1
KABANATA I
"Erika, are you going?" I looked at Leizel after she asked me about the upcoming party of one of the most hottest guy in campus---that is what they've said. Honestly, I don't know. I don't even know the guy. Wala pa akong nakikitang hottest guy sa campus. If they're talking about Shawn Mendez, then I'll agree. Pero mukhang malabo iyon.
"Let's see," saad ko. Nalukot naman ang mukha niya. Leizel Dela Cruz, my bestfriend since grade school. Mula pa nang mga bata kami ay magkaibigan na kami. Tho my parents don't want me to befriend with her, nagawa ko silang suwayin. Hindi ko alam kung ano ang ayaw nila sa kaniya. They see her as a threat for my future.
Well? Hindi malabo. Kahit ako ay nakikita ko kung gaano ka-B.I. ng babaeng ito. A happy-go-lucky one. Patapon na ang buhay ika nga at tanging sa himala lang kumakapit. Hindi ko alam kung makakapasa pa ito sa huling taon namin as senior high.
Hindi lang iyon, she's also known for being a player. Ilang lalaki na ang pinaasa niyan at pinaiyak. She will just make those guys fall for her and break them after weeks. Poor them.
"C'mon, Erika. Everyone is coming! Please? Erika, please? You'll regret this if you miss. Everyone is expecting you to be there!" mangiyak-iyak niyang pangungumbinsi.
Sumandal ako sa bintana saka napatingin sa labas ng gusali. Kakatapos lang ng klase namin ngayon at lahat ay abala sa kaniya-kaniya nilang buhay.
Napaisip ako sa sinabi ni Liz. Wala ang parents ko ngayon. Probably, nasa work na naman. Napakagat ako ng labi bago muling tumingin sa kaniya.
I grinned. "Okay."
"Yes!" bulalas niya.
Natigilan kaming dalawa nang may lumapit sa amin at inabot ang isang paper bag.
Napataas ang kilay ko nang mapatingin ako sa kabuoan niya. Her fashion sense sucks. Totally dork.
"Miss E-Erika, please take this! I'm a big fan of you!" Nabigla ako nang pwersahang ibigay sa akin ang paper bag at tumakbo palayo.
"Aba't!---" Akmang susundan ni Liz ang babae ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Huwag na," natatawang saad ko.
"Bastos naman kasi eh!" naiinis niyang bulalas.
"Hayaan mo na."
Tinignan ko ang laman ng paper bag. It's a teddy bear. May nakalagay na sticky notes dito.
'From Brit Smiley'
"Ano ang laman?" usisa niya.
"Teddy bear."
She grinned. "It's the fifth gift you've received today. I'm a little bit jealous."
"Relax, ako lang ito," kunwari ay pag-iinarte ko. Natawa naman kaming pareho pagkatapos.
Natigilan ako sa pagtawa nang bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Natanaw ko sa hindi kalayuan ang grupo ng mga volleyball player namin. Napapalibutan sila ng mga cheering squad girls. They seems enjoying those girls' accompany. They probably thinking about how they could get between those girls' legs.
Ugh! That's gross.
Tumigil ang mata ko sa isa sa kanila nang mapansing sa akin ang tingin niya. The one and only Mark Aaron Dela Cruz.
'What are you looking at?' I mouthed.
Ngumisi lang ito sa akin bago ituon ang tingin sa iba.
"No way? Don't tell me you're hitting on my cousin?" naaalibadbarang usisa niya sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko na tila nandidiri sa narinig.
"Yuck!" Kunwari ay nasusuka pa ako nang marinig ang sinabi niya.
"Stop liking him. Kinikilabutan ako sa kaniya." Natawa naman ako sa pinagsasabi niya sa sarili niyang pinsan.
"Who says?"
"Don't deny it, Erika? You had a crush on him since elem. Akala mo ba ay hindi ko alam iyon?" ngising aniya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Yeah. I had. Tapos na ang paghanga na iyon.
Muli akong napatingin sa labas ng bintana. Muli ay nakita ko ang lalaking matagal nang kumukuha ng atensyon ko. Mark Aaron Dela Cruz.
Hindi ko alam kung bakit o paano ko siya nagustuhan noon. Sa nakikita ko ngayon ay hindi na siya ang batang nakilala ko noon.
That boy was gentle, caring, thoughtful and always there to save me. Ang lalaking nakikita ko ngayon... Imposibleng siya ang lalaking nakikilala ko noon. O kung siya man ang batang iyon ay sa tingin ko ay patay na ang parte ng pagkataong iyon sa kaniya. He's just a jerk now.
"Hindi sa hindi mo alam kung hindi mali ang alam mo," I lied before walking outside the room.
"Teka! Paano itong regalo?"
"Ikaw na ang bahala," saad ko.
Hindi na ako umangal nang ibigay niya iyon sa isa naming kaklase bago sumabay sa paglalakad kasama ako.
I walked confidently in the middle of hallway. Walang may lakas ng loob na humarang sa dinaraanan ko. Sa halip ay tanging mga peke nilang ngiti at pagbati ang naririnig ko sa daan.
This is how they treat me. Not a princess but a queen.
Leader ako ng dance troupe na sikat hindi lang dito sa loob ng bahay namin kung hindi sa buong lugar namin. Other than that, I am the currently SSG president of the campus. A role model.
"I'll fetch you 6 pm sharp." Kinindatan ako ni Liz bago ako iwan kasama ng sundo ko. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko habang pinapanood siyang makalayo.
Guess I'll have a long long night.
Palubog na ang araw nang matapos akong mag-ayos. Goddess as ever. That's not a self compliment but a fact. Beat me.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Agad ko namang sinagot nang makitang si Liz iyon.
"Where are you?!" singhal niya mula sa kabilang linya.
"Give me a moment, may bantay pa," pagdadahilan ko.
"Okay, nasa likod ako ng bahay niyo."
"Wait for me."
Hindi mahirap na takasan ang mga guard. Kung pagtakas lang naman ang pag-uusapan ay eksperto ako diyan. Kaya kong maglabas-masok sa bahay nang walang nakakaalam.
Wala ngayon sa bahay ang mga magulang ko. May sari-sarili silang politikang inaatupag ngunit sa tuwing umaalis sila ay sinisigurado muna nilang secure ang buong mansion. Mas double ang pagbabantay ng mga guard sa tuwing wala sila.
Isang gobernador ng kalapit na bayan si Mommy habang isang sinador naman si Daddy. Our family is both related to politics and business. That's how they could manage to become extremely rich.
Unfortunately I was born with a silver spoon. People may thought I had everything I want dahil sa yaman ng pamilya namin. Masasabi kong tama sila sa parteng iyon pero kabilang banda ay mali rin sila.
Maaaring nakukuha ko ang lahat ng mga bagay na gustuhin ko ngunit hindi lahat na gusto kong gawin ay nakukuha ko.
Ipinanganak ako sa marangyang pamilya ngunit kapalit nito ay ang kumilos ng tama base sa estado namin sa buhay. Masyadong perfectionist ang mga magulang ko. Mula sa pananalita, pananamit at kung paano umakto, lahat nang mga iyan ay bantay-sarado. Kailangan kong panatilihin ang perpekto naming imahe sa harap ng maraming tao.
Ang umalis ng bahay ngayon para lang umattend sa party ay isang hindi katanggap-tanggap para sa mga magulang ko. Kapag nahuli ako dito ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
Minsan lang ako sumuway sa mga magulang ko ngunit ang lahat ng iyon ay konektado kay Liz. Pfft.
Gaya nang dati ay walang nakapansin sa pag-alis ko ng bahay. Thankfully, may secret passage sa likod ng bahay patungo sa kakahuyan na malapit naman sa kalsada ng subdivision. Natatakpan ito ng mga halaman kaya't hindi ito mahahalata.
"Let's go!" bulalas ni Liz nang makita niya akong palapit sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang tuwa. Hindi naman halatang excited siya? Psh. Luckily, she has her car and a driver.
Bumuka ang bibig ko matapos naming makapasok sa loob ng bahay kung saan ginaganap nila ang party. Sa labas pa lang ay rinig na rinig ko na ang tugtog. May mga taong nasa labas. Kaniya-kaniyang hawak na paper cup. I was hoping that it's not an alcohol or something like that.
Ilang imbitado rito ay estudyante sa school namin. And some of these people are minor just like me. Kapag nalaman ito ng dean ay sigurado akong lagot ang lahat ng nandito including me, of course. But I can't deny that I'm fascinating the place. I thought I could just see this scenery in a teen american movie.
"Parang gusto kong umuwi na lang. I feel uncomfortable in this place," saad ko. Akmang tatalikod para umalis nang pigilan ako ni Liz.
"Don't be KJ. Nandito ka na, sulitin mo na!"
Wala akong nagawa nang hilain niya ako patungo sa isang grupo ng nagkakasiyahan.
"Look who's here?!" Paglingon ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang braso ng isang lalaki saka inakbayan ako habang hawak ang isang beer. Huli nang mapagtanto kong si Gino ito, isa sa mga kaklase ko at myembro ng dance troupe. I could say he was one of those jerks who was hitting on me. Inirapan ko siya. I honestly don't like him from the very start.
Sigawan naman ang mga taong nasa paligid namin dahil sa anunsiyo ni Gino.
"Because of that, you have to drink!" Kinuha niya ang isang basong naglalaman ng alak at inabot sa akin.
"Drink! Drink! Drink!" sigaw niya dahilan para makisabay ang lahat sa kaniya.
Napatingin naman ako kay Liz na pinandidilatan ako kaya't wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon at agad na nilagok.
"H-Happy birthday, Kirt. Here, I have a gift for you, sana magustuhan mo."
Pinaningkitan ko ng tingin si Liz. Nakakapagtaka ata at naging mahinhin ang boses nito?
"Ah thanks," saad niya. I don't even see if he's happy for accepting our gift. I mean, he has no emotion at all. Para wala itong kagana-gana. I thought tonight was his birthday?
Napatingin ako kay Aaron may kaakbay na babae nang mapansing sa akin ang tingin niya.
"What?" I mouthed.
"Nothing," He mouthed back.
"Will you excuse me?" Tinanggal ko pagkakaakbay sa akin ni Gino bago tumalikod at walang paalam na umalis sa harap nila.
"Erika, where's the fun?!" sigaw ni Gino ngunit hindi ko ito pinansin. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Liz ngunit wala akong planong maki-hang out sa kanila.
Natigilan ako sa paglalakad nang makuha ng tingin ko ang isang lalaki sa may bar. Tuwang-tuwang siyang pinapanood ng mga tao habang magmi-mix ng drinks. Para siyang sumasayaw kasama ng mga boteng lumilipad sa ere.
I found myself walking towards him, being amazed by his performance. He's damn hot at a moment.
Nang matapos ang ginagawa niya ay nag-alisan na rin ang mga tao. Umupo ako sa isa sa mga upuan.
"What brings you here?" panimula niya.
"Drink?" maang ko. Natawa naman siya sa sagot ko.
"First time?" muling tanong niya.
"First time what?" pabalik ko sa tanong niya.
"First time mo sa ganitong party?" paglilinaw niya. Tumaas naman ang kilay ko.
"Do I look like one?"
Nagkibit-balikat siya. "I think? Maybe?"
Hindi ko maiwasang mapangiti sa paraan ng pagsasalita niya. He might be a model. He has the look and the body.
"Marami na akong napuntahang party but this one is different. Ayaw ko sanang sumama kaso ang kulit ng kaibigan ko," tugon ko.
"I see."
"Just give me something to drink," dagdag ko pa.
Makalipas ang ilang minuto ay tila nandidilim ang paningin ko. I never thought I would be drunk in just 3 shots. Ignorant me. I don't know. This was my first time to drink. I am just turning 17 this year.
I tried to call Liz. Thankfully, she answered the call.
"Erika?"
"I-I am at the bar. Sunduin mo ako," mahina kong saad. Inaantok na ako. I can't go home like this. Baka makarating kay Mommy na umuwi ako ng lasing. Maybe I will sleep over Liz's house right now.
Ibinaba ko na ang tawag bago mapatingin sa bartender na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Hey, my friend will come to get me. Watch me for a while. I-Inaantok na ako," halos pabulong ko nang sambit.
Ngumiti naman siya bago tumango.
"You can count on me," tugon niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong kainin ng dilim.
Nagising ako nang maramdaman kong tila lumutang ako sa ere. Pinilit kong buksan ang mata ko ngunit ang bigat nito para maidilat.
"A-Aaron?" wala sa sarili kong sambit nang maaninag kung sino ang bumuhat sa akin bago tuluyang mawalan ng malay.