Chapter 9
‘Patay na si Paulina?’
Pilit na prinoseso ni Roman sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ina.
“Wala na siya anak. Hindi siya nakaligtas noong tumaob ang lifeboat niyo. Actually, sa lahat ng mga nakasakay ay ikaw lang ang nakaligtas,” paliwanag ng kanyang ama.
“N-No! That can’t be true! She was with me dad!” tutol ni Roman. Sunod-sunod nang tumulo ang kanyang mga luha.
Hindi siya makapaniwala na wala na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan. Imposibleng patay na ito dahil kasa-kasama niya ito noong nasa isla pa siya.
Nilapitan siya ng kanyang ina at niyakap. “I’m sorry, Roman Sorry.”
“N-No… no!” bahagya niyang itinulak ang kanyang ina. “Where is she? I want to see her!” Hinugot niya ang dextrose na nakakabit sa kanyang kanang kamay.
“Roman! Stop it!” Pinigilan siya ng kanyang ama noong nakatayo na siya. “She’s dead!”
“No! Pinagti-tripan niyo ba ako?! Hindi siya patay! Kasama ko siya sa isla! Ilang araw kaming magkasama sa isla! Nakita ko pa siya noong may nag-rescue na sa akin.”
“Yes!” Hinawakan siya sa magkabilang braso ng kanyang ama at iniupong muli sa kama. Lumapit naman ang umiiyak niyang ina para pahupain ang dumudugong kamay niya dahil sa pagkakahugot niya sa karayom.
“She’s with you all the time but she’s already dead, Roman. Katabi mo siya noong nakita ka ng mga rescuer.” Bahagyang tumigil ang kanyang ama na tumutulo na rin ang mga luha. “Katabi mo ang bangkay niya.”
“No…”
“Kuya… nasa ibaba si ate. Sa morgue, hinihintay ka lang naming na magising para makabalik na tayo sa pinas,” singit ng kapatid niyang babae.
“I want to see her. I don’t believe you! She’s alive!” Halos hindi na niya makita ang kanyang ama sa labis na pagiyak. Hindi niya matanggap na wala na ang kanyang kasintahan. At hindi siya maniniwala hanggat hindi niya nakikita ang katawan nito.
Hindi. ‘She’s alive.’
Noong kumalma na siya ay sinamahan siya ng kanyang magulang papunta sa morgue para makita ang nobya. Pagkarating nila roon ay andoon sa labas ng kwarto ang magulang ni Paulina.
“R-Roman…” Agad na niyakap ng mommy ni Paulina si Roman. “I’m sorry, son. Thank you…”
“Why are you crying? She’s alive. She can’t be dead,” puno pa rin ng pagasang sabi ni Roman.
Lalong lumakas ang iyak ng magulang ni Paulina. Maging ang kanyang mga magulang ay muling umiyak. Alam nila kung gaano magmahalan ang dalawa kaya nauunawaan nila kung bakit hindi matanggap ng binata ang sinapit ng kasintahan.
“S-She’s in there.” Umiiyak na itinuro ng tatay ni Paulina ang pintong katabi lamang nila.
Nang mapalingon si Roman doon ay binundol siya ng labis na kaba. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintong iyon at binuksan ito.
Bumungad sa kanyang ang mahabang lamesa sa pinaka gitna ng silid. Mayroon doong nakahigang katawan na nababalutan ng putting tela. Agad na napalunok si Roman nang makita iyon.
Huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa kung sino mang nakahiga roon. Hindi niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot at labis na sakit.
‘She can’t be her.’
Muling tumulo ang kanyang mga luha. “Hindi ikaw si Paulina,” aniya at marahang tinanggal ang telang nakatabing dito. “Oh God!” Napatingala si Roman nang mapagsino ang nakaratay.
Si Paulina.
“N-No… You’re not Paulina!” Malakas niyang sabi. “Y-You’re not… No!” Humagulhol na siya. Panay ang kanyang iling habang nakatingin sa bangkay na nasa harapan niya.
Hindi siya makapaniwala na patay na talaga ito. Paanong mangyayari iyon? Noong nasa isla sila ay buhay na buhay ito. Ang dalaga pa nga ang nagalaga sa kanya noong nagkasakit siya. Kung hindi dahil dito ay paniguradong patay na siya.
“P-Paulina… wala namang ganyanan oh? Tumayo ka riyan. Buhay ka ‘di ba? Magkasama pa tayo sa isla.” Sinapo niya ang pisngi nito.
Humpak na iyon at nanunuyot na rin ang balat niyo. Ang ilalim ng mga matang nakapikit ay lubog na. Wala na ang dating masigla at may buhay nitong mukha. Sobrang putla na rin ang kulay ng balat nito.
“No… Paulina! Hindi mo ako pwedeng iwan! Paano na ako?” Tumigil siya at niyakap ito. Hindi niya alintana kung isa na itong malamig na bangkay.
“Mahal na mahal kita, Paulina! Ahh! Hindi ko kaya!”
Hindi niya kaya. Hindi niya matanggap na wala na ito. Hindi niya kakayanin na wala ang dalaga. Paano na siya ngayon? Paano pa siya magpapatuloy sa buhay niya? He sworn to be with her until the very end. Pero hindi pa ngayon.
She was so alive noong nasa isla pa sila. Nayayakap niya iyon at nakakausap. Nahalikan pa nga niya ngunit bakit ngayon ay patay na siya? Hindi niya maintindihan.
Ayaw niyang tanggapin na wala na ito.
Sabay niyang binuo ang hinaharap niya kasama ang dalaga. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na hindi na niya ito makakasama sa pagtanda.
‘Hindi ko kaya Paulina… How can I go on if you’re not here anymore? I can’t. Please take me too. This whole life will be damned without you. I love you, Paulina. I will always love you. Forever, My love.’