Quattro

1368 Words
Chapter 4 Day 3 “Paulina?” nanlalaki ang mga mata ni Roman nang mapag-sino niya ang dalagang nakatayo sa may dalampasigan. 'Pagka gising niya kasi ay mayroon siyang nakitang pigura. Dali-dali niyang nilapitan ito at halos mahigit niya ang kanyang hininga nang makita ang kasintahan.  “Paulina! Oh my God!” Niyakap niya agad ng mahigpit ang dalaga. “I've been waiting for you. Ano'ng nangyari sa 'yo? I thought I will never see you again!” lumuluhang sabi niya.  Naramdaman niyang gumanti ng yakap si Paulina.  “S-Sorry...” garalgal ang boses na anito.  Lalo namang hinigpitan ni Roman ang yakap sa kasintahan. “It's okay. Ang importante ay andito kana. Kasama na ulit kita.” Tinanggal niya ang pagkakayakap kay Paulina at sinapo ang magkabilang pisngi nito. “I will never let you go again. I'm sorry.” “No. You don't have to say sorry. It's not your fault, Roman.”  Umiling-iling siya at sinabing, “It is, Paulina. Kung hinawakan kita ng mahigpit hindi sana tayo magkakahiwal- “ “Shh...” Pinutol ni Paulina ang sinasabi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. “Always remember that it's not your fault, my love.” Ngumiti ng mapait ang dalaga. Hindi naman mawari ni Roman kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa sinabi ng dalaga. Para bang ang bigat ng sinabi nito at hindi niya matanggap. Pinilit niyang ngumiti. Ang importante ay andito na ang dalaga.  Magkasama na ulit sila.  Inakay na ni Roman si Paulina sa ginawa niyang kubo. Nasa may bungad lang iyon ng gubat kaya matatanaw pa rin ang malawak na karagatan. Naisipan niyang sa itaas ng isang punong malaki niya ilagay ang maliit na kubong kanyang ginawa. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga kahoy na naipon niya para maging sahig. Mayroon siyang mga nakitang mga baging doon kaya iyon ang ginamit niya pangtali. Pagkatapos ay gumawa siya ng bubong gamit ang mga dahon ng buko kagaya ng ginagawa ng kanyang mga lola sa probinsya.  Hinila niya ang hagdan na gawa sa mga baging at kahoy para makaakyat sila sa kubo. Inalalayan niya si Paulina paakyat pagkatapos ay sumunod siya rito.  “Ano'ng nangyari sa 'yo, Paulina?” tanong niya sa kasintahan habang pinagmamasdan ito ng maigi. Ngayon lang niya napansin na may suot pa pala itong lifevest. Dahan-dahan siyang lumapit dito at akmang tatanggalin sana iyon ngunit umatras si Paulina. “H-Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari. Nagising na lang ako andito na ako sa isla,” malungkot na sambit nito.  Bumuntong hininga siya. “I'm sorry... kasalanan ko talaga 'to.” Ikatlong araw na niya sa isla, ibig sabihin ay magtatlong araw na nagpalutang-lutang ang dalaga sa dagat. O kaya naman ay... “Ilang araw ka nang andito sa isla?”  Tinitigan siya ni Paulina sa mga mata. Kumibot-kibot ang labi nito na para bang may gustong sabihin ngunit pagkadaka ay umiling-iling ito. "H-Hindi ko alam, Roman. Nagising ako andito na ako sa isla," ulit nito. "R-Roman... wala kang kasalanan. Tandaan mo 'yan. Mahal na mahal kita." Natigilan bigla si Roman sa huling sinabi ni Paulina. Muli ay nakaramdam siya ng kirot na hindi niya alam kung bakit. Marahil ay kahit ilang beses nitong sabihin na wala siyang kasalanan ay ganon pa rin ang pakiramdam niya. Kung iisipin lang niya ang pinagdaanan nito ay parang dinudurog na siya. Sa dalawang araw na andito siya sa isla ay hindi niya talaga nakita ang dalaga. Imposibleng hindi niya ito makikita dahil napakaliit lamang ng islang ito. Iniisip niya pa lang na nagpalutang-lutang ito sa gitna ng karagatan ay nakakaramdam na siya ng awa para rito. Hinawakan niya ang kamay ni Paulina at sinakop iyon ng isa niyang kamay. “No, kung hinawakan sana kita ng maayos hindi na sana tayo nagkahiwalay pa. Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan ka? I don't know how many times I walked around this island hoping that I will see you here somewhere. Everyday... every day I blame myself.” Napahagulhol na siya.  Kinuha ni Paulina ang mga kamay ni Roman at saka sinapo ang magkabilang pisngi. “Wala kang kasalanan, Roman. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kaya don't blame yourself. Makakaalis ka rin dito,” anito at ngumiti ng mapait.  Lumuluhang napapikit si Roman at dinama ang malambot na palad nito. Hindi niya kaya... hindi niya kakayanin kapag mawala ito sa kanya. Sobrang laki ng pasasalamat niya sa Diyos at kasama na niya ulit. Ipinapangako niyang gagawa siya ng paraan para makaalis sila rito. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagdesisyon na si 'yang kumuha ng kanilang makakain. Nagpaningas muna siya ng apoy pagkatapos ay naghanda na para manghuli siya ng mga isda. Alam niyang gutom na si Paulina kaya hahandaan niya ito ng pagkain.  “Ito, isuot mo muna itong damit.” Inabot ni Roman ang malaking gray na T-shirt. “Inanod din ito rito sa isla. Galing ata sa barkong sinasakyan natin.” Tiningnan muna iyon ni Paulina bago kinuha. Para bang nagdadalawang-isip pa ito.  “Kukuha na ako ng makakain natin. Pagkatapos mong magbihis doon ka muna sa may bonefire. Wait for me there,” aniya at nginitian ang nobya.  Tumango lamang si Paulina sa nobyo at ngumiti ng kaunti. Lumakad na si Roman papunta sa dagat. Sa sandaling andito siya sa isla ay kahit papaano ay nasasanay na siya sa pangingisda. Medyo nakaka-adjust na rin siya sa buhay rito sa isla. Kailangan na lamang niya ngayon ay maasikaso ng maayos ang nobya. Alam niyang labis itong nahirapan sa nangyari sa kanila.  Marami-rami rin ang na sibat ni Roman na mga isda. Dahil na rin siguro sa walang nakatira sa islang ito kaya marami pa ring mga yamang dagat na andito. Nilinis niya agad iyon at dinala na sa tabi ng kanyang kasintahan.  Nakaupo lamang ito sa malaking bato sa harap ng bonefire na kanyang ginawa at pinagmamasdan siya. Hindi mawala ang kanyang mga ngiti dahil sa nakikita na niya ito. Kung hindi lang sana sila galing sa lumubog na barko ay mas maganda na sana kung dito na lamang niya ito ititira. Mas maganda pang tumira rito kesa sa magulong lungsod.  Pagkatapos niya ay kumuha naman siya ng mga buko para kanilang mainom. Hinanda na niya ang mga isda para maluto na niya iyon.  Tumabi niya kay Paulina habang hinihintay na maluto ang isda.  “Ganito lang ang ginagawa mo rito sa isla?” tanong ni Paulina sa kanya.  Tumango siya. “Oo. Naisip ko kasing kailangan kong makapag-adjust mabuhay dito para makita kita. Kailangan ko ng lakas.”  “Tama 'yan.” Ngumiti ng ubod ng tamis si Paulina.  “Salamat,” aniya at tiningnan ang nobya. Bahagyang kumunot ang makinis nitong noo. “Para saan?” “For coming back to me. You know that I can't live without you, Paulina.” Huminga siya ng malalim. “Mamatay ako kapag mawala ka.” Nawala ang matatamis na mga ngiti ni Paulina at napalitan ng lungkot. Dahan-dahan siyang tumungo para hindi makita ng kasintahan ang pagtulo ng kanyang luha.  “Don't say that, Roman. You have to live.”  “I can't, Paulina. Hindi ko talaga kakayanin. I love you so much.” Muli ay nangilid ang mga luha ni Roman. Sobrang mahal na mahal niya ang dalaga. He can't see himself without Paulina. She is his past, present, and his future. He can't go on without her. Para namang dinurog si Paulina dahil sa sinabi ng kanyang nobyo. Mahal na mahal niya rin ito at hindi niya rin kakayanin kapag mawala ito sa kanya. Pero kung siya man ang mauuna ay hindi niya gustong maging miserable ito dahil sa kanya. Gusto niyang ipagpatuloy pa rin nito ang buhay niya kahit hindi na siya kasama roon. Matapos ang nangyari sa kanila ay dapat silang maging handa.  “I know, Roman. Ganon din ako. Pero ayokong maging miserable ka. Kaya please, don't say that. Don't blame yourself sa mga nangyari, okay?” pangungumbinsi niya.  Hindi umimik si Roman at pinagpatuloy lamang ang pagluluto. Ayaw niyang pakinggan ang sinasabi ng kasintahan dahil hindi niya talaga kakayanin kapag mawala ito.  Mahal na mahal niya ito kaya kahit sa kamatayan ay sigurado siyang susundan niya ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD