Chapter Three

1559 Words
"Yeah. It's me..." Sa kabila ng malamig na buga ng aircon sa opisina, dama ni Janelle na umiinit ang kanyang mga pisngi. But her natural blushing made her more pretty, dahilan kung bakit mas lalong natuon ang mga mata ni Flare sa kanyang mukha. "May I know your name, Miss?" malambing na tanong ni Flare. Napansin niyang may ilang hibla ng buhok ang tumatakip sa pisngi ni Janelle. Kaya hinawi niya ang mga ito upang mapagmasdan niyang maigi ang mukha ng dalaga. Is it really him? Si Flare McQueen? Nasa harapan ko? Janelle collected in some air and stopped from breathing. Now she's beginning to doubt if her body was in her seventh heaven or not. But seeing those in and out trays on her table made her realize that she was not hallucinating, nor fantasizing. Gusto niyang kurutin ang sariling palad, o di kaya'y sampalin ang sariling mukha, makasiguro lamang na wala siya sa imahinasyon ngayon. "Hey, are you okay?" Bagamat mabagal ang pagkakatanong ni Flare, napasinghap pa rin si Janelle sa pagkagulat na tila tinapunan ng paputok sa kanyang mga paa. "Y-yeah..." tugon niya na wari'y kinukulang sa hininga. "Buti naman. But you still look pale. Nanlalamig pa 'tong mga palad mo." Malamig ang mga kamay ko? Paano... Dahan- dahang iniyuko ni Janelle ang mukha at wala sa sariling napaawang ang mga labi. "Oh!" aniya nang makitang pinipisil na ni Flare ang mga kamay niya. "It's okay! I'm okay!" sabi niya sabay hatak ng sariling mga kamay saka ibinaon sa dibdib niya. "Oh, sorry. I thought you're having a nerve break down, that's why I applied pressure to your palms," paliwanag ni Flare. Ngayo'y unti-unti nang nahihimasmasan si Janelle. Bumalik na rin ang normal niyang paghinga at mabagal na pintig ng puso. "It's okay..." Muling umangat ang mukha niya at pinagmasdan ang aktor. Despite its worried expression, she could still sense his intimidating but pleasing aura. It's overfilling the room which made her step backwards. "I... I was just terrified a while ago. A-akala ko talaga... pinasok na ng magnanakaw ang--" "Janelle?" Nanlaki ang mga mata ni Janelle nang marinig na may tumatawag sa kanya mula sa kabilang pinto. "s**t! Nasa labas si Katya!" Pumihit ang mukha niya rito ngunit agad ding napalingon sa harapan nang maramdaman ang sariling pisngi na nakakulong sa mga palad ng aktor. "W-what are you doing, Flare?" "Look, Miss... Please don't tell anyone about me," bulong nitong halos wala nang marinig. "But why?" Mariing umiling si Flare. "Basta... I'll explain to you later. For now, please help me get away from anyone..." Hinawakan niya sa mga braso si Janelle at halos idikit na ang mukha sa dalaga. "Please..." Pakiramdam ni Janelle ay nakapiit siya sa selda. Ngunit sa pagkakataong ito'y ito ang klase ng pagkakabilanggo na hindi niya nanaising makalaya. "S-sige." Marahan niyang itinulak ang aktor at hinawakan ang door knob. "Just relax here. I'll talk to Katya. Don't worry, I'm not gonna spill you out." Lumabas si Janelle at naabutan niyang itinatayo ni Katya ang natumbang manekin. Nang makita siya nito'y halos lumuwa ang mga mata nitong pinahapyawan siya mula ulo hanggang paa. "Girl! Anong nangyari rito!" "None... Nothing. Nasagi ko 'yan kanina paglabas ko. Nakalimutan ko lang ibalik sa dati," ani Janelle sabay pilit na tumawa. Kunot-noo na natigilan si Katya. "Talaga? Kailan ka pa naging makakalimutin? Saka ingat na ingat ka sa mga manekin dito 'di ba? Kulang na lang papaliguin mo araw-araw. Bakit hinayaan mo lang na--" "So, Why are you here? I thought you're watching movie? Tapos na ba? How was it?" sunod-sunod na sabat ni Janelle. "Oo. Tapos na 'yong movie kanina pa," nakasimangot na sagot ni Katya. "Really? Pero bakit parang hindi ka satisfied? Was it bad?" Muling lumingon si Katya sa kanya. Nangingislap ang mga mata nito at mukhang tutuluan ng mga luha. "It's the best! Feeling ko ako 'yong girlfriend ni Flare sa movie! Then I saw him, Janelle! Nakita ko si Flare! Kaso puro reporters saka mga loka-lokang babae ang nakapaligid sa kanya! Nahirapan akong lumapit. Tapos nang lalapit na ako, nawala naman siya! Hindi ko man lang nahawakan kahit laylayan ng tuxedo niya!" Napapailing na lamang si Janelle habang pinagmamasdan ang kaibigan na niyuyugyog ang manekin. Sa lakas ng pagkaka-alog nito'y nahuhulog na ang wig pati mga braso. "O-okay lang 'yan, Katya. You'll see him again next time." "Talaga?" ani Katya sabay singhot. "O-oo naman. Marami pa naman yata siyang pupuntahan na malls." "Right. Sige. Stalker mode ako ngayon! Pero teka nga..." "Ano na naman ba?" ani Janelle na tila nawawalan na ng pasensiya. "Bakit pala nandito ka pa? Oo, alam ko work worm ka pero hindi ka naman nagpapa-abot ng 12am." "Ah..." Muling kinagat ni Janelle ang mga labi at luminga-linga. "Pauwi na rin ako pero--" "Eh di tara na! Mag-lock ka na para makauwi na tayo. Ayokong umuwi nang mag-isa ngayon. Mahirap maghanap ng taxi kaya sasakay ako sa car mo." "P-pero..." Napa-atras si Janelle at napahawak sa door knob ng opisina. "Pero ano nga?" Panandaliang nagkaroon ng katahimikan nang sumabat ang nagri- ring na cellphone ni Katya. Mabilis niya itong kinuha sa bag at nakangiting sinagot. "Hello? Oo kakalabas ko lang sa sine. Yeah. Yeah. O, sige, sige! Hihintayin kita sa parking lot ha! Bye... Love you too..." Pigil siyang tumili. Nagtatatalon siya at pinisil ang mga kamay ni Janelle. "Kakalabas lang ng boyfriend mo galing shift?" nakangiting tanong ni Janelle, ngunit naririnig pa rin niya ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. "Oo, Girl! Susunduin daw niya ako!" anitong inilabas ang pressed powder at lipstick sa bag. "Okay ka lang ba kung mauuna na ako? Gusto mo, ihahatid ka muna namin ng boyfriend ko." Awtomatikkong napailing si Janelle. "No! I mean, okay lang ako. Saka minsan ka lang magkakaroon ng time sa kaniya, 'di ba? Lagi naman tayong magkasama." "O, sige, Girl. Aalis na ako ha! Kung wala sana akong sundo ngayon, hindi ako aalis dito hanggang hindi ka pa umaalis." Humalik siya sa mga pisngi ni Janelle at tinungo na ang labasan. "Text ka 'pag nakauwi ka na ha. Bye." "Bye..." Tila nabunutan ng malaking tinik kung magbuntong-hininga si Janelle. Muli niyang pinihit ang doorknob ngunit nagtatanong pa rin siya sa sarili kung totoong naroon ba talaga sa opisina niya si Flare. "Oh, s**t!" Patakbong lumapit si Janelle sa mesa nang maabutan niyang nakaupo roon si Flare na hawak-hawak ang laptop niya. Kung pagmamasdan ang aktor, tila isa siyang CEO dahil sa eleganteng suot nito. Bukod dito'y nakapatong sa mouse ang kanang kamay nito at walang kurapan na nakatitig sa monitor. "What are you doing!" sigaw ni Janelle sabay tiklop sa monitor. "Nothing. Nakasaksak kasi ang smartbro mo. So I decided to open up google. Sigurado akong may bago na namang balita tungkol sa 'kin kasi tumakas ako sa premier night," paliwanag ni Flare habang nagtatakang nakatingin kay Janelle. "Sorry. But don't worry. If you're hiding something from there, I didn't see it, alright?" dagdag niya sabay ngisi. "Wala akong tinatago okay," sagot ni Janelle habang inilalagay sa bag ang laptop. Inilapag niya ito sa center table at muling humarap kay Flare. Ngunit pinili niyang umupo sa sopa na malayo sa aktor. "This is your time to explain. Anong ginagawa mo rito, samantalang marami yatang naghahanap sa'yo ngayon?" "I know..." Tumayo si Flare at marahang lumapit sa sopa. Bawat yabag mula sa kanyang black leather shoes ay nagdudulot ng mabilis na pintig ng puso ni Janelle. "Gusto ko lang naman sanang magpahinga kahit sandali." Umupo siya sa tabi ni Janelle at ipinatong sa sandalan ng sopa ang braso niya. Kaunting kilos na lang at maaakbayan na niya ang dalaga. "Then I saw this boutique. Kaya naisipan kong pumasok dito." "Siguro naman nakapagpahinga ka na, Mr. McQueen. I'm not being impolite pero I need to close this shop now. Uuwi na ako," ani Janelle sabay pasimpleng umusog papalayo. "Pero hindi ko pa nakukuha ang pangalan mo." Tumayo si Flare at muling umupo nang mas malapit kay Janelle. Ngayo'y wala nang gagalawan pa ang dalaga dahil nasa dulo na siya ng sopa. "Please tell me your name." "J-Janelle..." tila wala sa sariling sagot ng dalaga. Gusto man niyang umiwas ng tingin, napako na ang mga titig niya sa mga mata ng aktor. "Janelle? Beautiful," ani Flare sabay ngiti. Oh, God. Is this really happening? Napalunok na lamang si Janelle at nang hindi na matagalan ang pakikipagtitigan sa aktor, napakagat siya ng labi sabay yuko. "Thanks." "Am I making you tensed?" "Y-yeah..." Nang marinig ang sarili'y nanlaki ang mga mata ni Janelle at agad siyang napatayo. "I mean no! Wait. Look, Mr. McQueen, I need to go. Maaga pa ang pasok ko rito sa boutique bukas. Kaya please, bumalik ka na sa mga staffs at kung sino man ang mga kasama mo. Hinahanap ka na nila." "Call me Flare." "Okay. F-Flare... Please... I need to go. Malayo pa ang uuwian ko." Kunot noo na lumapit ang aktor kay Janelle na nakasandal sa mesa niya. Kaya nang makita ng dalaga na papunta sa direksyon niya ito, napahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa. Kasabay nito'y muli na naman niyang nadarama ang karera sa kanyang dibdib kasabay ng mga paru-parung paikot-ikot na limilipad sa loob ng kanyang tiyan. "Saan ba ang bahay mo? I'll go with you." TO BE CONTINUED PLEASE VOTE AND COMMENT MEAxMEA salamat para sa aking cover.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD