan ang gano'n 'di ba? Please, sorry na. Hindi na mauulit!" hirit nilang dalawa dahilan para biglang lumambot ang puso ni Anding.
"Sige, pero ipangako niyo rin na mag-aaral kayong mabuti, dahil nangyari na ang nangyari at hindi na natin puwedeng maibalik 'yan. Ikaw Vincent ang magsikap na makapagtapos para pakasalan mo si Elsie. Huwag mo siyang galawin habang hindi pa kayo kasal. Itatago ko na lang ito sa mga magulang niya ang nangyari. At 'wag na 'wag mo subukang makipagtalik sa kaniya sa uulitin. Mahirap na. Napakaraming consquences 'yan, Hijo! Paano na lang kung ma—" Biglang nautal at hindi na itinuloy ni Anding ang karugtong ng sasabihin sa sakit ng ulo. "Huwag naman sana, sige na at magluluto muna ako. Iabot mo na lang sa akin ang extra susi ko sa kuwarto mo Elsie pagkatapos ko magluto. At ikaw, Vincent, umuwi ka na sa inyo," ani ni Anding na papunta sa kusina.
"Sige po, hindi na po mauuulit. Kuhanin ko na lang mga damit ko sa kuwarto ni Elsie, Yaya Anding!" hirit ni Vincent.
Pagkapasok na pagkapasok ni Elsie sa kuwarto kasama si Vincent ay biglaan na naman niya itong niyakap at hinalik-halikan na tila adik na siya sa binata.
"Tama na muna, Elsie. Nag-promise ako kay Yaya," ani ng binata.
"Bakit? Porke nag-promise ka, ibig-sabihin walang ng kiss galing sa 'kin?" ngiting biro ni Elsie.
"Natatakot kasi ako, kasi naiputok ko na lang noong nagtatanong si Yaya sa kalagitnaan ng pagtatalik natin. Mahirap na. Sabi nga ni Yaya, baka mabuntis pa kita!" Kaagad nagulat si Elsie.
"Ganoon pala. Kaya pala parang biglang may mainit na tila tumalsik sa loob ko."
"Napaka-inosente mo at nakokonsensya ako. Maligo ka na," wika ni Vincent.
Nang pagtayo na pagtayo na nito paalis ay hinawakan siya kaagad ni Elsie sa kamay at hinila.
"Gusto kita Vincent. Bago ka umalis dito sa kuwarto ko, gusto kitang kasama. Gusto ko sabay tayo maligo sa banyo. Gusto ko rin na paliguan mo ako, mula ulo hanggang paa. Basta gusto kita at adik na ako sa 'yo dahil mahal na mahal na mahal na talaga kita," wika ng dalaga na hindi na tinanggihan ni Vincent.
Kinuha ni Elsie ang razor nang nakapasok siya sa banyo.
"Gusto ko nang bawasan ang bigote mo sa mukha!" Kinuha ni Elsie ang gunting. "At gupitan ko nang kunti ang buhok mo. Ang saya talaga. Pa-guwapo nang pa-guwapo ang boyfriend ko. Kinikilig tuloy ako. Ngayon, madali mo na itali ang angelic buhok mo at unti na rin ang bigote mo na hindi na ako masyado nakikiliti at naiirita kapag hinahalikan kita. Tingnan mo na, lumalabas na pagkatisoy mo. Pareho na tayo, at salamat na rin dahil sobra akong nag-enjoy kanina. Grabe! ganoon pala ang pakiramdam na nakikipagtalik sa taong mahal na mahal mo. Parang ikaw pinakamasayang tao sa mundo dahil nagiging iisa kayo at nagiging asawa mo na siya kahit wala pang papel. You're the best thing that I have, and the most special person in my whole life, Vincent," masayang hayag ni Elsie at pinaandar na ang shower. Dahan-dahan niyang sinabon ang buong katawan ni Vincent, "Ikaw na ang bago kong baby na pinapaliguan at sasabunan nang ganito."
Biglang napaiyak si Vincent habang pinapanood si Elsie na pinupunasan ang katawan nito ng sponge.
"Elsie. Gusto ko pala malaman mo na ikaw ang buhay ko. Hindi ako nagkamali sa panliligaw at pagsuyo ko sa 'yo at ang hindi pagsuko. Ikaw ang anghel ko sa araw at gabi. Ngayon! Kulang na lang ay ikasal tayo. Kaya, kung sakali man lang Elsie na mabuntis kita dahil hindi ko napigil at nailabas ko sa loob mo nang hindi sinasadya, ipangako mo sa akin na bubuhayin mo kung may nabuo r'yan sa iyo kung sakali man lang. Dahil handa akong maging ama at gagawin ko ang lahat para mabuo ang pamilya ko na ikaw ang asawa at ina ng magiging panganay na anak ko. Kung sakaling itakwil man kita, isipin mo lang itong pangako na huwag na huwwag dumaan sa isip mo ang ipalaglag kung mayroon man yan diyan. Kahit ano mang mangyari ay hinding-hindi din kita iiwan habang nagdadalang tao ka," seryosong ani ni Vincent.
"Bakit naman napaka-seryoso mo magsalita? Ang bilis naman kung mabubuntis ako kaagad, pero magandang ideya 'yan dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Kung sakaling magdalang tao ako, ipagpapalit kita sa grades ko at pamilya. Pangako na bubuhayin ko ang magiging anak natin kahit hindi ako sigurado kung mayroon ba talaga. Ahh basta! Ipangako mo rin na huwag akong iwanan mag-isa kapag nagdalang tao na ako. Sinabi mo 'yan ha! Promise. Huwag na h'wag na h'wag mo akong iiwan. Dahil ang hirap kaya mabuntis, pero kung 'yon lang ang paraan para lang h'wag tayo maghiwalay at h'wag mo ko iwan, dadalahin ko sa aking sinapupunan ang bata hangga't ikamatay ko, basta makasama lang kita. Kayang kaya kong gawin lahat at kalimutan lahat ng pangarap ko. Huwag ka lang mawala sa akin. Pangako mo 'yan at mangangako rin ako sa 'yo sa harap ng Diyos dahil mahal na mahal na mahal kita. Kahit na ako ang magmukhang kawawa. Kaya ko harapin lahat kahit lahat mawawala, basta lang h'wag lang ikaw!" iyak ni Elsie habang tumutulo ang luha at napahagulgol nalang sa iyak.
"Oo, pangako. Mahal na mahal kita. Takot ako mawala ka. Kaya kung 'yan lang ang solusyon, go ako!" naiiyak na saad ni Vincent habang sinasagot ang sumpaan nila at sabay hinalikan nanaman niya ito sa noo. Niyakap naman to ni Elsie nang mahigpit habang nahuhulog na ang tubig sa kanilang dalawa.