Chapter Two

1296 Words
"Meron akong tickets para sa movie ni Flare McQueen. Tara, Janelle! Manuod tayo at nang makapag-relax ka naman kahit sandali!" Janelle felt the sudden rush of blood into her veins as her aural sense caught that name. "S-si Flare?" Kasabay nito'y muli niyang naalala ang mundong madalas niyang tunguhin - her seventh heaven - a place where she doesn't have to be proper. An imaginary world where she could act freely and be with Flare - the man of her wildest and most erotic dream. "Janelle! Nakikinig ka ba?" Janelle almost leaped from her leather chair as Katya thudded her palm on her working table. She folded her laptop hastily and glared at her friend. "Katya! Bakit ka ba nanggugulat?" she yelled. Katya flopped into the swivel chair and sighed. "Hindi ko maintindihan Girl, ikaw ang boss dito sa boutique pero kung makapag-OT ka, daig mo pa ang may pinapakain na sampung bata. 10pm na kaya!" "Hindi ako pwedeng mag-relax, Katya. Malapit na ang first anniversary ng J's Apparels at may inaabot kaming quota bago dumating ang araw na 'yon. I should not go easy on things lalo na, marami ang ka-compete namin dito sa Royal Mall," Janelle elucidated, tapping a ballpen on the table. "Okay. Lagi talaga akong talo sa pakikipag-debate sa'yo. Pero hindi naman talaga ako bumaba dito sa ground floor para demonyohin ka sa office mo," Katya said, grinning. "What do you mean?" "Hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko manonood tayo ng movie ni Flare McQueen! Minsan lang akong manlibre kaya tumayo ka na d'yan!" "No, Katya. Hindi ako pwede ngayon. Nakikita mo naman siguro, tambak ang POs ko. Besides, I feel tired." "Eh, pa'no ka naman hindi mapapagod? Seven pa lang ng umaga, nandito ka na. Mas maaga ka pa nga sa mga employee mo." Marahang humarap si Janelle kay Katya at tinaasan ito ng kilay. "Do I need to repeat it? Sabi ko--" "Fine! Hindi mo na kailangang ulitin." Tumayo si Katya at tinungo ang banyo. "Ngayon lang naman, eh. Hindi naman aabot sa dalawang oras 'yong movie. Pagkatapos n'on, pwede ka namang bumalik kaagad dito sa boutique at kahit dito ka na tumira, hindi na kita kukulitin," ani Katya. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng banyo ang kanyang boses. Natigilan sa pagmamasahe ng sarili si Janelle. She folded her knees and rested her back against the chair. "Another piece of him and another torture," she whispered as she sensed the pain prickling inside her chest. "Anong sabi mo?" bungad ni Katya nang lumabas siya sa banyo. "N-no, Katya." Janelle shrugged her shoulders as if she doesn't care. "Sorry, but I got more important things to do." Unti-unting naglaho ang ngiti ni Katya na parang natalo sa isang mahalagang kaso. Muli siyang tumabi kay Janelle at tinapik ang kaibigan sa balikat. "Sa tingin ko Girl, nag-e-excuse ka lang. May iba pang dahilan ang pagiging workaholic-to-death mo," saad ni Katya. Janelle sighed in irritation and said, "Katya, heto na naman-" "Ginagawa mo 'to para makalimutan si Noah. Tama ba ako?" "That's not true..." ani Janelle na biglang umiwas ng tingin. "Talaga lang ha? Sige. Ikaw ang bahala kung idi-deny mo 'yan hanggang doom's day. Pero kilala kita, Janelle. Hindi mo pa rin nakakalimutan ang gagong 'yon." "Please don't call him like that." "Bakit hindi? 'Yon naman ang totoo, ah! Gago siya kasi basta-basta ka na lang niyang iniwan..." Humugot ng malalim na hininga si Janelle. "Katya, stop. I don't wanna hear about him ever again," she said, covering her flushed face using her palms. Yumuko si Katya at walang patid na umiling. "Okay! S-sorry. Kasi naman, nakita ko kung paano mo iniyakan ang loko na 'yon. Naaalala ko pa n'on, lagi kitang naaabutang nagmumukmok kapag pumupunta ako sa bahay mo. Kaya tuloy kahit ako, hindi pa rin nakaka-move on." Ibinalik ni Janelle ang mapagkalingang haplos sa balikat ng kaibigan at pilit na ngumiti. "Don't worry, Katya. I'll be fine. Makakalimutan ko rin siya." Sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Katya. Ngumiti siya na halos mapunit na ang mga labi. "Talaga? Eh, 'di sasamahan mo na ako? Sige na naman! Manood na tayo ng movie! Kay Flare mo na lang ibaling ang pagtingin mo. Saka narinig ko, pupunta raw siya ngayong gabi kaya makikita na natin siya sa personal!" pamimilit ni Katya habang hila-hila ang braso ni Janelle. "I really can't, Katya." "Kahit kailan talaga, kill joy ka!" Itiniklop ni Katya ang mga braso sa kanyang dibdib at dismayadong umiling. "Si Flare McQueen na 'yon, Girl! Bakit dini-dedma mo pa rin? Alam mo, ikaw lang ang kilala kong babae na walang interes sa kanya. Lahat kami nagkakagulo na sa kanya, pero ikaw..." Umiling na lamang si Katya na nakatulis ang nguso. "You go, okay. Busy talaga ako ngayon. Sige next time, sasama ako sa'yo." "Sabi mo 'yan, ha!" ani Katya sa nabuhayang tono. "Pag tumanggi ka sa susunod, kakaladkarin na talaga kita palabas sa opisina mo!" Hindi napigil ni Janelle ang matawa. "Sige. I'll give you the right to do that. But for now, lumayas ka na muna sa office ko or else ipapatawag ko na ang guards," pagbibiro niya habang nakaturo sa pinto. "Fine!" Hinawi ni Katya ang buhok niyang hanggang batok. "Pero kung si Flare McQueen ang guard na 'yan, sasama talaga ako sa kanya at hindi mo na ako makikita rito!" dagdag niya sabay kindat. Mahigit isang oras na ang nakalipas nang umalis si Katya. Ngayo'y inililigpit na ni Janelle ang huling folder na sinuri niya ngunit kanina pa siya naghihikab. "At last, makakauwi na ako," bulong ng halos namamaos niyang tinig. Isang sandali pa'y napahinto siya sa pagkakandado ng drawer at ipinihit ang namumungay na mga mata sa pintuan. "Tapos na kaya ang pinapanood niya?" Bahagya siyang nagsisisi dahil hindi nagpatangay sa kakulitan ni Katya. Kung alam lang nito, mas malala pa ang paghangang nadarama niya para kay Flare. Hindi man niya ipinapahalata, sa tuwing magpapakita ng katawan si Flare, halos mawalan din siya ng kontrol. Kung may kapangyarihan nga lang na tumunaw ang kanyang mga titig, matagal nang hinahanap ng ibang mga kababaihan ang aktor. Gayumpama'y minabuti na lang niyang itago ang sikreto sa pinakamalalim na wardrobe. Dahil habang nakikita niya ang imahen ni Flare sa larawan man o video, lalong nadaragdagan ang dinadala niyang kabiguan. Lalo ring lumalalim ang pagtingin niya para rito. "Ano 'yon?" Naputol ang pag-mumuni-muni ni Janelle nang makarinig ng kalabog mula sa labas ng kanyang opisina. "s**t, baka hindi nai-lock ni Katya ang main door kanina. Baka may nakapasok na sa boutique!" Awtomatikong kumilos ang mga paa ni Janelle at walang ingay na tinungo ang pinto. Sa kabutihang palad ay nakahinga siya nang maluwag nang mamataan ang kalagayan ng boutique. Maayos pa ring nakatupi ang mga polo at blouse sa mga estante at unat na naka-hanger ang mga pantalon at palda sa kani-kaniyang closet. "Thank God..." kalmado niyang bulong. Ngunit halos tumigil ang kanyang paghinga nang bumagsak ang isang manekin na nasa likod niya. Sinikap niyang tumili ngunit nabigo siya nang may kumabig sa kanyang baywang at tumakip sa kanyang bibig. Somebody, please help me! sigaw niya sa sariling isipan. Dahil sa labis na pagkatakot, ipinikit ni Janelle ang kanyang mga mata. Naramdaman na lamang niyang hila-hila na ang kanyang braso patungo sa loob ng kanyang opisina. "Miss, open your eyes. I'm not gonna hurt you!" Ito ang narinig ni Janelle matapos sumara ng pinto. "'Wag kang matakot. Hindi ako magnanakaw." That voice.  Impossible, she thought, analyzing the familiar deep sound. "Miss. Please open your eyes. Hindi ako masamang tao, okay?" Slowly, Janelle removed her hands covering her face and her eyes grew wide upon seeing the man in front him, gazing at every cell of her face. "F-Flare McQueen?" TO BE CONTINUED PLEASE VOTE AND COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD