Cinque

882 Words
Day 5 “Paulina...” tawag ni Roman sa kasintahang nakatayo lang sa may dalampasigan at nakatanaw sa malawak na karagatan. Suot nito ang asul na t-shirt na nakuha niya sa bag kanina. Masyadong malaki ang suot nito kaya nagmukha itong bestida sa dalaga. Hindi siya nito nilingon. Simula noong nagkita silang muli ay naging tahimik na ito. Hindi man niya gustuhin ngunit hinahanap hanap niya ang pagiging makulit nito. Iniisip na lamang ni Roman ay mayroon pa itong trauma kaya ito ganito. Tumabi siya kay Paulina. Blangko ang ekspresyon nito habang nakatanaw sa dagat. Kahit na namumutla ito ay mababakas pa rin ang maganda nitong mukha. Bahagyang nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata nito. Bumuntong hininga si Paulina. “Sa tingin mo... hanggang kailan tayo rito?” tanong bigla ni Paulina. Napalunok si Roman. Sa totoo lang hindi niya alam kung hanggang kailan sila rito. Ilang araw na silang andito ngunit wala pa rin silang nakikitang pag-asa na makakaalis pa sila rito. “Makakaalis din tayo rito,” aniya at inakbayan ang kasintahan. “Oo.” Ipinulupot ni Paulina ang kaliwang kamay sa baywang ni Roman. “H'wag kang magalala... hindi kita iiwan hanggat hindi ka nakakaalis dito.” “Ano ka ba? Sabay tayong aalis dito.” Hindi na sumagot pa si Paulina sa kasintahan. Pinagmasdan na lamang niya ang mukha nitong nakangiti. Lubos ang kanyang pasasalamat na kasama niya ito ngayon. Lumipas ang ilang sandali ay nagdapit hapon na. Naghanda na si Roman para muling mangisda para sa kanilang hapunan ni Paulina. “Tulong ako.” Kinalabit ni Paulina ang kasintahang palusong na sa dagat. Nilingon ito ni Roman. “Ha? Saan?” “Mangisda?” “H'wag na... Ako na ang balaha.” Lumabi si Paulina. “Sige na... nabo-boring na ako eh.” Bumuntong hininga ni Roman ang hinarap ang kasintahan. “Sige. Pero dito ka na lang... ako na sisisid. Baka mapano ka pa eh.” “Nakalimutan mo na bang marunong akong lumangoy?” “Per- “ Hindi na natuloy pa ni Roman ang sasabihin niya dahil bigla na lamang inagaw ni Paulina ang sibat na hawak niya at tumakbo palayo sa binata. Napamaang naman si Roman habang pinapanood ang nobya. Nasa gilid lamang ito ng dalampasigan at tumatakbo. Winawagayway nito ang sibat na hawak nito. “Ikaw ha!” natatawa niyang sabi at hinabol ang kasintahan. Tumitiling binilisan ni Paulina ang pagtakbo. “Habulin mo 'ko!” tumatawang sigaw niya. “Andyan na ako!” Binilisan pa ni Roman ang pagtakbo niya at ilang sandali lang ay naabutan niya rin ang nobya. Mabilis niyang ipinulupot ang dalawang kamay sa baywang nito. “Roman!” tili ni Paulina. “Huli ka!” natatawang sabi niya at hinarap sa kanya ang kasintahan. Ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig at pinagmasdan ang mukha nito. His beats faster as he looks deep in her eyes. “I love you, Paulina. I will always love you, always.” Paulina smiles sweetly at him. “I love you too, Roman. Forever... death can never take us apart.” She stops and stared at his boyfriend's brown eyes. “Forever, my love...” she said sincerely and look at his lips. Binasa ni Roman ang kanyang mga labi at unti-unting inabot ang mga labi ng nobya. Ngunit natigil iyon nang makarinig sila ng malakas na tunog. Sabay silang napalingon sa langit dahil papalakas nang papalakas ang malakas na tunog ng isang makina. “H-Helicopter ba iyon?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni Roman. Naghiwalay sila at hinanap kung saan nagmumula ang tunong. “Roman! Ayun!” Itinuro ni Paulina ang kulay itim na helicopter na dadaan sa ibabaw ng gubat. Mababa lang ang lipad nito kaya kita mo ang pagsayaw ng mga puno. “Oo nga!” Bumilis ang t***k ng puso ni Roman. “Dito! May mga tao rito! Tulong!” malakas niyang sigaw. “Help!” sigaw rin si Paulina at kinampay-kampay ang mga kamay habang natalon-talon pa. Papalapit na sa kanila ang helicopter kaya mas nilakasan pa nila ang pagsigaw. “Help us! May tao rito! Tulong!” sigaw ni Roman. Ngunit bahagya siyang natigilan dahil hindi nagbabago ang takbo ng helicopter. “H-Hindi...” aniya at kumuha ng bato. Binato niya ang sasakyan ng malapit na ito sa kanila. Tumama iyon sa may landing skid ng sasakyan ngunit hindi manlang natinag ang kung sino man ang nagpapatakbo niyon. “Tumigil kayo! May tao rito!” malakas niyang sigaw. “Tigil!” Napaluhod si Roman habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyang panghimpapawid. “H-Hindi...” Mabilis siyang dinuluha ni Paulina at niyakap siya. Umiling-iling siya. “H-Hindi... bakit hindi sila tumigil? Hindi ba nila tayo nakita?” Napahagulhol na si Roman. “Ssshh... nakita nila tayo Roman. H'wag kang mawalan ng pagasa,” ani Paulina at mahigpit siyang niyakap. Gumanti ng yakap si Roman sa nobya. Hindi niya malubos maisip kung bakit ni hindi manlang sila tinigilan ng sasakyan. Mababa ang lipad nito ngunit hindi manlang ba nila nakita ang dalawang taong kinakawayan sila? Halos hingalin na si Roman sa pag-iyak dahil sa sama ng loob na kanyag nararamdaman. Parang nawalan siya bigla ng pag-asa na makaalis pa sila rito ni Paulina. ‘Paano na kami? Paano na kami makakaalis dito? Paano na si Paulina?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD