Epilogue
Tahimik na nagmamaneho si Roman papunta kay Paulina. Ilang buwan din siyang hindi nakadalaw rito dahil kinailangan pa niyang gamutin ang sarili niya. Gusto sana siyang samahan ng mga kapatid niya ngunit minabuti niyang mag-isa na lamang siyang pumunta rito.
Ilang sandali lamang ang biniyahe niya bago narating ang lugar kung nasaan ang dalaga. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok lugar. Nasa b****a pa lamang siya pero makikita mo na ang mga maliit na mga pakahon pa animo'y mga bahay.
Habang papalapit siya kay Paulina ay palakas nang palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. At nang marating na niya ito ay huminga muna siya ng malalim. Pumasok siya sa establisyementong kinalalagakan ng kanyang katawan.
Agad na napaluha si Roman nang makita niya ang puntod ng nobya.
Paulina Smith
May 13, 1993, to Sept. 23, 2021
Remembering
"P-Paulina..." Nanginginig ang kamay niya nang hinawakan niya ang puntod nito. "I'm sorry."
"No. You don't have to say sorry. It's not your fault, Roman."
Lalo siyang napahagulhol nang muli niyang na alala ang sinabi ni Paulina.
"Wala kang kasalanan, Roman. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya don't blame yourself. Makakaalis ka rin dito."
"I'm sorry! I'm sorry!"
"I love you, Roman. Forever... death can never take us apart."
"Forever, My love..."
"S-Sorry... Paulina."
Halos hindi na makahinga si Roman dahil sa pag-iyak. Walang katumbas ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Hindi na niya tuloy alam ngayon kung paano pa siya magpapatuloy.
"You have to live."
Noong nasa isla pa siya at mayroong dumaang helicopter ay nakita pala nila siya. Ngunit hindi agad nakabalik dahil sa may dumating na bagyo. Ika-walong araw na niya sa isla noong nakita siya ng mga rescuer.
Siya ang nag-iisang naka-survive sa lifeboat na tumaob noong lumubog ang barkong kanilang sinasakyan.
Una niyang hinanap noong magkamalay na siya nung nasa ospital na siya ay si Paulina. Ngunit malungkot na ibinalita ng kanyang pamilya na hindi pala nakaligtas ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa narinig dahil kasa-kasama niya si Paulina noong nasa isla siya.
Na totoo naman dahil ang bangkay pala nito ang kasama niya.
Noong nakita siya ng mga rescuer sa isla ay inaapoy siya ng lagnat. Katabi ang bangkay ni Paulina. Magkasama pala silang inanod noon sa isla ngunit hindi niya ito kaagad nakita. At noong nakita na niya ay hindi niya matanggap na namatay na ito.
Dahil na rin sa mag-isa lamang siya sa isla at sa lungkot dahil sa pagkawala ng nobya ay nag-umpisa na siyang mag-halucinate na kasama niya pa rin ang dalaga.
He can't believe it because everything was real. Hindi siya naniwala kahit na noong ipinakita na sa kanya ang bangkay ng dalaga. Everything was real for him when they were on the island.
She's still alive for Roman.
"I love you... I love you, so much Paulina. I don't know now how I can continue. I-I can't live without you. Every day... for every day that is passing I always missed you. Paulina, please... please come back to me."
"Always remember that it's not your fault, my love."
Muling namutawi sa kanyang alaala ang nakangiting mukha ni Paulina habang nasa isla siya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. For months that he's been in the hospital trying to bring back his sanity, up until now he's still hurting.
Sobrang sakit, para siyang dinudurog.
Yung babaeng pinapangarap niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda ay wala na. Yung mga sinasabi nito noong nasa isla sila ay mga habilin na pala nito.
He keeps on asking why? Why did she have to die? Or at least, why let him live if the girl she loves the most is already gone?
Kung pwede lang ay gusto na niyang sumunod sa kanyang nobya. Hindi niya kinakaya ang araw-araw na hindi niya ito nakikita. Gustong-gusto na niyang mayakap muli si Paulina.
"How can I continue now, Paulina?" Niyakap na niya ang puntod nito. He feels so lost now that she's gone.
"I know, Roman. Ganon din ako. Pero ayokong maging miserable ka. Kaya please, don't say that. Don't blame yourself sa mga nangyari, okay?"
Bahagya siyang na himasmasan nang maalala niya ang sinabi ni Paulina. He knows that she loves him too so much. Hindi sila naniniwala ngunit alam ramdam niya sa sarili niya na totoong si Paulina ang kasama niya noong nasa isla pa siya.
She feels so real.
Even if he's hurting, he can't help but say thanks too. Dahil kahit na wala na pala ang nobya ay nakasama niya pa rin ito sa isla. Hindi pa rin siya nito iniwanan. Hindi siya nito hinayaang mag-isa sa isla. Even in death ay siya pa rin ang inalala nito.
"Forever, my love."
"I love you too, Paulina. Forever."
Biglang lumamig ang paligid ni Roman. Bahagya ring lumakas ang simoy ng hangin. Napangiti na lamang siya at tumayo ng matuwid. Tinitigan niya ang larawan ni Paulina na nasa gitna ng puntod nito at kinuha iyon.
Niyakap niya ito ng mahigpit at pumukit na para bang si Paulina talaga ito. Ninamnam niya ang sandaling iyon. Lalo siyang napangiti nang maalala ang nakangiting mukha ni Paulina habang nakapulupot ang dalawang kamay nito sa kanyang batok. Tapos ang kanyang dalawang kamay naman ay nasa baywang nito.
"I love you, Roman," ani Paulina. "Forever... My love."
"I love you too, My love... Forever," aniya at dinampian ng halik ang labi nito.
THE END.
© All rights reserved