KABANATA XIV Labis ang kabang nararamdaman ko kanina. I thought I lost my child. Although hindi pa ako handa sa pagdating niya ay hindi ko rin kayang mawala siya ng ganu'n na lang. After all, he's human. He deserves to live like one. Kapatid ni R ang gumamot sa akin. Pamilya sila ng mga doctor at may sarili silang hospital dito sa maynila, may apat pang branches sa iba pang lugar. Mabuti na lang at hindi nila ako dinala sa ospital nang makiusap si Liz. Kapag nagkataon ay tapos na ang paglilihim ko. Hindi lang ang mga magulang ko ang makakaalam kung hindi ang buong syudad. Masyado nang kilala ang pangalan ko sa buong syudad. Ibig sabihin lang nito ay hindi lang pangalan ko ang masisira kung hindi ang dinadala kong apilyedo. Napalingon ako kay R na seryoso lang na nakatingin sa flat scr

